KABANATA 5- SA KAKAHUYAN

1726 Words
Sa paglapit ni Evan sa kanyang lola ay bigla na lang siyang sinampal nito ng di man lang alam kung bakit at ano ang nagyari. Basta na lang may lumapat sa kanyang mga mukha at ramdam niya ang sakit na para bang pulang pula at durugo na. "Bakit sobrang hapon mo nang bwesit ka. Saan ka pa nagpunta. Siguro nag bolakbol ka o di kaya nagbibisyo kana. O kaya siguro natakas kana sa mga gawaing bahay. Wag na wag kang magkakamali dahil di ako manghihinayang na bugbugin ka hanggang sa malumpo ka" saad ng lola ni Evan na halos masakit ang kamay dahil sa ginawang sampal. "Sorry po lola. Wala po akong dinaanan na kung saan. Diretso nga po ako agad dito ehhh. Ganun lang po talaga ang labas namin", wika ni Evan na halos mautal at ramdam na ramdam ang sakit at tila maiiyak na siya pero nagpapakatatag para sa sarili. "Aba sasagot ka pang bata ka. Di kita pinalaki ng ganyan. Palamunin ka na lang nagagawa mo pang sumagot. Di ka nga ata natatakot na mabugbog araw araw ahh", saad ng lola niya na may haya na uli ng pagsampal. Pagkatapos mapagsabihan at masampal si Evan ay kumuha na siya ng gulok at sako para makatungo na sa kakahuyan. Nang palabas na siya ay dinaanan niya lang ang kanyang lolo at nakayuko siyang lumampas dito. Bago siya dumiretso ay bumalik muna siya dahil nakalimutan niya na mag bota. Pagkakuha niya ng bota at suotin ay lumabas na uli siya at nagtungo sa kakahuyan. Pagpasok sa kakahuyan ay mwdyo nawala ang p*******t ng kanyang pisngi dahil sa animoy kinakantahan siya ng kalikasan dahil sa tunog ng mga kuliglig na nag aawitan at ang lagaslas ng tubig mula sa ilog. Nagsimula siyang mamutol ng mga tuyong sanga at saka inipon sa isang tabi para maisilid niya pag nakarami na siya. Sa kanyang pamumutol na iyon di maiiwasan na matinik, masalugsog, o di kaya ay madaplisan ng hawak niyang gulok. Para kay Evan ay natural na iyon at di na bago sa kanyang pakiramdam. Isa pa wala iyon sa dinadanas niya sa kanyang lolo at lola. Pagkatapos niyang makarami ay pinutol putol na niya sa katamtamang laki ang mga kahoy at tsaka isinilid sa sako. Pero bago siya umalis ay namahinga siya sa ilalim ng puno ng artus o mas kilala ng iba na puno ng narra. Habang namamahinga siya ay kumakanta siya ng musika na kahit paulit ulit ang liriko ay di siya nagsasawang pakinggan. Kung minsan naman ay iniisip niya kung nasaan ba ang kanyang mga magulang. Iniisip niya na sana di pa sila patay at mayaman sana upang makaalis na siya sa ganong buhay. Habang namamahinga ay iniisip din niya ang nangyari buong araw. Simula umaga hanggang sa makarating siya sa kinatatayuan niya ngayon. Nang naisip niya iyon ay pangiti ngiti at biglang nagiging malungkot. Naisip niya na sobrang malas niya ata at wala na atang katapusan. Makalipas ang ilang minuto na pagpapahinga ay tumayo na rin siya at pinasan ang isang sako ng pang gatong. Habang naglalakad siya ay patali talisod siya sa mga ugat ng kahoy kaya kung minsan ay muntik na siyang madapa at masobsob. Bago siya lumabas ng gubat ay tiningnan niya muna kung may nahuli ba ang kanyang ginawang kana para sa mga pugo. Laking gulat niya na ang kanyang kana ay may tatlong huli na naglalakihang mga pugo na kung kikilohin ay may isang kilo ang bigat ng lahat. Tatakbo siyang nagtungo dito at pinutol ang pisi at saka ginawan uli ng pang huli. Pagkatapos noon ay lumabas siyang masaya sa kakahuyan dala ang pang gatong at ang tatlong pugo niyang nahuli. Habnag naglalakad siya patungo sa kanilang tahanan ay umawit uli siya upang di maramdaman ang bigat ng kanyang pasan sa kanyang balikat na panggatong.        Nang makarating na siya sa kanilang tahanan ay agad na binaba ni Evan ang isang sako ng panggatong at sabay nag inat inat ng kaunti upang marelax ang kanyang katawan. Pero sa di inaasahan ay nakita siya ng kanyang lolo habang himihigop ito ng kape. "Hoy bata ka anot ikaw ay patigil tigil pa dyan. Digay ikaw ay magsasaing oa. Kaya ka ata nagtagal ikaw ay nanghabol pa ng mga pugo na iyan. Ikaw ay wala na ngang kasilbi silbi ang bagal mo pang kumilos. Dalian mo diyan at pag ang iyong lola ang nakakita sayo siguradong di lang sampal ang aabutin mo doon kundi mga garute at latog" saad ng lolo ni Evan na may pananakot sa mga mukha at pananalita." Hindi ko po ito hinabol. Nagkataon pong nakahuli ang aking kana sa kakahuyan. At ang swerte pa ho dine ay tatlo agad ang aking nabitag. Ayy di may pang ulam na ho tayo lolo" saad ni Evan na may pagmamalaki at tuwang tuwa. "Anong swerte swerte ka dyan malas ka sa buhay namin. Sana naiintindihan mo iyon. Walang naging swerte ng napunta ka sa amin. Magmadali ka na nga dyan. Puro ka pa satsat mamaya gabi na wala ka oang sinaing" saad ng lolo ni Evan na galit na galit.     Samantala pumasok si Evan sa loob ng kanilang bahay at di na inisip ang mga sinabi ng kanyang lolo kase wala ng bago sa lahat ng sinasabi nito. Sa isip na lang niya ay isa itong israng plaka na paulit ulit na nag pa play. Nagtungo siya sa  kusina para makapag luto na tsaka niya inihanda ang lahat ng gagamitin niya. Nagtungo siya sa tungko sa labas ng kusina dala ang kaldero at mga sangkap sa pagluluto niya ng piniritong pugo. Habang nagsasaing si Evan ay inaalisan na niya ng balahibo ang pugo at tsaka niya idadarang sa init pag halos balahibong pusa na lang ang natitira. Maya maya ay nakita siya ng kanyang lola at malambing na nagsalita. "Apo ayos iyang dala mo ahh. Ang sarap siguro niyan lalo na at ang tatabi ng nahuli mo. Diba meron ka pa naman ata dyang kamote iyon na lang sayo at amin na lang iyan ng lolo mo kase kukulangin sa atin iyan alam mo naman malakas ang lolo mo kumain para na din hindi siya magalit sayo", saad ng lola ni Evan sa malumanay na boses at nang uuto. "Opo lola meron pa naman pong natira sa lalagyan natin. Sige po iluluto ko po iyon mamaya", saad ni Evan na nakangiti pero sa loob loob niya ay may oanghihinayang dahil minsan na nga lang siya makakain ng pugo at kung iisipin ay parang manok na din.     Nang mawala na lahat ng balahabo ng pugo ay ginayak na niya ito para gayatin at ilagay sa harina na naka stack sa kanilang tahanan. May stack silang ganun kase kung minsan ay gianagawa itong gawgaw o kaya kula ng kanyang lola. Pagkasawsaw sa harina ay inihulog ni Evan ang ginayat na pugo sa kumukulong mantika. Habang hinihintay na maluto ay nakaupo siya sa isang tabi at nagmumuni muni na kung hanggang saan aabot ang kanyang buhay na ganun. Kung hanggang saan at hanggang kailan siya makakapagtimpi sa ginagawang karumal dumal sa kanyang buhay. Nang makalimpas ang ilang minuto ay napagtanto niya na di na ito napilantik kaya inahon na niya. Kaya mabilis ang pagkaluto ay dinamihan niya ang mantika at tinayak na lubog ang lahat pati ang ibabaw na parte at di na kinakailangan na baliktarin. Titikman niya sana ang kaunti nguinit nakita siya ng kanyang lola at sinabihan na wag ng tikman kase pare parehas lang din naman ang lasa kahit noon pa. Dahil walang maggawa si Evan, hinyaan na niya lang at kumuha ng kaldero para ilaga ang kamoteng kakainin niya sa hapunang iyon. Habang niluluto niya ang kamote nakita niya na kumakain na ang lolo at lola niya at tila sarap na sarap at nagawa pang isawsaw sa toyo na may calamansi at sili. Halos trumulo ang laway ni Evan kaya pumikit na lang siya. Sa pagpikit na iyon ni Evan di niya namalayan na may tumutulo na palang mga butil ng luha sa kanyang mukha. Nababagabag siya sa kanyang sarili dahil puro na lang dusa at ultimo sa kanyang pinaghirapan ay di pa siya makatikim kahit pinagsapahang buto.     Nang makaluto siya ng kamote ay hinango na niya ito at tinalupan isa isa. Kinain niya ito habang mainit init pa upang masarap pag dumating sa kanyang sikmura. Nang makatatlong kamote si Evan ay uminom siya ng maraming tubig tsaka siya napadighay ng malakas. Sa dighay na iyon nagitla ang kanyang lola at dali daling pumunta sa kanya. "Ano ba iyan Evan. Takpan mo naman ang bunganga mo pag didighal ka ng ganoong kalakas. Wala ka bang alam na kagandahang asal" saad ng lola ni Evan na medyo nakakaramdam na ng antok pero galit ang mukha.     Di naman ito pinansin ni Evan at kumuha na siya ng pamalit na damit sa kantyang durabox sa kanyang maliit an silid. Ang silid niya ay talagang maliit na saktong sakto lang sa kanya pag humiga siya. Pagkakuha niya ay nang hinaw na siya at naghilod ng maayos tsaka nag hilamos. Pagkatapos niyang makapag linis ay nagbihis na siya. Isinarado muna ni Evan lahat ng pinto ng kanilang bahay at tsaka kinandado. Pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay hinablot agad niya ang kanyang Bibiliya na nakasilid sa ilalim ng kanyang unan. Sa unang buklat niya may nakakuha agad ng pansin niya at ito ay ang Galatians 6:9 na nagsasabi na "Kaya huwag tayong magsasawa sa paggawa ng mabuti, dahil sa tamang panahon matatanggap natin ang ating gantimpala kung hindi tayo susuko." Sa pagkakabasa niyang iyon ay napakaraming pumasok sa kanyang isipan. Nasa isipan niya na gumagawa naman siya ng kabutihan lagi lagi pero bakit ganun pa rin ang nangayayri sa kanya. Napatanong din siya na kung kailan dadating ang sinasabing gantimpla. Nasa isipan na din niyang sumuko sa bawat araw kaya puro siya tanong sa kanyang isipan. Pero kahit ganun pa man di mapakali si Evan kaya taimtim siyang pimikit, nag antanda ngkrues at tsaka nagdasal. Kinausap niya ang Lord na parang nasa harapan niya at lahat ng naiisip niya ay itinanong niya dito. Sa sbrang taimtim niya sa pagdadasal at pakikipag usap sa Lord tumulo ang kanyang mga luha ng tuloy tuloy. At sa sobrang tagal noon ay di na si Evan nakapag antanda ng krus para sa panapos dahil nakatulog na siya sa sobrang pagod at pagal ng buong katawan at isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD