Chapter Five
-Marta-
Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay halos mag-aanim na buwan na ako sa mansion ng mga De Lana, at tulad pari ng dati ay hindi ako puwdeng lumabas kaya wala akong nagagawa kung puro cross stitch. Marami na nga akong nagawang cross stitch at lahat lang ay nasa kuwarto ko wala rin kasi akong mapaglalagyan sa labas dahil hindi pwdeng basta ko na lang ito isabit sa labas ng walang permiso galing kay Jacinto. Nananahi na rin ako ng mga damit kong malapit naman masira, hindi ko talaga ginamit ang binigay ni Mr. De Lana kahit pa sinabi nitong gamitin ko ang lahat ng damit na pinadala nito. Isa pa hindi ko ito matawag na asawa dahil alam kong hindi rin naman ganoon ang turing nito sa akin, hindi ako mahilig lumabas ng kuwarto ko para lang makipag-usap sa mga katulong o sa ibang taong nagpupunta dito at ang tanging nagiging hilig ko ngayon ang panonood ng mga Korean movie sa Netflix. Wala rin naman akong pakialam kung tumaas ang kuryente nito tutal naman ay bilanggo ako sa napakalaking mansion na ito, kaya halos walang p*****n ang tv ko kahit pa magdamag at nakakatulugan ko na rin naman ito.
Palagi rin nagpupunta dito si Kuya Arman para humingi ng pera sakin pero wala akong maibigay kaya naman nakakatikim ako dito ng sampal at kung minsan pati sabunot ay nakakamit ko dito sa tuwing wala akong maibigay na pera. Ayaw kasi nitong maniwala na walang iniwan sakin si Jacinto kung di ang mga tauhan nitong nagbabantay sakin. At bakit naman ako bibigyan ng pera ng lalaking yon eh, hindi naman kami tunay namag-asawa kaya naman mas nasasaktan lang ako sa tuwing sasagot din ako dito. Napapailing na lang dahil ang buong akala ko ay makakawala na ako sa pananakit ng mga ito, subalit mali pa ako dahil mukhang mas nasasaktan ako ngayon kaysa dati na hindi naman ako nito pinapansin.
“Ang b*b* mo naman Marta, wag mong sabihin na hanggang ngayon hindi mo parin napapaibig ang lalaking yon. Ang t*nga mo ewan ko pa kung bakit ikaw pa ang kinuha ni Papa eh wala ka naming silbi sa aming pamilya.” Sabi nito sakin bago bitiwan ang aking buhok sa pagkakasabunot nito. Naluluha naman akong nabagsak sa sahig dahil sa bigla rin ako nitong binitiwan, wala na rin ako nagawa at awa lang sa aking sarili ang kaya kong ipibigay.
“Sa susunod na linggo babalik ako dito para kunin ang pera at dapat ay nakahanda na ito kung hindi masasaktan ka lalo kapag nalaman pa ito ni Papa. Kaya kung ako sayo gumawa ka ng paraan para makuha ang loob ni De Lana na yun kung ayaw mong mismong si Papa pa ang pumunta dito at saktan ka sa harap ng asawa mo wala ring pagmamahal sayo” Galit nitong sambit at sa akin na labis ko na mangikinatakot.
Dahan-dahan naman akong tumayo ng makaramdam ako ng pagkahilo at ng may sumagi sa aking isipan na hindi maintindihan at isang ala-ala ba yun o isa lamang pangitain. Hindi ko kasi malaman kung minsan ang sarili ko may mga napapanaginipan akong malakas na pagsabog at maraming patay. Naglalakad ako sa isang mausok na lugar at tinatawag ang Daddy ko pero bigla na lamang merong nagtakim ng aking ilong at nakatulog ako. Palaging hanggang don lang ang aking naaalala at bigla na lamang ako magigising. Simula ng magdalaga ako ay palaging iyon lang ang napapaniginipan ko kaya naisip ko na baka merong nangyari sakin ung bata pa ako. Hindi kaya nakidnap ako, o nawala na rin ako dati at dahil na rin sa tagal ay wala akong maalala, iyon lang din ang madalas pamapasok sa aking isipan dahil na rin dito ay lumaki ang takot kong lumabas ng bahay. Nasa kuwarto na ako at ginagamot ang sugat sa aking labi ng biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling kinuha ni Raymond ang bulak at ito na mismo ang gumamot sa mga pasa na nakuha ko sa pagsampal sakin ni Kuya Arman kanina ng dumating ito.
“Ako na lang ang gagamot sa sugat mo” Inis nitong salita sa akin na ikinayuko ko na lang din dito. Sa lumipas na buwan ay naging kaibigan ko na rin ito, madalas itong dumarating sa tuwing nagpupunta dito ang mga kapatid ko at kung minsan ay naaabutan pa nitong nasasaktan ako ng mga ito. Minsan na rin nagpang-abot sina Kuya Arman at Raymond pero hindi nagpatalo si Kuya at nagbanta pa ito kay Raymond, hindi ko rin naman nakitaan ng takot sa mga mata si Raymond kaya naman mas nahiya ako dito dahil nadamay pa ito sa awayan naming magkapatid.
“Kaya ko naman.” Sagot ko at tatangkain na kunin dito ulit ang bulak. Pero tinignan lang ako ng masama nito at dahil don ay hinayaan ko na lang ito sa nais nitong gawin sakin, napapaiwas pa ako dahil sa nasasaktan ako sa ginagawa nitong paggamot sa akin. Napapabuga lang ito ng hangin at nakikita kong nagpipigil din ito ng galit lalo na at nakikita nito ang aking pasa at sugat.
“Salamat, pero ano pala ang ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nililigpit naman nito ang mga ginamit na medicine kit at inilagay sa ibabaw ng side table ko. Tinignan lang ako nito at saka ngumisi sa aking harapan, ang bilis magbago ng tema ng mukha nito at ngayon nga ay natatawa na ako dito dahil sa nagagawa pa nitong magpacute sa akin na parang bata.
“Gutom ako at gusto ko sanang kumain, pero ang sabi ni Yaya Sol ay dumating dito ang kapatid mo at sinaktan ka ulit, Marta sabihin mo lang sakin kung gusto mong tapusin ko na ang buhay ng dalawa mong kapatid dahil kaya kong gawin iyon.” Galit na ulit ang boses nito at nakikita kong napapakuyom pa ang kamao nito. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nito dahil alam kong hindi naman talaga nito kayang pumatay ng tao. Nakikita kong mabait si Raymond kaya naman ayokong mapahamak ito ng dahil sa pagtatanggol sa isang tulad kong wala naman halaga sa mundo.
“Wala kabang katulong sa bahay n’yo? Ang alam ko mayaman ka at malaki ang mansion pero lagi ka rito nakikikain anong gagawin mo sa yaman mo kung hindi gagastuhin masyado kang kuripot Raymond?” Pag-iiba ko sa nagiging topic namin kanina, ng sa ganoon din ay mawala ang galit nito sa mga kapatid ko. Tumawa lang ito ng malakas at saka kinurot pa ang aking pisngi, hinampas ko naman ito dahil talagang naiinis ako dito, ang hilig kasi ako nitong kurutin kaya pakiramdam ko ngayon ay lumaylay na ang pisngi ko sa ginagawa nitong pagkurot.
“Alam mo masyado ka na ring palasagot noh, kung pinagluluto mo na lang ako baka mabusog pa ako.” Sabi nito at saka ako inakay palabas ng kuwarto at inakbayan ako pababa ng hagdan at para rin pumunta ng kusina. Pero nagpaliko na kami dun ay siya naman pagpasok ng lalaking may kasama ring babae. Nagulat pa ako dahil kilala ko ang kasama nitong babae at ang lalaki ay ang aking asawang halos anim na buwan ding hindi nagparamdam mula ng umalis, tapos darating na may kasama ibang babae. Parang ayokong gumalaw sa kinatatayuan ko dahil sa kabang meron ang aking dib-dib ngayon, napupuno ng galit at parang gusto ko na lang din munang magkulong sa kuwarto ko ng sa ganoon ay hindi makita ang dalawang ito.
“Dude,“ Sabi ni Raymond at lumapit sa kaibigan, ako naman ay nakatayo lang at hindi makagalaw dahil tinitigan agad ako ng masama ng babaeng kasama nito. Ang titig nito ay nagsasabing magpanggap ako hindi ito kilala. Kaya bagsak ang balikat papunta na lang ako ng kusina ng sag anon ay makapagluto ng makakain, alam kong talo na rin naman ako una pa lang kaya anong karapatan kong magreklamo sa buhay na meron ako.
“Babe, ang ganda ng mansion mo? Alam mo sa tingin ko gugustuhin kong tumira dito na kasama ka?” Narinig ko pang sabi ni Ate Erica, yes! Ate ko ito at hindi kami sabay na lumaki sa mansion dahil may sarili agad itong bahay kahit na bata pa lang kami noon, hindi na rin naman ako nagtanong pa dahil alam kong paborito ito ni Daddy kaya naman pikit mata na lang ako sa kung ano ang meron lang ako noong bata pa ako. Sa mga party sa loob ng mansion ay palaging si Ate Erica ang napapansin ng lahat dahil talagang maganda ito at nakukuha ang lahat ng kanyang naisin. At mukhang pati si Jacinto ay nakuha na rin nito napapailing akong isipin na wala talaga ang may gusto sakin. Napahawak ako sa aking mata ng may tumulong luha mula roon, nasa ganoong akong pag-iisip ng biglang umakbay muli sakin si Raymond andito na pala ito ng hindi ko namamalayan.
“Jowa ng asawa mo?” Nakangisi nitong bulong sa akin, kaya naman natawa na lang din ako ng pagak dito at saka nanahimik dahil kilala ko naman ang isang ito na malakas mang-asar. Pero ganon pa man ay nasasakyan ko na rin naman ang pagjojoke nito sa akin, lalo na kung kami lang dalawa ang magkasama at masayang nagkukuwentuhan.
“Alam ko” Sagot ko na ikinatawa na lang naming dalawa, hanggang sa hindi na rin namin namamalayan na nasa paligid na pala sina Jacinto at si Ate Erica. Wala naman kaming naging pakialam don kaya tuloy lang kami sa pang-aasaran, hanggang sa napalingon kami at masamang aura ni Jacinto ang aming nakikita.
“What's funny?” Biglang salita ni Jacinto habang nakaangkla si Ate Erica sa kanya at matalim pa rin ang tingin sakin, nagkatinginan naman kami ni Raymond at saka lihim kaming natawang dalawa.
“Wala dude, may naalala lang kami ni Marta na nakakatawang bagay kaya naman nagtatawanan kami. Saka huwag kang mag-alala dude ikukuwento ko na lang sayo sa susunod kapag may time ka na” Sagot na lang ni Raymond dito na lalong ikinasimangot ng mukha ni Jacinto.
“Mukhang matagal na kayong magkasundo? May mga nangyari na ba na hindi ko nalalaman Raymond at sa sarili ko pang mansion mo ginagawa ang kalokohan mo?” Makahulugan na tanong ni Jacinto at masama ang tingin sa kaibigan, napahinto naman ako sa pagkain dahil sa narinig ko. Mukhang pinagbibintangan kami nito na may ginagawang kababalaghan nito, samatalang siya ang may kasamang ibang babae ng dumating sa bahay namin. Ayos din ang lalaking ito dahil ang galing magpanggap na wala rin siyang kasalanan.
“Aalis ka ng walang pasabi, at babalik kang mag kasamang ibang babae habang may asawa kang tao. Sa tingin mo sa ating dalawa sino ang gumagawa ng kalokohan ha? Dude, huwag mong hayaan na takutin ka ng sarili mong multo dahil hindi ako ang kaaway mo dito.” Seryosong sambit ni Raymond sa kaibigan na ikinalingon ko ng mabilis dito. Makikita naman ang galit sa mukha ni Jacinto pero ano naman ang ikakagalit nito sa aming dalawa ni Raymond eh magkaibigan lang naman kaming dalawa. Hindi kagaya nila ni Ate Erica dahil halatang may ugnayan ang mga ito.
“By the way Marta, naalala kong may kailangan pala akong gawin. Sa susunod ko na lang ulit ako makikikain dito kapag wala na ulit ang asawa mong pinaglihi sa sama ng loob.” Dag-dag pa nitong sabi at saka umalis ng walang paalam sa mga kasama namin nakatingin sa aming dalawa. Nang umalis na ito at siya namang pagdating ng iba pang pagkain na pinaluto na rin pal ani Jacinto bago pa man ito umuwi kanina.
Tahimik lang ako at nakikita ko ang pailalim na tingin sa akin ni Jacinto, hindi ko ito pinansin ay ng matapos na rin ako ay umalis na rin sa ko may dining area. Alam ko namang hindi nila mapapansin ang pag-alis ko kaya naman minabuti ko na lang muna manahimik kahit sandali. Alam kong magkakaroon ng gulo ngayon lalo pa andito si Ate Erica, hindi ko alam ang kung bakit ito andito at kung bakit kasama nito si Jacinto. Pero isa lang ang alam ko gulo ang hatid nito sa pamilya ng mga De Lana, pero anong magagawa ko kung mismong si Jacinto na rin ang nagpasok dito sa sarili nitong pamamahay.