Luther's POV
"Anak, magbihis ka ng maayos na damit. May pupuntahan tayo," sabi ni mama.
Ok, saan naman kaya kami pupunta? Nag-absent pa talaga ako sa trabaho para lang dito. It looks like it is an important matter.
Nagsuot na lang ako ng maroon na long sleeves. Ayan, ang gwapo ko talaga hahahahah. This color is a perfect match to my skin.
I want to look formal because I am a doctor. Hindi na rin ako nagtanong kila mama kung saan kami pupunta.
"Are you ready?" My dad asked.
"I was born ready hahahahah."
Nagtawanan na lang kaming tatlo. Sana naman, walang stress sa pupuntahan namin. I really want to unwind.
'Yung huling beses kasi na nag-unwind ako sa bar, may nangyari sa amin ni Yani. Wala na talaga akong tiwala sa kanya pagdating sa mga ganyang bagay.
I can feel that Blake is also doing something for me. Nakakahiya, imbis na ako ang nanliligaw, ako pa ngayon ang pinag-aagawan.
Sabagay, ang gwapo ko kasi hahahah. Honestly, I never wish for this. Tama nga ang sinabi ni Peter noon. Darating ang araw na ako naman ang pag-aagawan. Nakaka-pressure pala 'to.
Alam 'kong masaya naman ngayon si Peter kung nasaan siya. Pero sana 'di ako matulad sa kanya hahahah. Peter nakow, help me na lang.
Sumakay na lang kami nila mama sa kotse. They are really quiet. Bakit? Kilala ko si mama, putak ng putak 'yan palagi.
"What's the matter? You are so quiet today, mama."
She sigh...
"Anak, mahal na mahal ka namin ng mama mo," seryosong sabi ni papa habang nagmamaneho.
Kumunot na lang ang noo ko. Ano na naman 'to? They are both acting so strange right now.
"Anak, kahit anong mangyari, 'wag mong kakalimutan ang mga tinuro namin sa'yo ng papa mo. Magpakabait ka palagi," sabi naman ni mama.
"Hey! 'Wag nga kayong magsalita ng ganyan! Nakakatakot ah! Para kayong namamaalam diyan!" Inis 'kong sabi.
"Basta anak, mahal na mahal ka namin ng mama mo. Gusto namin na gawin mo palagi ang magpapasaya sa'yo," sabi ni papa.
I hate this kind of feeling! I'm so nervous right now because of them! Ang weird nila ngayon. Lalo tuloy akong kinakabahan.
Pakiramdam ko, may nangyayari na hindi ko alam. I gasped because of them. Parang ewan, tinatakot ba ako nila papa?
Habang nasa biyahe ay bigla na lang may humarang na dalawang kotse sa amin. 'Yung isa ay nasa harapan at 'yung isa sa likod.
We can't move! Nakaharang sila! Binuksan ko na lang ang bintana ng kotse namin.
"Hey! May puputahan kami. Please, get out of our way!" I shouted.
Nagulat ako at bigla na lang may lumabas na lalake sa sasakyan. May takip na itim ang mukha niya! May dala siyang katana! Putek!
Nagmadali akong isara ang bintana! Kinabahan tuloy ako! Kitang-kita ko rin na natatakot ang mga magulang ko. Nagulat ako at bigla na lang may kumalabog sa pinto ng kotse.
Tinutukan niya kami ng baril! Feeling ko tuloy, maiiyak na ako sa sobrang takot sa kanila.
"Buksan niyo 'to, o pasasabugin ko ang kotse niyo!" Sigaw ng isang lalake.
"Mama! Papa! Anong gagawin natin?" Kabado 'kong tanong.
Halatang natatakot din sila. I should be brave. Kailangan ko lang kumalma.
Kinuha ko ang phone ko at wallet. Binuksan ko na ang kotse at kinuha ko rin ang susi. This is the safest plan.
Lumabas na ako ng kotse at itinaas ko ang mga kamay ko.
"Mga boss, hawak ko 'yung phone ko. Kakabili ko lang nito. Itong wallet ko naman, may lamang cash. Hawak ko rin itong susi ng kotse. Sa inyo na ito lahat, 'wag niyo lang kami saktan ng mga magulang ko..."
Nagtawanan sila dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi 'to maganda. I feel really bad about this!
Bigla akong tinutukan ng baril at katana nung dalawang lalake. 'Yung isa naman, hinablot ang susi ng kotse sa kamay ko.
Binato niya ang susi ng kotse sa mga magulang ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.
"Ikaw ang kailangan namin; hindi ang mga magulang mo!"
Kinakabahan talaga ako habang nakatutok ang katana sa leeg ko. Hihimatayin na yata ako.
"Sumama ka sa amin kung ayaw mo na mamatay ang mga magulang mo!"
Takot na takot na talaga ako! Isinakay na nila ako sa kotse at iniwan nila ang mga magulang ko.
"Anak! Mag-iingat ka!" Sigaw ni papa.
"Anak! Mahal na mahal ka namin ng papa mo!"
Naiiyak na ako... Kalma lang, calm down, Dr. Luther. Everything will be fine. Baka naman makuha sa pakiusap ang mga goons na ito.
Tinalian nila ang kamay ko at nilagyan din nila ako ng piring sa mga mata ko. Takte! Natatakot talaga ako!
"Ehem! Mga boss, magkano ba ang binayad sa inyo para dukutin ako? Baka naman pwedeng pag-usapan natin ang presyo? Promise, dodoblehin ko! Pakawalan niyo lang ako ng maayos," mahinahon 'kong sabi.
"Aba! Tumahimik ka nga diyan kung ayaw mong gilitan ko 'yang leeg mo!"
Nagulat tuloy ako dahil sinigawan ako. Kalma lang po! Nakakainis naman 'to! Magbabayad na nga ako, choosy pa!
"Takpan niyo nga ang bibig niyan!"
Tinalian na nila ang bibig ko. Tahimik lang ako ngayon. Rinig ko na nagtatawanan silang tatlo. Lalo tuloy akong kinakabahan sa kanila.
Maya-maya ay tumahimik din ang biyahe namin. Takte! Mas gusto ko pa na manyakin na lang ni Yani kaysa dukutin ng mga lalakeng 'to!
Yari kayo! Sigurado ako na nag-report na sila mama sa mga pulis! Mayaman 'yung mga pinsan ko pati ang mga asawa nila! Siguradong hahanapin nila ako! Patay talaga kayo pag may ginawa kayong masama sa akin!
Maya-maya ay naramdaman ko na huminto na ang kotse at nilabas na nila ako sa sasakyan.
Tinanggal nila ang piring sa mga mata ko pati na rin ang tali sa bibig ko.
Nasa pantalan kami... Anong ginagawa namin dito? Ang weird talaga ng mga goons na 'to!
Hinatak na nila ako paakyat sa isang yacht. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Pag-akyat namin sa taas ng yacht ay may lalakeng nakatalikod.
"Siya 'yung nagpadukot sa'yo!"
Tinanggal na nila ang tali sa mga kamay ko. Sino naman kaya ang kontrabida na ito?
"Hoy! Humarap ka sa akin! Anong kasalanan ko sa'yo para ipadukot mo ako ha? Ano? Humarap ka dito!"
Galit na galit na talaga ako. Alam ko naman na wala akong inagrabyado! Anong rason niya para ipadukot ako?
Bigla 'kong inagaw ang baril sa isang lalake kaya nagulat sila. Tinutok ko na ang baril doon sa nagpadukot sa akin.
"Humarap ka dito! Walang hiya ka! Bakit mo ako pinadukot? Haharap ka, o ipuputok ko 'to?"
Nagulat ako at bigla siyang tumawa. Unti-unti na siyang humarap sa akin at nanlaki na lang ang mga mata ko.
"Ano? Puputukan mo ako?"
Binaba ko na lang ang baril. Hindi ako makapaniwala. Ano na naman ang kalokohan na 'to?
"Putek ka Yani! Alam mo ba kung gaano ako natakot sa kalokohan mo? Walang hiya ka talaga!"
Ipinutok ko bigla ang baril sa dagat kaya nagulat silang lahat. Galit na galit na kasi ako.
"Ano! Sagot!" Sigaw ko.
Bumaril ulit ako sa dagat kaya nagulat sila. Takot na takot tuloy silang lahat. Nakakairita talaga! Hindi nakakatuwa ang biro na 'to!
"Hey! Please calm down!"
"No! I won't! Tinakot mo pa ang mga magulang ko! Dinamay mo pa sila mama sa kalokohan mo! Hindi kita mapapatawad!"
Kakalabitin ko na sana ulit ang gatilyo ng baril pero-
"Hmmmm... Actually, kasabwat sila. Napaniwala ka pala. Pwede na silang mag-artista."
A-Ano? Set up 'to? Pati mga magulang ko dinamay pa? Na-imagine ko tuloy bigla ang tumatawang mukha nila mama. Bad trip talaga!
Lumapit sa akin si Yani at niyakap niya ako ng mahigpit. Ngayon naman, naglalambing ka?
"Sorry na... Kalma na ka please..."
Kinalas ko na lang ang pagkakayakap niya sa akin. Naiirita talaga ako.
"Nag-hire ka pa talaga ng goons para ipadukot ako?" Inis 'kong tanong.
"Hoy! Masyado kaming mga gwapo para maging goons!"
Tinanggal na nila ang takip sa mga mukha nila. Napanganga na lang ako.
"E-Eros? Raypaul? James? Mga walang hiya talaga kayo!"
Itinutok ko sa kanila ang baril kaya natakot sila bigla.
"Hoy! Ibaba mo 'yan! Patay ka sa asawa ko! Sa kanya pa naman itong katana!" Takot na sabi ni Raypaul.
"Patay ka kay Rogue!" Sigaw ni James.
"Ikaw Eros? 'Wag mo sabihing patay ako kay Cyril? Hahahah pareho nating alam na 'di makabasag pinggan ang cute na 'yun!" Sigaw ko.
"Ah talaga? Edi, patay ka sa akin!" Sabi ni Eros at inagaw niya bigla ang baril sa kamay ko.
Bigla akong hinatak ni Yani palapit sa kanya at...
"Hey! Do not terrorize my hottie doctor! I love this guy!" Sabi ni Yani.
"Aaaayyyyyiiiieeee ahhahahah," sabay-sabay na sabi nila James.
I just rolled my eyes...
"Oh paano? Aalis na kami. Baka hinahanap na rin kami ng mga asawa namin," sabi ni Eros.
"Mga pre, maraming salamat talaga sa tulong. Hindi ko 'to makakalimutan," sabi ni Yani.
Talaga! Lalo na ako! Hindi ko talaga 'to makakalimutan! Mga walang hiya talaga kayo!
"Wala 'yun, basta para sa ikasasaya ng doctor na 'yan. Love kaya namin 'yan," sabi ni Raypaul.
"Yeah... 'Wag mong sasaktan 'yan, bubugbugin ka namin," seryosong sabi ni Eros.
"I can't promise that! Syempre, sasaktan ko siya, sa bed lang..."
Natawa tuloy sila Raypaul at bigla 'kong siniko ang tiyan ni Yani. Grabe, pinagkakalat niya talaga ang kamanyakan niya.
"Oh siya sige! Bye bye na! Enjoy kayong dalawa diyan!"
Umalis na silang tatlo at naiwan na lang kami ni Yani dito sa yacht.
Tumingin ako sa paligid at umandar na ang yacht. Papunta ito sa gitna ng dagat. Ngayon ko lang napansin na napakaganda pala dito.
Puno ng mga bulalak at may dinner for two. This place is quite romantic.
"Nagustuhan mo ba dito?"
Napatingin na lang ako kay Yani. I just rolled my eyes. Naiirita pa rin talaga ako sa kanya. Ika nga nila, the end does not justify the means.
"Sorry na, Luther... I just wanted to surprise you."
Yumakap siya sa likod ko at sinandal niya ang mukha niya sa balikat ko.
"Wag ka na magalit sa akin. Aminin mo, kinikilig ka ngayon eh!"
Sabagay, hindi ko naman maitatanggi na grabe ang ginawa niyang effort ngayon para sa akin.
"Tonight, I just want to show you my other side. I want to show you my sweet and romantic self."
Binuksan na niya ang wine at binigyan niya ako. Tinanggap ko na lang. Masarap ang wine.
Napatitig na lang ako sa kanya. Ang sweet nga niya ngayon. Nabigla ako nang mapatitig ako sa suot niyang jacket.
It looks so familiar!
"H-Hey! Saan mo nabili ang jacket na 'yan?" Tanong ko.
He smirked...
"It is a souvenir from someone special. Why? Do you remember something?"
Souvenir? Takte! 'Yan ang favorite jacket ko noong college! Hindi talaga ako pwedeng magkamali.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Naaalala ko na siya.
"Ikaw 'yung lalakeng lasing noong college ako! Tama! Ikaw 'yun kasi manyakis ka talaga kahit noon pa!" Masaya 'kong sabi.
Tumango na lang siya sa akin at ngumiti. Ang saya naman! Nagkita na pala kami noon!
"Honestly, namukhaan kita kaagad noong nagkita tayo sa elevator. I am so interested in you kahit noon pa. Nagtataka nga ako kung bakit hindi mo ako namukhaan kaagad..."
"Hey! Matagal na 'yun! College pa tayo noon tapos marami akong pasyente araw-araw kaya siguro hindi na kita namukhaan," sabi ko.
Honestly, I am really happy because of what I knew. Pinagtagpo na pala kaming dalawa noon. Nakakatuwa talaga.
Inalalayan niya ako at kumain na lang kaming dalawa. Medyo gutom na rin talaga ako dahil naubos ang energy ko kanina sa stress.
"Uy! May dumi ka sa labi!" Sabi niya.
Tatanggalin ko na sana pero bigla niyang pinigil ang kamay ko.
Lumapit siya sa akin at bigla niyang dinilaan ang labi ko. Natulala tuloy ako bigla.
"Ayan! Malinis na hahahahh."
Takte... Ang manyak talaga nito. Nagpunas na lang ako ng table napkin sa bibig ko. Nag-init tuloy ang mukha ko dahil sa ginawa niya.
Ang bastos! Pero inaamin ko na nakaka-turn on. Nakakainis talaga!
Mahaba-haba rin ang napag-usapan naming dalawa ni Yani habang kumakain. Sweet din naman pala siya. Kahit sobra akong na-stress kanina, inaamin ko na masaya ako ngayon na kasama siya.
Maya-maya ay bigla na lang may dumapong ibon dito sa yacht.
Kinabahan tuloy ako... Takot kasi ako sa ibon. Ewan ko kung bakit.
"Hey? Are you afraid of that bird?" He asked while laughing.
Tumango na lang ako... Napansin pala niya na kinakabahan ako sa ibon.
"It's so weird..." Sabi niya.
"Huh? Bakit naman? Lahat naman tayo, may kanya-kanyang kinatatakutan," sabi ko.
"No... Ang weird lang kasi. Takot ka sa ibon pero nag-eenjoy ka kapag sinusubo mo ang bird ko."
Natawa siya bigla. Nahiya tuloy ako na natatawa. Manyakis talaga ang lalakeng 'to!
Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinalikan niya. I look in his eyes and I can see how sincere he is.
"Hindi naman kita minamadali na magustuhan o mahalin din ako. Ang gusto ko lang, makita mo na mahal din kita kahit ganito ako. I know that it will take time for you to realize that you love me too but I can wait. I can always wait for you, patiently..."
Ok, sweet din naman pala siya. I know that he is serious about his feelings for me. Inaamin ko na kinikilig na ako sa mga ginagawa niya ngayon.
Inalalayan na niya ako para tumayo. Ang lamig ng simoy ng hangin mula sa dagat. Nasa gitna na kami ng laot.
"You know what? I locked my heart for a very long time..."
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Masyado siyang seryoso ngayon.
"Ngayon ko lang 'to binuksan ulit para lang sa'yo," sabi niya habang tinuturo ang puso niya.
Bigla siyang may kinuhang box sa bulsa ng jacket niya. Binibigay niya ito sa akin.
"Open it..."
Binuksan ko na ang kahon at may lamang kwintas. Susi ang pendant. Ang ganda... It is a key necklace.
"This necklace is the key to my heart. Habang nasa iyo 'to, sa'yo lang din ang puso ko."
Hala, bakit parang kinikilig ako? Kaasar, ang bading pakinggan!
"I am all yours, Dr. Luther."
Sinuot na niya ang necklace sa leeg ko at ang lapit ng mga labi niya sa akin. Inaamin ko na namumula ang mukha ko dahil sa ginagawa niya.
"Do you like it?" He asked.
"I love it... It's so beautiful..."
Tinititigan ko lang ang key necklace. Ang ganda talaga nito. Alam ko na malalim ang meaning nito para sa kanya.
Nakakatuwa... Pinagkatiwala na niya sa akin ang puso niya. He is so sweet. Inaamin ko na kinikilig ako sa kanya ngayon.
I also love the other side of him...
Nilalamig na rin ako. Naramdaman ko bigla na niyakap niya ako. I feel comfort from his warmth. Napangiti na lang ako.
"Look at the sky..."
Tumingin ako sa langit at bigla na lang may pumutok sa taas.
It's a fireworks display! It's so beautiful! Tuwang-tuwa talaga ako. Para akong bata na nakangiti.
Napakarami ng fireworks sa kalangitan. Sobrang saya ko talaga. Ang ganda ng langit. May hugis puso rin na fireworks.
Alam ko na nagsalita si Yani pero hindi ko marinig dahil sa ingay ng fireworks.
"You look so happy... I want to make you happy for the rest of your life."
Abalang-abala ako sa panunuod ng fireworks display. Grabe, gumastos talaga siya para dito? Sigurado, sinabi nila Eros sa kanya na gustong-gusto ko ng fireworks.
Ang ganda talaga ng langit...
Maya-maya ay naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang mga pisngi ko. Hinarap niya ako sa mukha niya.
Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya habang nakatitig sa akin.
"I love you, Dr. Luther Velasco..."
Naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi niya sa akin.
Pumikit na lang ako... Kasabay ng pagputok ng makukulay na fireworks sa kalangitan ang paghalik niya sa mga labi ko.
Ramdam ko ang pagkabog ng mabilis ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito.
It feels heaven... I feel like I'm floating in the air while kissing him.
Mahal na rin ba kita, Yani Martinez?