"Hoy tara sa labas tayo ng bahay, hapon naman na, para ma hanginan naman si buntis kahit papaano," sambit ni Cherrie. Nag tanguan naman silang lahat dahil simula nang lumaki ang tiyan ni Sadie ay hindi na nila pina labas ng bahay ang dalaga lalo na kung hindi naman importante ang pupuntahan niya sa labas, pina tigil an rin nla ang dalaga sa pag ta trabaho. "Tara palagi nalang naka kulong si buntis," naka ngising sambit ni Kara. Bahagya namang na tawa si Sadie at umiling iling, nagpa gawa ang tatlo ng mapag papahingahan nila sa may labas kaya kapag gusto nilang tumambay sa labas ay maga gawa nila. "Tara," sambit ni Sadie at tumayo na dahil gusto niya ring tumambay sa labas dahil gusto niyang ma kita ang mga batang duma daan daan sa labas, hindi niya alam kung bakit ganoon ang gusto niya

