Yani's POV
I am just sitting here at my office. I'm not so busy. I am just looking at my phone book. Masyadong marami na pala ang contacts ko.
Jessica...
Riza...
Micah...
Gina...
Daphney...
Lucy...
Erica...
Jenna...
Berna...
Putek! Marami palang babae sa contacts ko! I pressed down the delete button. These girls are all part of my past. Wala na silang lugar ngayon para sa akin.
Dapat pala, matagal ko nang binura ang number ng mga babae sa phone ko. I should focus on my optimum goal for now.
Inaamin ko, sobrang dami na ng mga babae na natikman ko; but it never change the fact that I am still capable of loving a guy like me.
I sigh...
Pinalitan ko na lang ang wallpaper ng phone ko. Ayan, mas bagay ang half naked na picture ni hottie doctor para sa phone ko.
"You are making me more interested in you, my hottie doctor..."
It is the second time that I am so interested to a person. I know that I have a huge chance to win his heart.
I will never lose again this time. I will do everything to make him mine. Hindi na ako papayag na maging side character lang sa story na ito.
Someone knock on my door...
"Come in," I said.
Oh, it's my friendival...
Pumasok na si Blake sa loob ng office ko. He is just smiling at me. It looks like he needs something from me, now. I can feel it.
"What brings you here?" I asked.
Pinaupo ko na lang siya at mukhang kailangan nga niya ng tulong ko ngayon. He looks so shy. This guy is quite cute but my Luther is more attractive for me.
"Yani, I need your help now. Ikaw na lang kasi ang pwede 'kong lapitan," nahihiya niyang sabi.
"What is it? Don't be shy. Just tell me what I can do for you," I said.
"Hmmm... I have a cousin. She needs to find a job. Board passer naman siya ng nursing. She is also smart but-"
Mukhang alanganin siya sa susunod niyang sasabihin. Napakunot na lang ang noo ko. It looks like he is having a hard time.
"Hospitals do not accept her because of her record," he said.
"Huh? What kind of record?" I asked.
"Hmmm... Makikita mo dito sa document," nahihiya niyang sabi.
Nilapag na niya ang document sa table ko. I will check it later.
What kind of background does his cousin have? Gusto 'kong tulungan si Blake. He is still my friend and I will do everything that I can to help.
"I will check her document, later. Let's see kung qualified siya kagaya mo," sabi ko na lang.
"Hmmm... I really want to help her. Ako lang kasi ang pwede niyang lapitan ngayon."
It looks like it is really a serious matter. Well, tatanggapin ko dito sa hospital ang pinsan niya kung qualified naman. Ipapasa ko agad sa HR kapag pwede.
Blake is really kind... Honestly, I don't want to hurt this guy but, I want Luther to be mine so I will do everything to win his heart.
I believe that I should fight for him and I will win his heart by all means.
"Hmmm... Yani, balik na ako sa trabaho. Thank you for your time."
"Wait, just stay here..."
I am just looking at him. Ganito ka palagi, Blake. Iniiwasan mo na pag-usapan nating dalawa si Luther. You are avoiding any form of tragedy.
"May gusto ka 'bang pag-usapan?" Alanganin niyang tanong.
"It's about Dr. Luther," I said seriously.
Halatang nabigla siya... I really want to confront you about this, Blake. Kailangan talaga nating mag-usap ng masinsinan.
"Now, tell me that you like him..."
Halatang nabigla siya dahil sa sinabi ko. I am really serious about this. Deretsahan agad ang atake. Hindi ako 'yung tao na nagdadalawang-isip.
"Ok, you don't have to answer. Alam ko naman kasi ang isasagot mo. I just need to confirm," I said.
I know this guy... Kilala ko siya dahil magkaibigan kaming dalawa. We are just the same. We are both yearning for love and belonging.
Sigurado ako na gagawa rin siya ng paraan para maging sila ni Luther.
In fact, I never underestimate this guy. I know how smart he is.
"I like him... I know that I don't have a chance in your heart. Alam ko rin na gusto ako ni Luther, I can see it as an opportunity to settle down," he said seriously.
I laugh a little...
Yes, Luther likes him but I also know that I am so important for that doctor. Alam ko na may lugar din naman ako sa puso niya; ayaw niya lang aminin 'yun sa sarili niya.
"You know that I really like that doctor too. I will never pull my punches on you, just because we're friends," I said seriously.
"Well then, give me a good fight..."
I smirked... Matagal ko nang sinimulan ito, Blake. Alam ko na nag-iwan na ako ng marka sa kanya.
May nangyari na sa amin. It is my trump card. I know that I am running on his mind, every single hour. Hindi ako magpapatalo kahit kanino; kahit pa kaibigan kita, Blake.
"Sana, kahit sino ang piliin niya sa atin ay magkaibigan pa rin tayong dalawa," sabi niya.
"Of course..."
This guy is quite smart; but I am so clever and cunning. Inaamin ko naman na hindi ako dapat makampante sa isang 'to.
"I really have to go," he said.
Umalis na siya at naiwan na lang ako dito sa office. I know you, Blake. We're close friends. I know what you are capable of.
Sana lang, hindi ka maging sagabal sa akin. Luther is my only hope. Siya lang 'yung tao na nagparamdam sa akin na mahalaga ako.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang una naming pagkikita when I was in college.
•••
I am on my way back to my apartment. Nahihilo pa ako dahil sa alak at nasusuka na rin ako.
Sumuka muna ako sa gilid ng kalasada. Napapagod na rin ako.
I never wanted to study business. It is just my mom's dream for me. Galing ako ngayon sa isang bar at nag-inom ako magdamag.
Hindi ko na talaga kayang maglakad kaya umupo muna ako sa gilid ng kalsada.
"H-Hey, are you ok?"
Napatingin na lang ako sa gilid ko at may lalakeng nakatingin sa akin. He is quite handsome. Nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya.
"I'll help you... Stand up, ihahatid na kita sa inyo. Mukha kasing hindi mo na kaya," sabi niya.
He tried to help me stand up. May naisip akong kalokohan. Mas umaatake talaga ang kamanyakan ko kapag lasing hahahah.
"Please stand up, you're so heavy!"
Sinubukan ko nang tumayo at dinakma ko ang pagkalalake niya. Nanginig siya bigla dahil sa sobrang gulat hahahahah.
"Pervert bastard!"
Bigla niya akong sinapak ng malakas kaya natumba ako. Hindi ako makagalaw at nakahiga lang ako sa kalasada.
"Sh*t mukhang napalakas ang sapak ko sa kanya," bulong ng lalake.
I'm not moving... I am just waiting for his reaction. Tutulungan pa rin ba niya ako kahit na minanyak ko siya?
"I shouldn't just leave you here..."
Hinahatak niya ako pero nagpanggap lang ako na walang malay. He is slapping my face softly.
"Hey, wake up!"
I smiled... This guy is one in a million. Kung 'yung iba, hahayaan na lang ako dito sa kalasada. Binastos ko na siya pero nag-aalala pa rin siya sa akin.
He is just checking me... Bigla ko na lang naramdaman na sinampal niya ako ng malakas.
"You can't fool me! I am a med student! I know that you are still awake!"
A med student? It sounds so cool! Bumangon na ako at nginitian ko na lang siya.
He rolled his eyes and he started to walk away. This guy is quite interesting for me. So stubborn; but kind.
"Do not leave me here, please..." I said.
Huminto siya sa paglalakad at lumingon siya sa akin. I can see in his eyes that he really want to help me.
"Fine, but you have to promise that you won't touch me again like that!"
Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti na ako. He just rolled his eyes. Inalalayan niya ako habang naglalakad.
I can smell him... Nakakaadik ang amoy niya. Halata nga na med student siya. Amoy ethanol siya. Parang sa hospital namin.
Mukhang naramdaman niya na inaamoy ko siya.
"Mag-behave ka diyan kung ayaw mong ma-autopsy ng buhay," inis niyang sabi.
I smiled a little...
I like this guy... Gusto ko talaga 'yung challenging kagaya niya. Dinala niya ako sa isang convenience store.
Bumili siya ng dalawang kape at umupo siya sa harapan ko.
"Inumin mo na 'yan para mahimasmasan ka naman."
Umiinom din siya ng kape. I am just looking at him. He is really handsome. He looks so formal.
I want to rip his formal clothes...
"Don't look at me like that. Ibubuhos ko sa'yo itong kape," inis niyang sabi.
I laugh a little... Ganyan na ganyan ang gusto ko. Ayoko kasi nung madali lang makuha. I want someone who is really hard to get.
"Bakit mo naman naisipan na mag-inom ng ganitong oras? Gabi na, baka mapahamak ka diyan sa labas," seryoso niyang sabi.
So, he is worried about me?
"Sa susunod, umuwi ka ng may kasama lalo na kapag lasing ka! Marami na ang masasamang loob diyan, baka naman isa ka sa kanila hahahahah."
Natutuwa ako sa kanya... He is so cute when he laugh. This guy is interesting.
"Gusto ko lang mag-inom. I can always defend myself. Ikaw, anong ginagawa mo ng ganitong oras?" Tanong ko.
He looked at me seriously... Nilapit pa niya ang mukha niya sa akin.
"Naghahanap ako ng pwedeng i-dissect. Tingin ko, pwede ka."
Dissecting a human? What the heck! Psychopath pala ang isang 'to!"
"Hey! Hahahah you look so scared. I'm just kidding. Papunta lang talaga ako dito sa convenience store para mag-kape. Kanina pa kasi ako nagre-review."
Akala ko naman, seryoso siya doon sa sinabi niya sa akin kanina.
"Ok ka na ba? Kaya mo na bang umuwi or ihahatid pa kita?" Tanong niya.
Nag-aalala talaga siya sa akin? It makes me so interested to him. Natutuwa ako sa kanya.
"Ihatid mo ako, please..."
He just rolled his eyes. Tumayo na siya sa harapan ko. May naisip na naman akong kalokohan.
Tatayo na sana ako pero umarte ako na parang natutumba.
"H-Hey, ayos ka lang ba?"
"Help me please..."
Inalalayan na niya ako. Hindi naman talaga ako nahihirapan maglakad. Actually, nahimasmasan na ako sa kape. Gusto ko lang na alalayan niya ako.
Halatang nahihirapan siya habang naglalakad kami. Hindi lahat ng tao, kagaya niya na magtitiis para lang sa isang kagaya ko.
Wala na kasing sasakyan ng ganitong oras kaya naglakad na lang kami.
Medyo nilalamig na rin ako dahil malamig ngayon sa kalasada. Nagulat ako dahil huminto siya.
Hinubad niya ang suot niyang jacket at pinapasuot niya sa akin.
"Nilalamig ka na... Sa'yo muna 'to. Favorite jacket ko 'to ah! Ingatan mo!"
Favorite niya itong jacket pero pinapasuot niya sa akin? Napangiti na lang ako. Ibang klase nga talaga siya.
Sinuot ko na lang ang jacket niya at nag-inarte pa ako na natutumba.
"Ayos ka lang ba talaga o nag-iinarte ka lang?" Inis niyang tanong.
"Pwede ba na buhatin mo ako? Pagod na ako eh. Piggie back ride, please..."
Halatang naiinis na siya pero ginawa pa rin niya ang pakiusap ko. Binuhat na niya ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
Habang binubuhat niya ako ay halatang nahihirapan siya dahil alam ko naman na mabigat ako. Ang dami ko kasing muscles.
"I'm sorry... I know I'm heavy," I said.
"It's ok... I'm strong enough..."
Ramdam na ramdam ko na mabuti siyang tao. Gusto 'kong makilala siya.
"Don't worry, malapit na tayo..."
Bigla na lang tumunog ang phone niya at ibinaba na muna niya ako.
"Sagutin ko lang 'to ah? Hindi mo naman siguro hahablutin ang phone ko, diba?"
Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Mukhang may emergency siya. Halatang nagmamadali siya dahil sa tumawag sa kanya.
"Bilisan na natin. Malapit na ang tinitirhan mo diba? Kailangan ko na kasing umalis," sabi niya.
"Oh... It's ok! Kaya ko na! Sige na, mukhang nagmamadali ka," sabi ko.
"Are you sure?" He asked sincerely.
I nodded...
"Salamat nga pala," sabi ko.
"No worries... I really have to go. Ingat ka na lang ah? Malaki ka na."
Nagsimula na siyang tumakbo palayo sa akin. Bigla na lang akong may naalala.
"Wait! Your jacket! Lalamigin ka!" Sigaw ko.
"Sa'yo muna! Kapag nagkita tayo ulit, tsaka mo na lang ibalik!" Sigaw niya habang tumatakbo.
"Akin na lang 'to, please!"
"Bahala ka!"
Tumakbo na siya at unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko.
Hindi ko talaga maiwasan ang mapangiti. That guy is quite amazing. Sana magkita kami ulit. Gustong-gusto ko siyang makilala.
Napatingin na lang ako sa suot 'kong jacket. It's quite warm. Kapag nagkita tayo ulit, sigurado na ako na ikaw ang tinadhana para sa akin.
I am so excited to meet you again, handsome med student...
•••
Napangiti tuloy ako ng wala sa oras dito sa office. Hawak ko ngayon ang jacket na binigay sa akin noon ni Luther.
Kaya ko siya tinitigan ng mabuti sa elevator noon dahil namukhaan ko siya kaagad kahit lasing ako noong una kaming nagkita.
It's been years... Akala ko nga hindi na kami magkikita ulit. Sana, maalala niya ako kapag sinuot ko itong favorite jacket niya
Kaya gustong-gusto ko na magsabi siya sa akin ng please kasi noon, lagi niyang pinagbibigyan ang mga pakiusap ko kahit nahihirapan siya.
Tama na nga! I look crazy right now because I am just smiling while remembering some precious memories.
Napatingin ako sa document na binigay sa akin ni Blake. It's from his cousin. Siguro, dapat i-check ko na.
Binuksan ko na lang...
Nabigla ako... His cousin have a medical background from a mental hospital. She was mentally sick before. Should I give this lady a chance?
Siguro naman, magaling na siya dahil hindi naman siya magiging nurse kung may sakit pa siya sa utak.
Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang pangalan niya. Nanlaki tuloy ang mga mata ko.
Hindi ako makapaniwala. Nanginig bigla ang mga kamay ko.
"Alexa Carter?"