Episode 3
Angel
Binalikan ko si Blake sa harap ng pintuan ng apartment. Nakita ko siyang matiyagang naghihintay habang nakasandal at mukhang may malalim na iniisip. Seryoso ang kan’yang mukha.
"Blake," tawag ko sa kan’ya.
Mabilis s’yang lumingon sa 'kin n’ong marinig niya ang boses ko. Ngumiti siya katulad ng ngiti niya kanina.
"Halika, pasok ka,"
"Thank you,"
I smiled.
Hinubad niya ‘yung sapatos niya bago pumasok sa loob. Sumunod s’ya sa akin.
“S’ya na ba si Simoun?” tanong n’ya.
“Yes, Blake, siya na nga si Simoun. Ang bilis ng araw, parang kalian lang binubuhat pa naming s’ya ni Xander.”
“Pwede ko ba s’yang mahagkan?” tanong n’ya. Kahit sandali lang,” Halata ang pagkasabik sa kan’yang boses. Sa tono palang niyon ay mahahalata mo na agad.
Nakita na niya si Simoun. Tuwa ang nararamdaman ko at the same time ay takot. Tumingin siya sa 'kin tila humihingi ng abiso para sa kaniyang anak.
Lumapit ako sa anak namin. "Simoun," tawag ko sa anak namin. Tumingin ito sa 'min ni Blake. “Mom!”
Lumapit kami ni Blake kay Simoun.. Yumakap sa binti ko si Simoun. "Simoun baby, this is your papa Blake," nakangiti kong wika.
"Hey little boy, I’m your father." cool lang na sabi ni Blake.
Tinaas niya ang balikat niya. "Tama ba sinabi ko?" tanong nito.
Natawa ako. “Wala namang mali sa pagpapakilala sa anak.”
"Seriously, I really don't know what to do or say. I just, don't know."
Bakas sa kaniya ang kaba. At halatang hindi alam kung ano ang gagawin. Pinalapit ko siya sa 'min ni Simoun. “Halika,”
"Papa!"
Mabilis na niyakap ni Simoun si Blake na kinagulat niya. Sinuklian niya ng yakap ang anak namin at ngumiti siya. Masaya akong makita silang dalawa na magkayakap. Sobrang saya ko.
"Bakit gusto mo akong makausap tungkol sa bata?" tanong ko kay Blake. Nandito kami ngayon sa kwarto ng apartment. Gusto n’ya raw ako makausap ng masinsinan about kay Simoun.
"Sigurado ka bang ako ang ama ng bata?" diretsong tanong niya.
"What?" hindi ako makapaniwala sa tinanong niya. Ang lakas ng loob niyang itanong sa 'kin 'yan. Si Xander hindi niya ikinaila na si Blake ang ama. Tinanggap niya lang ang responsibilidad ng buong buo. Pero siya?
"Hindi ko kasi maramdaman yung sinasabi nilang--"
"Yung alin? Yung lukso ng dugo?" tanong ko.
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Inunahan ko na siya.
"Hindi ko naman pinipilit sa 'yo na kunin mo ang responsibilidad ng anak natin. Ngayon, kung ayaw mo dahil hindi mo maramdaman ‘yang lukso ng dugo mo, maluwag ang pinto, malaya kang makakalabas at nakikiusap ako, huwag ka nang magpakita sa 'min ni Simoun."
Lalabas na ako ng kwarto pero pinigilan niya ako.
"Bakit ka ba laging nagwa-walk out?" tanong niya.
"Because you are wasting my time, Mr. Blake Ashton."
Natawa siya ng mahina. "Okay, I'm sorry. Mali ako. Dapat hindi kita pinaghinalaan."
"P’wede mong talikuran ang responsibilidad mo tulad ng ginawa mo sa akin dati. Katulad ng sabi ko, we don't need you, Blake."
"Sorry na nga, I'll stay. Babawi ako sa inyo ng anak natin."
"Pwede na ba tayong lumabas? Tapos na ba ang pag-uusap natin?"
"Kung gusto mo," lumapit sa 'kin si Blake at binulungan ako. "Huwag na muna tayong lumabas. Great idea, right? Gumawa ulit tayo ng bagong Baby Simoun dito."
Mabilis ko siyang tinulak sa dibdib niya palayo sa 'kin. "Puwede ba, Blake? Tigilan mo ‘ko."
"What?" natatawa niyang tanong. Nakita niya ang seryoso kong mukha kaya humingi siya agad ng tawad. "I’m sorry. Hindi ko lang mapigilan, sexy mo kasi e," kinindatan niya pa 'ko.
Sira talaga 'to. “Baka nakakalimutan mong galit pa rin ako. Ipapaalala ko lang ha, galit pa rin ako sa ‘yo, Blake.”
"Sinubukan ko lang naman kung madadala kita sa akit ko," tumawa siya sa sariling sinabi. “Alam ko naman kasing ‘di ka marunong nun e, kasi alam mo na, medyo may edad ka na,” tumawa siya na lalong nagpairita sa akin. “Bakit kaya ako nagkagusto sa ‘yo noon hanggang ngayon? Inakit mo ba ‘ko?”
"Hoy, Blake. Ikaw ang nang-akit sa 'kin."
"Malamang, hindi ka naman kasi marunong mang-akit. Saka baka ‘pag ikaw ang nang-akit e hindi rin ako tablan kaya ako na lang ang nang-akit sa ‘yo.”
"Excuse me?" namumuro na 'to ah! Hindi ba kakasabi niya lang na sexy ako? Tapos sasabihin n‘ya ‘di s’ya naaakit sa ‘kin? Sino’ng niloko n’ya?
"Biro lang," niyakap niya ako. “Nalaki naman agad ‘yang butas ng ilong mo.”
“Galit ako ha, galit.”
“Galit pa. Wala na rin ‘yan sa susunod na mga araw.”
“Ang tigas talaga ng mukha mo ‘no?”
“Kasing tigas at tibay ng pagmamahal ko sa ‘yo.”
"Bitiw na. Nananantsing ka na e!" wika ko sa kan'ya.
Mabilis naman niyang inalis ang yakap sa 'kin.
"Sorry, sumobra ata tsansing ko."
"Ewan ko sa 'yo, tara na sa labas baka kung ano na ang ginagawa ni Simoun doon. Hep!."
“What?”
“Ako muna lalabas, mayamaya ka na sumunod, do you understand?” Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko para tumawa s’ya ng gan’yan.
“I understand, no worries,”
Inirapan ko na lang s’ya at dumiretso na palabas. Bakit parang normal lang sa kan’ya ang lahat? Tila walang nakaraan na nangyari. Bakit ganoon siya? Bakit?