Chapter Twenty-three -Jacinto- "Master" Bati sakin ng dalawang tauhan ko ng makapasok na ang mga ito sa loob ng office ko. Nakaupo naman ako sa swivel chair at malalim ang aking iniisip ngayon at alam kong kinakabahan ang dalawang tauhan ko dahil bihira ko silang ipatawad kung wala kong mahalagang sasabihin sa kanila. Napatingin ako sa mga ito at naka tayo sa aking harapan, dama ako ang takot nila pero kailangan kong malaman ngayon kung sino ang traydor at nagawa nitong kalabanin ako ng ganon-ganon lang. Sa totoo lang ay nanghihinayang ako kung isa man sa kanilang ang nagtraydor sa akin kanina dahil marami na rin kaming pinagsamahan ng mga ito, aaminin kong kahit konti ay nagkaroon ako ng tiwala sa kanilang dalawa at alam din ng mga ito kung ano ang plano ko para lang mapabagsak ang mga

