Episode 2

1186 Words
Episode 2 Angel "Where is Simoun?" si Blake ang bumungad sa 'kin nung buksan ko ang pintuan ng apartment. Mas pinili kong mabuhay ng simple lang. Kaya umupa ako sa maliit na bahay kasama ang anak ko. Mabuti naman dahil pinayagan ako ni Mama at Papa. Pero tuwing weekend dapat dadalaw kami sa kanila. "Blake please, pinakiusapan na kita tungkol dito 'di ba? Hayaan mo na kami ni Simoun. Hindi ka namin ginulo noon kaya sana huwag mo rin kaming guluhin pa." Isasarado ko ‘yung pinto pero hinarang niya ang kamay niya kaya hindi ko tuluyang naisarado. "Gusto kong makita ang anak ko." matigas niyang sabi. "I don't care kung bibigyan mo pa ako ng chance, kung bibigyan mo pa ng chance ang pamilya natin pero gusto kong makasama ang anak ko." I don't know what to say. Desidido siyang makasama ang anak namin. Ano naman ang idadahilan ko? Ayaw kong ipagdamot si Simoun sa kaniya dahil siya ang ama ng anak namin. Pero hindi ko maiwasan ang matakot. Matakot na mas gustuhin ni Simoun siya kaysa sa ‘kin. Natatakot akong mangyari ‘yun. Alam ko na dapat hindi ako matakot pero hindi ko maiwasan. Paano kung masanay si Simoun sa kan'ya? Paano kung hanap-hanapin ni Simoun si Blake? Paano ‘pag nangyari ang mga bagay na ‘yun? Hindi ko kayang pati ang anak ko ay masasaktan lalo na’t darating ang araw na magkakaroon din ng sariling pamilya si Blake at sigurado akong maiiwan lamang ang anak kong luhaan kaya ngayon pa lang ay gusto ko na s’yang ilayo sa anak ko. "Angel," "Blake, hindi kita ginulo noon nung nabuntis mo ako. Hinayaan kita na hindi ako panagutan. Sana ngayon huwag mo rin kaming guluhin ni Simoun." "Lumalaki na si Simoun. Sinong ama ang ipapakilala mong ama sa anak natin?" Hindi ako nakapagsalita sa tinanong niya. Dahil sino nga ba ang ipapakilala kong ama sa anak namin? "Sana pagbigyan mo ako na makasama si Simoun. Anak ko rin siya." "Anak mo siyang iniwan mo." "Kaunting oras lang ang hinihingi ko. Hindi ko siya kukunin sa 'yo, Angel." Saglit akong nag-isip. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay gugustuhin ko rin na makasama ang anak ko. Pero gusto kong pagbayaran niya ang kasalanan niya noon. Hindi niya dapat makasama ang anak namin dahil sa pag-iwan niya sa 'kin noon. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Sige. Pagbibigyan kita sa anak natin." Nakita ko ang ngiti sa labi ni Blake. "Thank you," "But," "What's your condition, Angel? Tell me, gagawin ko. Hindi ako susuway, pangako." "Huwag na huwag mong dadalhin ang anak ko sa mga babae mo." "Yun lang ba? Wag kang mag-alala, dahil wala akong ibang babae, Angel. Ikaw lang." Ako lang, ngayon. Paano sa susunod na mga araw? Ilan na kaming babae niya? "Hindi mo siya pababayaan. Hindi mo siya paiiyakin. Hindi mo siya iiwan. Hindi mo siya sasaktan. Hindi mo siya babalewalain. In short, huwag mong gawin sa anak natin ‘yung ginawa mo sa 'kin noon." Malungkot siyang ngumiti. "Easy, yun lang ba?" he said, I can hear the pain in his voice. "Yun lang muna sa ngayon." I replied. He nodded. "So, pwede ko na ba makita ang anak ko?" Dahan dahan akong tumango. "Yes. Hintayin mo na lang kami rito." Maliit ang gumuhit na ngiti sa labi ko. "That’s good to hear," bumuga siya ng hangin tila