bc

RBS 4: The Untold Promises (ON-GOING)

book_age18+
870
FOLLOW
8.9K
READ
billionaire
revenge
possessive
second chance
arrogant
manipulative
bxg
office/work place
childhood crush
virgin
like
intro-logo
Blurb

Running is Mhelanie's favorite thing. Simula nang nagmahal siya at nawala ang lahat sa kanya ay nawalan na din siya ng kakayang magmahal ng iba. Greg is her only one true love. Nang mawasak ang puso niya dahil dito ay tuluyan na siyang lumayo.

Hanggang kailan siya titigil? Hanggang kailan siya makikipaglaban sa nararamdaman niya? Hanggang kailan siya magiging handa na pakinggan ang mga hindi nasasabing pangako ni Greg sa kanya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE TAIMTIM akong nagdarasal habang nakikita ko ang mukha ng taong pilit kong tinataguan sa loob ng ilang taon. Kumaripas ako ng takbo sa madilim na kanto malapit sa apartment ko ng makita ko siya. How the hell did he find me? Nanginginig ang kamay ko habang nagdadasal na sana ay hindi niya ako mahanap. Kahit wala akong dalang flashlight at cellphone ay himalang natunton ko ang tamang daan. Makipot pa naman ang kantong ito dahil tambayan ito ng mga nag-iinoman dito. Kung mahuhulog ako sa napakaruming kanal ay wala na akong magagawa. Huwag lang akong mahuli ng lalaking iyon! Luminga linga ako at napasuklay sa aking buhok ng makitang hindi na ito ang tamang daang tinatahak ko. f**k! “Checkmate, Mhel. Wala ka nang daang tatakbuhan.” I heard him. That voice! Kumawala ang kabog sa puso ko ng sa sandaling nilingon ko siya. “G—greg? What are you doing here?” Tanong ko sa kanya habang takot na takot. Damn it, Mhel! Talagang tinatanong mo pa iyong tao? Hindi ko man siya nakikita pero ramdam ko ang nakakakilabot na ngiti niya. I saw his built when the light in the nearby houses struck him.. Katulad pa rin ng dati. Walang pinagbago ang kanyang kaanyuan maliban na lang sa paglaki ng kanyang katawan. “Nakalimutan mo ata ang naging kasunduan natin.” Malamig niyang saad sa akin. Namuo ang luha sa mga mata ko ng makitang hindi lang siya nag-iisa. He’s with his men. “No! Hinding hindi ako sasama sa iyo!” Kinakabahan kong saad ng magsimula siyang lumapit sa akin. Bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata nang marahas niya akong hinablot at napasubsob sa kanyang matigas na dibdib. “Game over, sweetheart.” He whispered. His voice was not sweet, it’s rather a combination of disgust and anger. He was angry at me. Ramdam ko iyon sa bawat buga niya ng kanyang marahas na hininga kahit man salungat ang kanyang magaang pagkakahawak sa akin. I want him to try now. I want to see how he will ruin me! “I will not go wih you, Greg! Hindi mo ako pagmamay-ari!” I spat on him. He chuckled evilly. “Why? Do you think you have the money to win against me?” I hate him! Nanggigigil ako habang hawak niya.. Gusto ko siyang kalmutin at suntukin pero mas gusto kong umiyak na lang. He pushed me backward. Pagkatapos ay hinuli niya ang mga kamay ko. Umalis kami sa madilim na eskinita at tinungo ang apartment ko. Mabigat ang dibdib ko habang ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Kung papaano niya nalaman kong saan ako nakatira ngayon ay palaisipan para sa akin. Of course, Mhel. He’s damn rich now. Isang pitik lang ng daliri niya ay matutonton na ako ng mga tauhan niya. “Secure the area, Marcus. I saw some drunk bastards roaming around this area.” Malamig na utos ni Greg sa kanyang tauhan. Umigting ang panga niya ng malipat sa akin ang mga mata niyang parang lawin. Yumuko ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. “Don’t f*****g cry now, Mhel. Open your damn door and pack your things.” He gritted his teeth. He is really annoyed. Ako rin! “Hindi ako sasama sa iyo!” Padabog kong saad at iniwan siya bago ko binuksan ang pinto ng apartment ko. I saw some of my neighbors walked out of thier doors. Sasagap na naman ito ng tsismis panigurado. Malalim na ang gabi at ang mga tahol ng aso siguro ang nagpagising sa kanila. Kita ko ang bulong bulungan ng mga ginang kong kapit-bahay ng makitang maraming sasakyang nakaparada sa harap ng apartment ko at puro pa mga lalaki ang nagbabantay nito. “Whether you like it or not, you are coming with me.” Galit niyang saad sa akin at marahas na hinablot ang siko ko. Ngumiwi ako. “Ano ba, Greg?! Nasasaktan ako!” Pabalya niyang binuksan ang pinto at pumasok kaming dalawa bago niya malakas itong sinirado. Tinulak niya ako sa dingding pagkatapos ay tinaas niya ang kanyang mga kamay para kulungin ako sa pagitan non. “How dare you! Pinagbigyan kita ng higit pa sa ilang taong palugit na ibinigay ko sayo kaya huwag mo akong dramahan ngayon!” I saw how his eyes burned in fury when he looked at me. Napahikbi ako. “B—bakit kasi hindi mo na lang ako pabayaan?! I’m fine here. I’m fine without our land! Binigay ko na, 'diba? Hindi mo na ako kailangan!" Singhal ko pabalik sa kanya ng hindi ko na matiis ang kasakiman niya. I ran away because of him. Hanggang ngayon ay takot na takot pa rin ako sa kanya. I remember those days. Tanda ko pa noon kung paano ko siya minahal at kung paano ako unti unting nawawasak ng letseng pagmamahal na iyon. “What?” Mas lalong naging galit na galit ang ekspresiyon niya. “Ang galing galing mong tumakbo dahil alam mong hahabulin rin kita! Is that it, Mhelanie?! Is that it?!” Tumaas ang kamay ko at sinampal ko siya. “How dare you! After you ruined me, you think I did this to get your attention again?!” Tumaas ang sulok ng labi niya. He licked his lips and stared at me again. Tiningnan niya ako ng masama. “I’ve longed to taste those lips again. Kapag hindi ako nakapagtimpi ay baka anakan na nga talaga kita ngayon.” Nag-init ang pisngi ko at akmang sasampalin ko siya ulit ngunit hinuli niya ang kamay ko at ikinulong sa taas ng ulo ko. “You became so feisty and an untamable stubborn woman. Kapag tumira ka na sa bahay ko, tali ang aabutin mo.” He warned me. “Manigas ka! I won’t be your slave again.” May tumakas ulit na luha sa aking mga mata. I saw him stilled. Umawang ang labi niya ng makita ang nasasaktan kong mukha. “You hurted me!” Umiyak ako ng tuluyan. Marahas niya akong pinakawalan. His jaw clenched harder. “You cheated on our relationship first. You kissed another man under my watch and you didn't even denied it!” He shouted at me. Namumula ang mata niya. Umiling ako. Yes, I did that. But I’ll never tell him my reason that I lied! I will never give him that satisfaction. “Gago ka…” Nanginginig kong sambit. Nagbago ang tingin niya sa akin at mas lalong nagdilim ang kanyang itsura. “Tell that to the bastard you’d kissed before. You don’t tell me what I am, Mhelanie! You can't escape now. You disappointed me too much.” Parang nandidiri niyang saad. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Pack your things now. Hihintayin kita sa labas ng limang minuto kung ayaw mong kaladkarin kita palabas dito.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.6K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.6K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.6K
bc

Billionaire's Twins

read
263.7K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
482.0K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook