KABANATA 1 ARAW NG PAG KA-LIGAW
Siyam na taong gulang palamang si Federico nang pumanaw ang kanilang ama dahil sa atake sa puso. Naiwan syang kasama ang inang may sakit at ang nakababatang kapatid nyang may kapansanan sa pag-iisip, si Felomino. Hindi kayang mag trabaho ng kanyang ina dahil sa mahinang pangangatawan, at hindi matanggap ni Federico na magugutom lang sila ngayong wala na ang haligi ng kanilang tahanan.
Kaya, sa murang edad, pinili nyang huminto sa pag-aaral upang mag hanap ng paraan para mabuhay sila. Naisip nyang mag benta ng kahoy ang tanging mapagkakakitaan nya. Sa di-kalayuang gubat, maari siyang manguha ng panggatong na maibebenta sa kanilang baryo. At doon nag simula ang kanyang maagang pakikibaka sa buhay ang pag suong sa mundong masyado pang mabigat para sa kanyang musmos na balikat.
" Federico? Baka naman anak nahihirapan kana, gagawa ng paraan si Nanay. Alam mo naman na hindi mo yan kailangan gawin, pasensya kana kung ganito si Nanay. Tandaan mo obligasyon ko kayo at hindi mo kami obligasyon ng kapatid mo anak." malumanay na sambit ni Nanay nila.
" Nanay, ayos lang po ako. Sobrang magaan naman po ang trabaho di naman ako nahihirapan. Mas mahihirapan po ako kung makikita kong nakukulangan tayo, hindi nyo na po kailangan mag trabaho Nanay, hindi nyo po kaya. Mas malakas po ang pangangatawan ko kaya pabayaan nyo na po ito sakin, alagaan nyo nalang po si Felomino dahil kailangan nya po kayo." wika ni Federico.
" Grabe talaga ang pag papasalamat ko sa panginoon at nag karoon ako ng anak na katulad mo. Halika nga dito pahalik nga si Nanay." masayang wika ng Nanay nila.
Ang gabing yon ay napuno ng kwentuhan, kinukwento kasi ng kanilang ina ang mga naging ala-ala ng kanilang ama noong nabubuhay pa ito. Ngiti man sa mga labi ang pinapakita ng kanilang Nanay sa harapan nila, bakas naman sa mga mata nito ang lungkot at sakit na naiwan na syang mag isa. Sa mga pag kakataon ding yun kita na din sa pangangatawan ng kanilang ina ang pag bagsak nito, bukod kasi sa sakit ay dumagdag din ang madalas na pag iyak ng kanilang ina dahil palagi itong nag luluksa sa kanilang ama na mahal na mahal nito.
Araw araw din naman nag darasal si Federico na sana ay di kagaya ng kanyang ama ay humaba pa ang buhay ng kanilang ina dahil ito na lang ang nag iisang magulang na mayroon sila ng kanyang kapatid. Ngunit hindi talaga minsan aayon satin ang kapalaran, dahil ilang linggo lang ang lumipas bigla na lang hindi gumising sa pag kakahimbing ang kanilang ina, hindi na kinaya ng katawan nito ang sakit nya. Mabuting tao ang kanilang mga magulang kaya madaming kapit-bahay ang muling tumulong sa kanila upang mairaos ang burol at libing ng kanilang ina. Sobrang sakit nun sa mag kapatid dahil mag ka sunod lamang nawala ang kanilang pinakamamahal na Nanay at Tatay.
Mas lalong naging pursigido si Federico, sya na lang at ang kapatid nya ang natitira. Kahit tirik ang araw, pasan pasan nya sa kanyang likuran ang kanyang kapatid habang hila hila naman nya ang mga sako ng kahoy galing gubat, araw araw. Hindi alintana ang hirap at pagod sa kanya dahil hindi nya pwedeng iwan si Felomino dahil baka mapahamak ito at takot na takot na syang mawalan ng mahal sa buhay.
Makalipas ang limang taon, natigil na sya sa pangangahoy sa gubat na iyon dahil pinag bawal na. Wala syang maisip na ibang trabaho bukod dun dahil sa ganun nya lang nabibitbit ang kapatid nya, madami na din syang suki sa baryo na inaasahan sya. Sa pag kakataon na yun, hindi na nya pinapasan ang kanyang kapatid dahil mahilig na ito mag lakad kaya medyo nabawasan din ang bigat sa pag tatrabaho nya. Nag hanap sila kaagad ng panibagong pag kukuhaan ng kahoy dahil hindi sya pwedeng tumunganga at walang mapakain sa kanyang kapatid. Napadpad sya di kalayuan sa kanilang Baryo, oras din ang pagitan ng lakad pero ayos na din. May isang gubat doon na tila hindi pa gaanong napapasok dahil medyo masukal pa, dahilan para sya na mismo ang gumawa ng daanan para makapasok. Sobrang dami nag lalaglagan na sanga doon na talagang ikinatuwa nya, kaya minabuti nyang manguha na kagad.
Hindi nya kabisado ang gubat kaya naging sobrang mapag-matyag sya at sinisuguro na hindi sila makakalayo sa b****a ng gubat dahil ayun lang ang nag iisang daan na alam nya. Unti-unti ay palubog na ang araw kaya binibilisan na nya, tahimik naman noon si Felomino kaya kampante si Federico na hindi ito sinusumpong. Itinatali na sana nya ang sako nya ng bigla itong tumakbo dahil may hinahabol na alitaptap, parang nabuhusan ng malamig na tubig si Federico sa kaba, kaagad nyang sinigawan at hinabol habol ang kapatid nyang noon ay hindi nakikinig sa kanya dahil gustong gusto nitong makuha yung alitaptap, kabadong kabado na sya kasi padilim na at hindi na sya sigurado sa dinadaanan nila at parang naliligaw na sya. Dasal na sya ng dasal sa utak nya noon sa sobrang takot, pa-iyak na nyang tinatawag si Felomino dahil iba ang pakiramdam nya sa gubat na yon at hindi nya alam kung anong meron dun. Kutob nya na mismo ang nagsasabi sa kanya na kelangan nilang umalis doon lalo pa at unti unti nang hindi makita ang paligid.
Hanggang sa..... tumigil na si Felomino. Pero hindi na nila alam kung nasaan silang parte ng gubat. Hindi na nila alam kung saan dadaan, lumiwanag na ang buwan, bilog na bilog. Nag simula na din tumunog ang mga kuliglig at mga palaka, sumisimoy na din ang malamig na hangin na nakaka kilabot kapag dadampi sa balat. Pilit na din sila pinapapak ng mga lamok sa paligid, binitbit na ni Federico ang kapatid nya habang pinapagalitan ito, nanahimik din sya agad dahil alam nyang wala ding magagawa yun. Bilang proteksyon nilabas nalang nya ang gulok na naka siksik sa tagiliran nya habang patuloy nyang kinakapa ang mga nadaanan nila kanina lang at makauwi na.