Chapter Twenty-two -Jacinto- Tulad ng dati ay palagi pa rin akong pumupunta sa bahay nila Tito Art para makita at makasama ang mag-ina ko na sobra kong namimiss, hindi na biro ang tagal na hindi ko na rin sila nakakasama gustuhin ko man na iuwi na sila ay hindi ko magawa dahil talagang wala pa rin ito maalala at isa pa ay hindi pa ako tapos sa mga Alcantara. Hindi ko pa napaparusahan ang mga ito kaya naman talagang naiinis na ako, may mga tauhan akong palaging nakasunod kay Felix at maging sa anak nitong mga lalaki, kailangan ko kasi silang bantayan at baka umalis sila ng bansa at hindi ko sila magawang pagbayaran sa kung ano man ang naging kasalan ng mga ito sa akin, mali man ang naiisip ko ay wala kong magagawa dahil sila ang unang gumawa ng hindi tama sa pagiging pinanganak para sa ak