nilalabas ang kaba sa loob at inayos ang sarili. He even stretch his neck and shoulders. Bakas sa mukha niya ang kaba at pagiging galak dahil makikita niya ang anak ko, ang anak namin. “Thank you,” Alam kong sincere siya sa sinabi niya. Sinuklian ko na lamang ng maliit na ngiti ang pasasalamat n’ya. Mayroong parte sa 'kin na masaya. Dahil kahit papaano ay alam kong medyo nagbago na siya. Hindi na siya yung dating Blake na nakilala ko na gusto lang may babaeng maisama sa kwarto. Yung lalaking walang ibang alam kun’di magpaligaya ng babae. Pero alam ko na siya pa rin ang minahal kong lalaki. Yung ugali niya na minahal ko bukod sa gwapo niyang hitsura ay nandoon pa rin. Dala dala niya pa rin. "Simoun baby," lumapit ako sa naglalarong bata. Nakaupo ito sa lapag habang may sinusulat sa notebook niya na nakapatong sa maliit na mesa. "Mom, look!" pinakita niya sa 'kin ‘yung notebook niya na may drawing. "What's that?" tanong ko. Tinuro niya ang bata sa drawing, "This is me," tinuro niya ang ni-drawing niya na mahaba ang buhok, "this is you mom," tapos ngumiti siya sa 'kin ng malungkot. "Hindi ko na sinama si papa Xander, bad kasi siya, iniwan na niya tayo," Mapait akong ngumiti. "Baby, hindi po tayo iniwan ni Papa Xander. Mayroon na kasi siyang sariling pamilya niya kaya kailangan na n’ya tayong iwan,." "Pero pamilya niya po tayo 'di ba?" "Yes. Pamilya rin tayo ni Papa Xander mo, pero hindi tayo ‘yung tunay niyang pamilya." "How?" "Kasi hindi si Papa Xander ‘yung real papa mo." Finally, nasabi ko na rin sa anak ko ang totoo. I know na malalaman n’ya rin ang tungkol dito kaya mas maganda kung maaga pa lang ay malaman na n’ya. "What do you mean, Mom?" Ito na siguro ang tamang panahon. Alam kong bata pa ang anak namin ni Blake. Pero may karapatan siya na malaman kung sino ang totoo niyang ama. Alam kong hindi niya pa maiintindihan ang nangyayari sa ngayon pero pag laki niya, alam kong mauunawaan niya ako. "Papa Xander is not your real papa." Humalukipkip s’ya at tinago ang papel kung saan ay nag-drawing s’ya. “You are lying, mom. Papa Xander is my reall papa. Sinasabi mo lang ‘yan para ipagtanggol si Papa.” “No, baby. Mom’s not lying. I am telling you the truth.” “Then who is my real papa kung hindi si Papa Xander ang real papa ko.” “Baby,” “Kung hindi si Papa Xander ang real papa ko pwede ko pa rin ba s’yang tawaging papa, mom?” "Of course, baby, naging papa mo pa rin naman siya 'di ba?" "Yes, mom, and he's still the best papa!" Tumawa ako sa sinabi niya. Yes. Xander will be the best father if ever na magkaanak sila ni Stella. Napakasuwerte ni Stella kay Xander. Na kay Xander na ang lahat nang hihilingin mo sa isang lalaki. Responsible. Maalaga. Maalalahanin, lahat na ay nasa kan’ya. Alam ko rin naman na suwerte si Xander kay Stella. "Gusto mo bang makilala ang real papa mo?" Tumayo ito at lumapit sa 'kin. "Yes, mom! Yes! Where is my real papa?! I want to meet my real papa, mom!” Natuwa ako dahil sa reaksyon niya. Hindi ko akalain na magiging masaya siya na may real papa siya bukod kay Xander. Pero nalungkot din ako dahil sa huli n’yang binigkas. “Ibig sabihin ba nun mom mabubuo na ulit ang family natin? Yehey!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD