Episode 4
Angel
Simula noong martes halos araw-araw nang pumupunta si Blake sa apartment namin para laruin si Simoun. Hindi ko maitatanggi na masaya ako kasi kahit papaano binibigyan na niya kami ng anak niya ng oras, I mean, binibigyan na niya ng oras ang anak n'ya.
"Blake,"
"Saan kayo pupunta?" tanong niya sa 'kin matapos niya akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Simpleng dress lang ang suot ko at simpleng damit at short lang si Simoun.
"Pupunta kami ng bahay. Kila mama at papa,"
"Ganoon ba? Hatid ko na kayo," alok niya.
"Naku 'wag na. Kaya naman namin mag-commute. Sanay na kami ni Simoun."
"No. Ihahatid ko na kayo." binuhat ni Blake si Simoun. "Ihahatid na kayo ni Papa ah?" tanong niya sa bata.
Tuwang tuwa naman ang bata kaya wala na akong nagawa kun’di ang sumunod sa mag-ama.
"Thank you sa paghatid,"
"No problem. Kung gusto niyo, susunduin ko na rin kayo mamaya. Ano'ng oras ba kayo uuwi?" tanong ni Blake.
"Siguro mga bago magdilim?" hindi ako sure. Minsan kasi, dito na kami pinapatulog ni Mama.
"Sige, gan'to na lang. Tawagan mo na lang ako kapag uuwi na kayo. Susunduin ko kayo rito." ngumiti siya.
Huwag ka naman ganyan Blake. Baka kung ano na naman ang mangyari sa iniingatingatan kong damdamin.
"Sure," sabi ko na lang. "Mag iingat ka. Bye,"
"Angel, sweetie!" narinig ko ang boses ni Mama.
Hindi pa nakakaalis si Blake rito. Nanatiling nakatayo si Blake sa harap.
"Umalis ka na Blake. Alis na." sabi ko sa kaniya pero hindi niya pa rin ako pinapansin.
Hindi naman galit sa kaniya ang magulang ko pero kahit na. Hindi ba siya nahihiya sa parents ko? Tinakbuhan niya ang responsibilidad sa 'kin noon tapos ngayon magpapakita siya sa parents ko na hinanap pa siya noon?
Lumapit sa 'kin si Mama at niyakap ako. "Na miss kita anak," tapos pati si Simoun ay hinalikan sa pisngi. "Pati ang aking apo, kumusta kayo?"
"Ma,"
Dahan dahan siyang napatingin sa puwesto ni Blake.
Tinaas ni Blake ang isang kamay nito. "Hello po," isang nag aalinlangang ngiti ang lumabas sa labi n'ya.
"Iho, kumusta ka? Ba't ka narito?"
"Hinatid ko lang po si Simoun at Angel."
Tumingin sa 'kin si Mama na tila may ibang pahiwatig. Nagkibit balikat lang ako. Si Mama talaga,
Sinabihan ko na si Blake na makakaalis na siya at nagpasalamat sa paghatid sa 'min ni Simoun. "Sige na, Blake, mauna ka na, goodbye, mag iingat ka."
"Bakit ba pinapaalis mo agad si Blake anak?" tanong ni Mama. Lumapit si Mama kay Blake. "Dito ka na mag lunch sa bahay, iho,"
Hindi man lang tumanggi si Blake nung niyaya siya ni Mama. Ano ba talagang pumapasok sa kokote nang lalaki na ‘yun?
"Salamat po sa masarap na pagkain," pasasalamat ni Blake matapos naming kumain.
"Naku thank you dahil nagustuhan mo ang luto ko," humagikgik pa si mama. "Next time, dito ka ulit mag lunch ha?"
"Opo, tita." ani Blake.
"Mama na lang, kayo na ba ulit ng anak ko?" tanong ni Mama.
Sasagot pa ako pero naunahan na ako ni Blake. "Yes, Ma."
Talagang ni-career niya ang pagsabi ng Ma e 'no? Masama ko siyang tinignan. Ngumiti lamang siya sa 'kin.
"Kailan mo ba balak pakasalan ang anak namin?" tanong ni Papa.
Mabilis na sumagot si Blake tila hindi na pinagisipan ang sasabihin. "Kahit kailan niya po gusto."
"Ay ‘yun naman pala anak e," pumapalakpak na sabi ni Mama.
"Bakit hindi na lang next week?" tanong ni Papa.
"Ayokong madaliin ang kasal papa," sabi ko na lang.
Kapag kasi sinabi kong hindi pa talaga kami ayos ni Blake, baka mapahiya 'tong batang 'to. Kung ano-ano kasi ang sinasabi sa magulang ko.
"May anak na kayo. Ba't ‘di kayo pwedeng ikasal agad?"
"I'm still looking for a perfect time, sir," wika ni Blake.
"At saka, kakaayos lang po namin ni Blake. Ayaw po naming madaliin ang lahat. Makakapaghintay naman po ang kasal."
Tumango tango si papa. "O sige, pero siguraduhin mo lang iho na hindi mo na sasaktan ang anak namin at papakasalan mo siya."
"Yes, sir,"
"Good."
Isang suntok sa braso ang iginawad ko kay Blake paglabas namin sa bahay.
"Aww. Bakit ka nanununtok?" tanong niya.
"Bakit? Tinatanong mo talaga kung bakit?" inis kong wika sa kan'ya. "Kung ano-ano ang sinabi mo sa parents ko. At paniwalang paniwala sila alam mo ba 'yon?"
Inosente siyang tumango. "Ayaw mo nun? Pamilya na tayong pupunta every weekend dito. At saka, Angel, wag ka namang gan’yan. Nakikita ka ng anak natin o,"
Tumingin ako sa baba kung saan nakatingin sa 'min ang anak namin.
"Mama, papa, nag aaway po kayo?" tanong sa ‘min ni Simoun.
"Naku hindi nag aaway si mama at papa anak," mabilis kong saad kay Simoun.
Nakumbinsi ko naman agad siya. Nakita ko pang ngumisi si Blake.
"Let's go na," aniya bago sumakay sa kotse niya. 'tong lalaki talagang 'to!
Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kotse niya? Ako na lang ang nagbukas at pinasok si Simoun sa Back seat.
"Dito ka sa tabi ko. Ayaw kong magmukhang driver." Pabiro niyang wika.
"Okay fine," naglakad na ako papunta doon sa front seat.
Binuksan niya ‘yun sa loob at ngumiti siya sa 'kin.
"Thank you," pasasalamat ko sa kan'ya at sumakay na.
Pinaandar niya rin agad yung sasakyan.
Nilingon ko si Simoun sa back seat para tignan kung okay lang ang anak ko. Mukhang okay naman.. Aba ang ganda ng higa habang naglalaro sa PSP na binigay ni Blake sa kan'ya. Nakangiting umiling ako habang umayos ng upo.
"Natatandaan mo pa ba noon yung pangarap natin? Yung magkaroon ng kotse. " tanong ni Blake. "Simple lang. Actually, pangarap ko lang ata yun. Pero dahil supportive girlfriend ka ginawa mo na ring pangarap. Haha." Natawa pa siya sa sinabi niya. "Masaya akong natupad na yung isa sa pangarap natin. Yung magkaroon ng kotse. Yung tipong ihahatid kita sa lugar na gusto mo. Yung tipong magpapark tayo sa isang madilim na lugar at alam mo na," natawa siya sa huling dinagdag niya.
"Mahal kasi kita noon, kaya kung anong pangarap mo pangarap ko rin. Kung anong gusto mo gusto ko rin. Lahat ng gagawin mo nandon lang ako para suportahan ka kasi mahal na mahal kita noon."
"Mahal din naman kita, noon."
Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kan'ya lalo na't sumeryoso ‘yung hitsura niya.
"Hindi ko lang talaga kaya ‘yung malaking responsibilidad. Patawarin mo ako kung naduwag ako. Patawarin mo ‘ko kung tinakbuhan kita. Patawarin mo 'ko."
Nakatitig lang ako sa kan'ya. Unti-unting may lumabas na luha sa kaniyang mata.
Talagang pinagsisihan niya ang nangyari noon? Talaga bang mahal na niya ako ngayon? Talaga bang tutuparin na niya ang pangako niya?
"Kung mapatawad mo 'ko, Angel, pangakong hindi mo pagsisisihan.Wala akong sasayangin oras para ipakita ko sa inyo ni Simoun kung gaano ko kayo kamahal." Gamit ang isang kamay niya ay hinawakan niya ng mahigpit ang isa kong kamay. "Just give me another chance and let me prove myself to you, baby ko." Tinawag niya ako sa dating tawag niya sa 'kin. "Pangakong hindi mo pagsisisihan ang chance na ibibigay mo sa akin ngayon, baby ko, susulitin ko pa.”
"Paano mo masisiguradong matutupad mo ang pangako mo? Sabi nga nila, promises are meant to be broken."
"I am not the coward you met seven years ago. I grow up now. I can take responsibilities. I can even protect you now. I can keep my promises." diretso ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho. Nakaw na tingin lamang ang naibibigay niya sa 'kin. Pasulyap sulyap lamang siya.
"But you don't love me, Blake. Gusto mo lang akong balikan dahil may anak ka sa 'kin--" pinutol niya yung sasabihin ko.
"And when I said I love you, believe me because I'm serious. I truly love you, baby ko, I don't have any reasons for letting you go but I have my reasons to keep you. And that is because I want you to be my wife and the mother of my children." gusto niyang tumingin sa 'kin ng matagal pero hindi niya magawa dahil nagmamaneho siya.
"Stop playing with my feelings! Kung sasaktan mo lang uli ako tama na kasi sawa na akong masaktan. Sawang sawa na akong masaktan, Blake."
"And I want you to stay by my side, forever." tinuloy niya pa rin ang sinasabi niya. "Wala akong sinabing sasaktan kita. At wala akong balak,"
Hininto niya yung pagmamaneho niya at nilapit sa 'kin ang mukha niya. Ang bilis ng pangyayari. Nagulat na lang ako nang lumapat ang mapula at malambot niyang labi sa labi ko.
He kissed me!
“Bastos!” Narinig naming bigkas ng bata sa back seat. Dumapo ang kamay ni Simoun sa ulo ni Blake.
“Aww!” angil ni Blake.
“Ako lang dapat ikikiss ni Mom, Papa. Bad ka.” Oo nga pala kasama namin si Simoun!
“Sorry, nandyan ka pala anak.” Natawa kaming dalawa ni Blake lalo na sa reaksyon ni Simoun.