Chapter 22: Competition

1826 Words
Tahimik lang ako ngayon sa office ko at katatapos lang ng surgery ngayong araw. Kailangan 'kong magpahinga dahil pagod na pagod na talaga ako. Masaya ako dahil ok na ulit kami ni Yani at naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko. I did not expect that he is quite understanding. Bigla na lang may kumatok sa pinto kaya pinapasok ko naman kaagad. "Hi doc... Mukhang pagod ka ah," nakangiting bati ni Blake. May dala-dala siyang box ng cake. Teka, lagi na lang niya akong dinadalhan ng cake galing sa mama ni Dwayne. "For you..." Sabi niya sabay lapag ng cake sa table ko. "Thank you! Pansin ko ah, lagi mo akong dinadalhan ng cake. Mukhang suki ka na ng mama ni Dwayne ahhahah. Baka magka-diabetes na ako niyan," nakangiti 'kong sabi. "Hmmm... Sabi mo kasi, gustong-gusto mo ang cake na gawa ng mama ni Dwayne." Ngumiti na lang ako... Grabe, dapat ako ang nanliligaw sa kanya. Pansin ko na siya pa ang gumagawa ng paraan para mapalapit kaming dalawa sa isa't-isa. Nakokosensya tuloy ako bigla. "Dr. Luther, may gusto ka pa 'bang kainin or ipabili?" Nakangiti niyang tanong. "Wala na... Hindi naman ako humihingi ng kahit na ako," alanganin 'kong sabi. Nakakahiya na talaga kay Blake. Hindi ko na talaga alam kung ano ang dapat 'kong gawin ngayon. "Hmmm... Luther, excited na ako sa medical mission natin. First time 'kong makasali," sabi niya. "Masaya 'yun Blake! Taon-taon akong sumasali sa medical mission. Hindi ko lang sure kung sino ang mga matutulungan ngayong taon," nakangiti 'kong sabi. "Excited na talaga ako!" Sabi niya. "Talaga? Excited na kayo?" Nagulat tuloy kami at bigla na lang sumulpot si Yani sa may pinto. Napatitig na lang ako sa kanya at seryoso na naman ang mukha niya. Galit ka na naman ba, Yani? "What are you doing here, Blake?" Yani asked seriously. "Hmmmm... I just gave a cake to him." The heck! Baka mamaya mag-away pa itong dalawa. Teka, mabait naman si Blake. Kalmado siya palagi kaya hindi ako dapat mag-alala. Tinitigan na lang ni Yani ang box ng cake sa table ko. "Is that from Dwayne's mother?" "Yeah... Favorite 'yan ni Dr. Luther." "Oh, I see..." Seryoso niyang sabi. Grabe, seryoso na naman itong si Yani. Siguradong may iba na naman siyang iniisip. "Hmmm... Blake, hinahanap ka nga pala ng head nurse," sabi ni Yani. "Really? Well, I should go..." Umalis na si Blake at naiwan kaming dalawa ni Yani dito sa office ko. Seryoso na naman ang hitsura niya. "Ano naman ang dahilan at napadpad ka dito?" Tanong ko. "Well, gusto lang naman kitang makita. Masama ba 'yun?" "Bakit seryoso na naman ang mukha mo? Akala ko ba ayos na tayo?" He sigh... "Seloso akong tao, Luther. Lalo na sa mga pag-aari ko. I told you, right? You're only mine..." Talagang pinanindigan na niya? Parang ewan talaga itong si Yani. Hindi ko na tuloy alam ang dapat 'kong sabihin. "So, you like cake from Dwayne's mother?" He asked. "Yeah... Magaling mag-bake ang mama ni Dwayne," sabi ko. "I see..." Seryoso pa rin ang hitsura niya. Kumunot na lang ang noo ko. "Hey! Ngumiti ka nga! Sinabing hindi ako sanay na seryoso ka," sabi ko. Napatawa na lang siya ng mahina at lumapit siya sa akin. Pinaglalaruan na niya ang necktie ko. Ano na naman ang trip mo? "So, you really care for me huh?" He said while showing his devilish smile. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa necktie ko. Baka mamaya kung ano na naman ang mangyari sa amin dito. "Iniisip mo man lang ba si Blake sa tuwing minamanyak mo ako? Kasi, alam ko na magkaibigan kayong dalawa," sabi ko. He sigh... "I think he likes you now. Hindi naman ako manhid, my hottie doctor. Kahit magkaibigan kaming dalawa, hindi ako magpapatalo sa kanya..." Grabe, ang lakas talaga makiramdam nitong si Yani. Isa 'yan sa mga special traits niya. "I want to make you moan, here at your office..." Sabi ko na nga ba! May binabalak na naman siya kaya siya nandito! I can read you like a book, Yani. You are too predictable. "Please, 'wag ngayon... Pagod ako sa surgery kanina. I don't think na dapat maulit 'yung nangyari sa atin." "Why? You are enjoying it, right?" Bigla niyang binuksan ang unang butones ng long sleeves ko. Yani, para ka talagang ewan! "Tama na kasi, ayokong maging friends with benefits tayo," seryoso 'kong sabi. "Edi, pumayag ka na kasing maging tayo. I will make love to you; all day, and all night." Binuksan naman niya ang pangalawang butones. Napalunok na lang ako. Yani, ano na naman ba itong ginagawa mo? "You know what? I am like a chocolate, you can't resist me..." Bubuksan na sana niya ang pangatlong butones pero pinigil ko na ang kamay niya. Nginingitian niya lang ako. "Please, do not seduce me again. Gusto 'kong magpahinga ngayon," seryoso 'kong sabi. "Ok, fine... Mukhang meron ka ngayon hahahah. If you really want me to stop, then kiss me on my cheek." Tinuturo pa niya ang pisngi niya. Siguradong hindi siya titigil hangga't hindi ko ginagawa ang gusto niya. I sigh... Lumapit na lang ako at hahalikan ko na sana ang pisngi niya pero bigla siyang humarap at diniin niya ang batok ko. Takte! Nahalikan na naman niya ako ng mariin sa mga labi ko. Binuka niya ang bibig ko at ipinasok niya ang dila niya. Naitulak ko tuloy siya bigla. "I really hate you!" I said furiously. He laugh at me... "That's what I really love from you. You are so hard to get," he said. Kumunot na lang ang noo ko... "Hard to get? Dalawang beses ka na ngang nagtagumpay na matikman ako," inis 'kong sabi. "No! It's not just like that! I want you to love me. I want you to yearn for my touch and kisses. Gustong-gusto ko na maranasan ang lambingin mo. You are so stubborn and cold. It makes me wish for more..." Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat 'kong maramdaman sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinikilabutan. Ibang klase talaga itong si Yani. Mukhang desidido talaga siya na mahulog ako sa kanya. "Before I go, I want you to remember me while you are working." Nilapit niya bigla ang mukha niya sa akin. Takte, hahalikan mo na naman ba ako? Pumikit na lang ako... Sige lang, bahala ka na sa gusto mong gawin. Naramdaman ko na lang ang mga labi niya na hinahalikan ang ilong ko. Dumilat na ako at nakangiti lang siya sa akin. Teka, bakit parang nadismaya yata ako sa ginawa niya? "Yun lang?" Bulong ko. Kumunot na ang noo niya at tinititigan niya lang ako. "You look so disappointed, my hottie doctor! Do you want more?" "You wish!" Sabi ko na lang. He is just laughing... Grabe, 'yung tawa niya parang tawa ng pasyente na nakalaya sa mental. Lalabas na sana niya ng pinto pero bigla siyang lumingon sa akin at nag-pose pa siya sabay lip bite. "I will make you crazy in love with me by all means, my hottie doctor..." I just rolled my eyes... Lumabas na siya ng office ko habang tumatawa ng malakas. Hala, mukhang nababaliw na talaga si manyak. Lunch na pala... Mukhang maraming ginagawa si manyak at si Blake. Bumaba na lang ako sa canteen at kumain na ako. Minsan, mas masaya din talaga kumain ng tahimik. Kapag kasama ko kasi si Blake, naaalala ko si Yani. Kapag kasama ko naman si Yani, guilty ako kay Blake. Pagkatapos 'kong kumain ay naglakad na lang ako sa hallway. May dalawang pasyente na sinugod sa hospital. Tumakbo agad si Dr. Gomez sa isang pasyente. Mukhang on duty ako bigla ngayon sa ER. Tinulungan ko na lang ang isang pasyente. "Thank you Dr. Velasco..." Sabi ng isang nurse. "What happened to him?" I asked. "He was shot on his stomach. Mabuti at naisugod agad dito. Nawalan siya ng malay dahil sa blood loss." Naisugod agad namin ang pasyente sa emergency room. Natagalan din ako bago masalba ang buhay niya. Critical kasi ang pasyente. Mabuti na lang at naisugod siya agad dito. Natanggal ko naman ang bala ng baril sa tiyan niya. Na-hold up daw ang pasyente tapos lumaban kaya binaril. Pagod na pagod na talaga ako paglabas ko ng emergency room. Gusto ko nang kainin ang cake na binigay ni Blake para matanggal naman ang stress ko. "You are so cool while helping the patient earlier..." Napalingon na lang ako at si Blake pala. Nakangiti lang siya sa akin. "Thanks..." "Hmmm... Doc, kamusta na po ang papa ko." Napatingin na lang kami ni Blake at may batang babae na umiiyak sa gilid. We crouched in front of her. Pinunasan ko na ang mga luha ng bata. Kawawa naman siya. "Your dad is safe, ok? Nagpapahinga lang siya. 'Wag ka na umiyak." "Samahan ka na lang namin dito kung gusto mo," sabi naman ni Blake. "T-Thank you po kuya doctor at kuya nurse," sabi niya. Sinamahan na lang namin ang bata kasi mukhang nalulungkot talaga siya. Patapos na rin naman ang duty naming dalawa ni Blake. "Anak! Bakit nauna ka dito?" Nandito na pala ang mama niya. Nalaman namin na galing din pala sa trabaho ang mama ng bata. "Mama, sinamahan po nila ako dito." "Thank you doc at nurse. Maraming salamat at hindi niyo pinabayaan ang asawa't anak ko," sabi ng babae. "Wala po 'yun..." Sabay naming sabi. "Hmmm... Ang gwapo niyo pareho," sabi niya. Ay hahahahah... Alam ko na 'yan! "Nakakahiya naman po, hindi po ako sanay hahahah," pabebe 'kong sabi. "Actually, bagay kayong dalawa!" Nagulat tuloy ako dahil sa sinabi ng babae. Ate, fujoshi ka ba? Siniko tuloy ako bigla ni Blake. "Bakit?" "Bagay daw tayo..." Bulong niya. Napangiti tuloy ako dahil sa sinabi ni Blake. Kaasar... Hahahah medyo kinilig din ako doon ah! Ang sweet talaga nitong si Blake. "Ay sige po, kailangan na po namin umalis," sabi ko na lang. Naglakad na kami ni Blake palayo. Pansin ko na ngiting-ngiti si Blake habang naglalakad kami. "Ayan, hero ka na naman. Niligtas mo ang padre de pamilya nila," sabi niya. "Trabaho ko 'yun," nakangiti 'kong sabi sa kanya. "Hmmmm... Luther, ang cute ng anak nila diba?" Tanong niya. "Oo nga, ang cute nung bata." Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap niya ako sa kanya. Seryoso ang mga mata niya. "Gusto mo rin ba na magkaroon tayo ng anak?" Seryoso niyang tanong. Sh*t ka Blake! Nagulat ako sa tanong mo, jusko! Malalaglag yata ang puso ko dahil sa'yo. Napalunok na lang ako... Grabe, hindi ko inakala na magtatanong siya ng ganito sa akin. Seryosong-seryoso ang mga mata niya. "Ah... Hmmm... Kasi ano... Hindi ko pa kasi iniisip ang mga ganyang bagay," alanganin 'kong sabi. Binitiwan na lang niya ako at ngumuso na siya. Umiwas na lang ng tingin si Blake. "I really want to settle down with you," mahina niyang bulong. "May sinasabi ka ba?" Tanong ko. "Wala hahahah. Sabi ko, mukhang pagod na pagod ka na. Kailangan mo nang magpahinga," nakangiti niyang sabi. Pumunta na siya sa quarters nila. Papunta na ako ngayon sa office ko. Pagod na pagod na talaga ako ngayong araw. Medyo inaantok na ako. Kailangan ko na talagang magpahinga. Ayoko naman na maging pasyente ulit ako dito sa hospital dahil sa sobrang pagod. Paglapit ko sa pinto ay may letter na nakalagay sa ilalim. Ano 'to? Kinuha ko na lang ang letter at binuksan ko na. ••• I can give you anything; more than what he can... ••• Ano na namang pakulo ito? Kumunot na lang ang noo ko. Binuksan ko na ang office ko at napanganga na lang ako dahil sa tumambad sa akin. Putek! Punong-puno ng cakes ang office ko. Hala! Bakit ganito? Halos malula ako... Kahit saan ako tumingin, may nakalagay na cake. Hindi talaga ako makapaniwala. Mukhang tindahan ng cake ang office ko ngayon. Isa lang naman ang alam ko na pwedeng gumawa nito. "Yani Martinez!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD