Episode 1

1734 Words
Episode 1 Blake Dalawang buwan na ang nakalilipas simula noong umuwi ako rito sa pilipinas. Pagkatapos ng kontrata ko sa kompanya sa Singapore ay bumalik agad ako rito sa pilipinas, kung ano’ng dahilan? Dahil umuwi rin ng pilipinas sila Angel. Gusto ko siyang sundan. Ngayong nahanap ko na s’ya ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Gagawin ko ang lahat para maging akin muli siya, pati na ang anak naming dalawa. Angel "We don't need you, Blake." Buo ang desisyon sa boses ko. Hindi namin kailangan si Blake sa buhay namin ni Simoun. Hindi namin s’ya kailangan sa buhay namin ni Simoun. "Makakaalis na ako kung ito lang ang sasabihin mo," handa na akong umalis pero pinigilan niya ako. "Simoun needs me. You also need me, Angel." Napakinggan ko ang kasiguraduhan sa tinig ng kaniyang boses. Paano siya nakakasigurado na kailangan namin siya ni Simoun gayong ilang taon na ang lumipas mula noong iniwan niya kami? Buntis pa ako noon nung iniwan niya ako, kami ng anak ko. “Huwag mo ‘kong talikuran, Angel, please, hayaan mo akong makabawi sa inyo. Alam kong kailangan niyo ako, lalo na ni Simoun.” Pagak akong napatawa dahil sa kan’yang winika. “Kailangan? No. Of course, not, Blake. He doesn't need you. Hindi niya kailangan ng isang amang tinalikuran lang siya noon. At lalong hindi ko kailangan ng isang lalaking duwag sa responsibilidad." Binawi ko ang kamay kong hinawakan niya. Muli ay tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. I can see the sadness and I know na nasaktan ko siya sa mga salitang binitiwan ko pero nagsabi lang naman ako ng totoo. Na hindi namin siya kailangan ni Simoun. Hindi siya nakapagsalita sa pahayag ko. Ni isang salita ay walang lumabas sa kaniyang bibig. Bakit? Dahil tama ako. Tinalikuran niya ang responsibilidad niya sa 'kin. Pinaako niya sa kuya niya. Kay Xander. "Angel, bata pa ko noon! Duwag ako sa responsibilidad. Kaligayahan ko lang noon ang inisip ko. Ni hindi ko alam na mali ang desisyon ko noon dahil bata pa ako! Natatakot pa kasi ako," "Blake, wala sa edad ‘yan. Bata ka man o matanda, kung pananagutan mo ako pananagutan mo! Hindi kailangan ng edad. Nakakagawa ka na nga ng anak noon e’’di ba?" "Kaya nga naandito ako ngayon sa harap mo humihingi ng tawad sa 'yo. Pupunan ko ang pagkukulang ko. Babawi ako sa inyo. Gusto kong bumawi, Angel," "Hindi mo kailangang bumawi," "Please give me a chance,” "Hindi ka pa rin nagbabago. Ang tigas pa rin ng ulo mo." "Angel, hindi porket ikaw ang matanda sa 'ting dalawa dapat ikaw na ang laging masusunod. Ako ang lalaki. Ako ang ama ni Simoun." "Baka nakakalimutan mo, galit pa rin ako sa 'yo," ba't gan’yan siya umasta? Bakit parang napakadali lang para sa kaniya ang lahat? Hirap na hirap ako. Hirap akong harapin siya dahil naaalala ko ang nakaraan. Kung paano niya ako tinalikuran. Kung paano niya tinalikuran ang anak namin noon. Kung gaano niya ako sinaktan noon. Ang hirap kalimutan ng lahat... Sobrang hirap. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Paano ko ba maaalis ang galit mo? Sabihin mo lang, please, gagawin ko." "Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung bakit kinakausap pa kita ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na makipagkita sa ‘yo. Hindi ko alam kung bakit kita hinayaang makalapit sa akin na sa una pa lang e sinabi ko na noon sa aking sarili na dapat, dapat hindi ka na makalapit pa sa amin dahil galit na galit ako sa ‘yo.” “Kaya nga gusto kong itama ngayon, Angel, isang pagkakataon lang para masubukan kong alisin ang galit na namumuo d’yan sa puso mo,” Umiling ako at binawi ang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak n’ya. “Ang hirap lang kasi, Blake. Akala ko noon okay lang sa ‘yo. Pero hindi, kuya mo ‘yung pinaako mo sa responsibilidad mo. Kuya mo ‘yung tumugon sa pagkukulang mo. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag sumugal na naman ako maulit muli ang nangyari noon. Ayoko na. Ayoko nang maulit pa ang nangyari na noon." This time, s’ya naman ang umiling at buo ang pagsusumamo ang ginawa n’ya sa ‘kin. "Huwag kang matakot, Angel. H’wag kang matakot kung ‘yon ang iniisip mo dahil hindi na mangyayari pa ang nangyari noon. Please sumugal ka kahit ngayon lang ulit. Hindi ka mabibigo. Pinapangako ko, hindi ko na uulitin. Para sa ‘yo at para sa anak natin. Sabik na sabik na ako sa ‘yo. Sabik na ako kay Simoun. Pagbigyan mo ako na makasama ka at ang ating anak, Angel, please," "I'm sorry," "Wala na ba talagang pag-asa?" "I'm sorry, Blake," "Angel, please,” "Hindi na kita mahal," Hindi ko alam kung anong ekspresyon mayroon siya. Basta ang alam ko lang ay natigilan siya sa sinabi ko at nakita ko sa kan’yang mga mata kung gaano siya nasaktan sa apat na salitang binigkas ko sa kan’ya. “No. That’s not true, right?” "Totoo ang sinasabi ko, Blake, hindi na kita mahal. Mahal ko si Xander. Mahal ko ang kuya mo. Hindi ko alam kung bakit. Ewan ko.. Dahil siguro lagi siyang nandiyan tuwing kailangan ko siya. Dahil siya ang tumayong ama ng anak natin at tumayong asawa ko. Dahil siguro sa siya ang lagi kong nakakasama. Naging mabuti siyang ama at asawa sa akin, Blake kaya hindi ko masisisi si Xander kung bakit tumibok ang puso ko sa kaniya dahil ginawa lamang niya ang kung anong dapat n’yang gawin.. I'm sorry, Blake." Hindi siya nakapagsalita. Natulala siya sa lahat ng sinabi ko. Bahagya siyang lumayo sa 'kin at minasahe ang kan’yang sentido. “No, that’s impossible. That’s not true. Sinasabi mo lang ‘yan kasi you are looking for a reason para hindi ako bigyan ng pagkakataong makita ang anak natin, para hindi ko maayos ang relasyon nating dalawa., right?” “Blake, I’m so sorry,” I can’t say anything to him but sorry. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito, dahil ba nakikita ko kung gaano siya nasasaktan ngayon? Dahil ba sa nakikita ko kung paano lumuha ang lalaking pinangarap ko noon at tatay ng anak ko? But why am I hurting right now? Why am I feeling this way? Bakit hanggang ngayon ay may pakialam pa rin ako sa kaniya sa kabila ng lahat ng masasakit na ginawa niya sa akin? Why? “I’m really sorry, Blake, kalimutan mo na lang kami. Kalimutan mo na lang kami gaya ng ginawa mo dati.---“ “Napakadaling sabihin para sa ‘yo pero mahirap gawin e, because I tried. I tried so many times pero hindi ko magawa kaya I’m sorry if I am chasing you right now. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka at ang anak natin, gusto ko lang naman ay maayos ang relasyon natin na sinira ko noon.” “Pero iba na ang mahal ko. Mahal ko ang kuya mo, Blake. Mahal ko si Xander!” "Bakit?" mahina ang boses niya. "Hindi ko napigilan ang damdamin ko. Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko kay Xander pero hindi ko nakayanan. Minahal ko si Xander. At masaya ako na siya ang pumalit sa pwesto mo." "Bakit?" hindi ko namalayang umiiyak na siya. "Blake," "Bakit si kuya pa? Bakit siya pa?" "Hindi ko alam. Siya ang lagi kong nakakasama mula pa noong iniwan mo ko. Siya ang umalalay sa akin. Siya ang nag alaga at siya ang palaging nagpapagaan ng loob ko noong isinilang ko si Simoun,” "Pero kinasal na siya kay Stella." "Kaya nasasaktan ako ng sobra. Di ba minahal mo rin naman si Stella?" Pagdidiin ko sa kaniya. Alam kong napakaliit ng dahilan ko. Walang kwentang rason ang minahal niya rin si Stella pero wala na akong choice kun’di ang ilaban iyon sa kan’ya. "But I am choosing you over her. Because i realized na ikaw pa rin pala ang gusto kong makasama. Kayo ni Simoun." "I'm really sorry, Blake." Tumayo siya ng tuwid at humugot ng malalim na hiniga. Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi at naglabas ng hangin mula sa kaniyang bibig bago nagsalita. "Palagi na lang ako natatalo ni kuya. Palagi na lang si kuya. Kailan ba magiging ako? Yung ako naman walang siya." ramdam ko ang lungkot sa boses ni Blake. “Salamat dahil pinaunlakan mo ang alok ko na makasama at makausap ka. Naging masaya ako sa pag-uusap natin. At last nalinawan ako.” Hindi ako nagsalita. I remained silent and looked at him for a second. Alam kong kahit ngmuti siya ay nasasaktan pa rin siya. Bakas sa kan’yang mga mata ang lungkot kahit hindi niya sabihin. “Ihatid na kita,” he offered. “Hindi na,” mabilis kong tugon. “Lalakarin ko na lang pauwi tutal ay malapit din naman dito ang tinutuluyan ko. Salamat na lang,” “Sure?” “Yes,” nauutal kong sagot. I really feel sorry for him. I hope na maging maayos na siya at tuluyan na lamang kaming kalimutan. I know na hindi magiging madali para sa kaniya but I know din na makakaya niya at makakahanap pa siya ng ibang babaeng alam ko na matatanggap ang buong siya. “Bye,” huling salitang narinig ko kay Blake. Isang salita pero ang lakas ng epekto sa akin. Isang salita pero ibang sakit ang dinulot sa akin. Tumalikod na siya sa akin at nagsimulang maglakad palayo. Hindi na niya hinintay pa ang paalam ko sa kan’ya. I'm sorry, Blake, ito lang ang naisip kong dahilan para layuan mo na ako. Natatakot kasi ako. Natatakot akong maulit ang nakaraan. Gusto ko lang protektahan ang sarili ko. At ang anak ko. Ayaw ko nang masaktan pa nang dahil ulit sa kaniya. Dahil alam ko, ang pagmamahal ko sa kan'ya ang papatay sa natitirang damdamin ko. Ayokong mangyari pa ‘yun. Tama na ‘yung pinatay na niya ang kalahating ako. Wag naman sanang lahat. Ayoko nang masira pa ang sarili ko. Tapos na ako sa kan'ya. Huwag na sanang dugtungan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD