CHAPTER 14 “Contestant, ready!” Agad nag-alab ang puso ko sa kaba nang isigaw iyon nang pageant coordinator namin. Kung wala akong make up ay baka parang kakulay na nang suka ang mukha ko dahil siguro sa sobrang nerbiyos ko. Tonight is our pageant night. I could still say that I am not yet ready pero mapipigilan ko ba ang pagtakbo nang oras at araw? All I could think about is the stage fright that I might have kung sakaling matapilok ako. I can’t please everyone when I’ll go out there! Papaano na lang kung may mali akong magawa? Ilang beses pa naman akong tinukso ni Forrest nang halos mawalan ako nang balanse sa pagsuot ko ng ultra-high heels kanina. Oh! That would be an embarrassment. I also practiced my pageant smile every day in front of the mirror to see if I’m too stiff or if i

