Five years later.... Lumabas ng bahay si Sadie para hanapin ang anak niya na kasalukuyang nag lalaro sa labas ng bahay nila dahil kakain na sila nang tanghalian. "Shia si mama mo," sambit ng batang ka laro ni Shia kaya napa tingin agad ang bata sa ina nito. Agad namang ngumiti si Shia at agad na tumakbo pa lapit kay Sadie. "Mommy!" naka ngiting sambit ng bata at niyakap niya ang binti ni Sadie. Agad namang napa ngiti si Sadie at niyakap pa balik ang anak niya. "Uwi na, kakain na tayo," naka ngiting sambit ni Sadie. Napa ngiti naman si Shia at tumango, sabay na nag lakad pa uwi ang mag ina at agad din silang pumunta ng kusina , agad na binuksan ni Sadie ang electric fan at agad na tinapat ang electric fan kay Shia para hindi ma initan ang bata. "Mommy you have work later?" tanong

