Chapter 21: Care?

2066 Words
Kakapasok ko lang ngayon sa hospital. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa nangyari kahapon. Blake kissed me... Masaya sana, kaso alam ko na may taong maiipit. Kaasar, ito naman kasing si manyak parang ewan! Nakakainis talaga siya, palagi niyang sinisira ang mga plano ko. Pero kahit ganun, masaya ako kapag kasama ko siya. Inaamin ko na nag-eenjoy ako kapag nandiyan siya kahit madalas, iniinis niya ako. Nakakainis! Bakit ang gulo naman ng buhay na ito? Dati, gustong-gusto ko na magkaroon ng love life pero ngayon, sobrang gulo pala! Hindi na matahimik ang utak ko! Bumukas na bigla ang elevator. Nagulat ako at tumambad sa akin si Yani. Kitang-kita ko sa mga mata niya na seryoso siya ngayon. He looked away... Pumasok na lang ako sa loob ng elevator. Grabe, ang tahimik naman sa loob. I can really feel a massive tension from him. "Ehem!" Hindi pa rin siya kumibo. Naninibago tuloy ako. Hindi ako sanay na ganito siya. Hindi ako sanay na hindi niya ako pinapansin. Hmmmm... Ano ba ang dapat 'kong gawin? Alam ko kasi na galit siya sa akin. Ayoko kasi ng ganito, ayoko ng may nasasaktan ako na ibang tao. "Hmmmm... Good morning," alanganin 'kong sabi. "Good morning," seryoso niyang sagot. Grabe, sobrang formal at seryoso ng response niya sa akin. Galit nga talaga siya. Baka naman, masama lang ang loob niya? I want to confront him. Gusto 'kong linawin na hindi pa naman kami ni Blake. What should I do? Pakiramdam ko tuloy, ang bigat ng hangin dito sa loob ng elevator. Para bang nasasakal ako; hindi ko lang alam kung bakit. Naalala ko tuloy noong unang beses na binastos niya ako dito sa elevator. 'Yun ang unang beses na nagkakilala kaming dalawa. Bumukas na ang elevator at lumabas na kaming dalawa. Hindi niya talaga ako kinikibo. Gustong-gusto ko siyang kausapin but I don't know how I should approach him. Nagtrabaho na lang ako... Medyo mabigat tuloy ang pakiramdam ko. Ayoko kasi talaga ng may nasasaktan akong tao. Ayos lang kahit ako palagi ang nasasaktan, kasi mas ayaw ko na ako ang nakakasakit. "Doc, parang malalim po yata ang iniisip mo ngayon." Natauhan tuloy ako dahil sa sinabi ng pasyente ko. Hindi ko talaga maitago na malalim ang iniisip ko. "It's ok, I can handle..." Ngumiti na lang ako... Ganito naman palagi dapat. Smile always even if you're not so happy. We should share happiness to everyone. Doctor ako, hindi pwede na ako pa ang maging source ng negative vibes sa mga pasyente ko. Natapos din ang trabaho ko ngayong araw. Hindi rin kami nagkita ni Blake kasi sobrang busy rin siya. Tumambay muna ako sa may coffee shop na malapit dito sa hospital. Nabigla ako dahil nakita ko si Cyril at Eros na naglalandian. Napangiti na lang ako. Masyado silang sweet, kailangan ko silang guluhin! Hahahah. "Hi Cyril, hi din sa'yo panget," natatawa 'kong bati. Kumunot na lang ang noo ni Eros at napangiti naman si Cyril sa akin. "Uy Luther, upo ka dito sa tabi namin," masayang sabi ni Cyril. Umupo na lang ako at nag-order. Napatingin ako sa kinakain ni Cyril. Favorite niya talaga ang red velvet. "Ehem! Paano ka naman napadpad dito, aber?" Tanong ni Eros. Such a stupid question hahahah... "Nakalimutan mo na bang napakalapit niyang hospital dito?" "I mean, pumupunta ka lang kasi dito kapag stressed ka. What's the matter?" Ok, kahit ganyan si Eros ay may pakealam talaga siya sa akin. Huminga na lang ako ng malalim... "Tell us, minanyak ka na naman ba ng boss mo?" Natatawa niyang tanong. I just rolled my eyes... "Kahapon kasi, nag-date kami nung sinasabi 'kong nurse na crush ko. Nalaman nitong si manyak. Iniiwasan niya ako ngayon. Feeling ko, galit siya sa akin." Tinitigan na lang ako ni Eros at ganun din si Cyril. Sa totoo lang, kailangan ko talaga ng kausap ngayon. "Akala ko ba, isinusumpa mo siya? Diba nga galit na galit ka sa kanya?" "Hmmm... It looks like you really care for him," sabi ni Cyril. I sigh again... "Kahit naman medyo naiinis ako sa kanya, ayoko naman makasakit. Alam ko kasi na masama ang loob niya sa akin," malungkot 'kong sabi. "It's simple! Just confront him!" Nakangiting sabi ni Cyril. "Yeah... Say everything that you want. You're mature enough for that, Panget." Bad trip talaga itong si Eros. Hoy! Mas pogi ako sa'yo! Malakas lang talaga ang s*x appeal mo! "Luther, I know that you can handle your situation. Ikaw pa? Malakas kaya ang loob mo!" Sabi ni Cyril. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at ngumiti ako. "Ang bait mo talaga sa akin... Sana kasi ako na lang ang pinili mo," nakangiti 'kong sabi. Nagulat ako at biglang may tumusok na kutsilyo sa lamesa. Mabuti na lang at nakaiwas agad ang kamay ko. "Hoy! Subukan mo na hawakan ulit ang kamay ni babydoll ko, I will really cut your hand!" Biglang sabi ni Eros. "Hoy ka rin! Maraming nagagawa ang kamay ko! I help a lot of people through surgeries! Ikaw, may nagagawa ba 'yang kamay mo?" Inis 'kong sabi. "Oo! Nagagawa ng kamay ko na paligayahin si Cyril!" Namula tuloy bigla ang mukha ni Cyril dahil sa sinabi ni Eros. May kamanyakang taglay talaga itong si Eros hahahah. "Tama na nga 'yan... Ang tanda niyo na pero para pa din kayong mga bata kung mag-away," mahinahong sabi ni Cyril. "Kaya nga mag-bestfriend kaming dalawa eh!" Sabay naming sabi ni Eros. Napangiti na lang kami... Kahit palagi kaming nag-aaway, we treat each other as bestfriends. Sa totoo lang, malalim talaga ang samahan naming dalawa ni Eros. "Uy panget, tignan mo 'yung lalake doon! Nakatitig siya sa'yo," bulong sa akin ni Eros. Napatingin na lang ako sa kabilang table at nakita ko si Yani na umiinom ng kape. Umiwas na naman siya ng tingin. "Panget, siya 'yung kinukwento ko sa'yo na nangmamanyak sa akin," bulong ko kay Eros. "Talaga? Gwapo naman, mas borta pa sa'yo hahahahah." "Uy, anong pinag-bubulungan niyo?" Tanong ni Cyril. "Hmmm... Luther, dalhin mo dito." "Kaibigan mo ba 'yun, Luther? Ipakilala mo naman sa amin," nakangiting sabi ni Cyril. Sige na nga, malakas ka sa akin eh. Huminga na lang ako ng malalim. Kaya mo ito, Dr. Luther! Pagkakataon ko na ito para kausapin si Yani. Sana naman pansinin niya ako. Naglakad na ako palapit sa kanya at napatitig lang siya sa akin ng seryoso habang umiinom ng kape. "Come with me," sabi ko. Nakatitig lang siya... I rolled my eyes. Hinawakan ko na ang kamay niya at hinatak ko siya papunta kila Eros. Halatang nagulat si Yani. "Hmmm... They are my bestfriends. He is Eros and this cutie is Cyril," sabi ko kay Yani. "Hmmm... Guys, this is Yani. He is my boss. Kaibigan ko rin siya." Tumingin ako kay Yani. I saw him smirked. Natuwa yata siya dahil sa sinabi ko. Nakipag-shake hands naman si Yani kay Eros. Maya-maya ay napatitig siya kay Cyril. Makikipag-shake hands na sana sa kanya si Cyril pero bigla niyang hinalikan sa kamay. Halatang nahiya tuloy bigla si Cyril dahil sa ginawa niya. Ayun, type niya rin si Cyril hahahah. I can't blame him, Cyril is so adorable. Patay ka kay Eros... "Let him go..." Nagulat na lang si Yani at nakatutok na pala ang kutsilyo sa leeg niya. Ang sama ng titig ni Eros. Halatang kabado si manyak hahahaha. Kung umubra ka sa akin, paniguradong hindi mo kakayanin si Eros hahahah. Kaluluwa kaya ng dragon ang nasa katawan niyang si Eros hahahah. "Hmmm... Mag-asawa kasi silang dalawa," sabi ko na lang. "I-I'm sorry..." Kabadong sabi ni Yani. Binaba na ni Eros ang kutsilyo at sinaksak niya bigla sa cake. Grabe, minsan talaga nakakatakot si Eros. Ang sama pa rin ng titig niya kay Yani. "Never touch what's mine," seryosong sabi ni Eros. "Again, I'm sorry... That cute guy is yours? Well, this hot doctor is mine." Bigla akong hinila ni Yani palapit sa kanya. Halatang nagpipigil ng tawa si Eros. Yani, para ka talagang ewan! "You're a good match," sabi ni Cyril. "Oh thanks!" Sabi ni Yani. Nahiya tuloy ako bigla. Bakit si Cyril, parang ship niya kaming dalawa ni Yani? What the heck? "We need to go. Our daughter is waiting for us. I think, you two should talk," seryosong sabi ni Eros. Umalis na sila Cyril. Naiwan na lang kaming dalawa ni Yani. I sigh... I really need to talk to this guy. Gusto 'kong linawanin ang mga bagay-bagay. Chance ko na ito para makausap siya. "Hmmm... Yani," sabi ko. Walang response... Lumingon na lang ako. Ay putek! Bakit nawala siya bigla? Saan naman pumunta ang manyak na 'yun? Pumunta na lang ako sa guard dito sa coffee shop. Ninja ba si Yani? Bigla na lang nawawala eh! "Hmmm... Sir, may nakita po ba kayong lalake?" Tanong ko sa guard. "Ano pong hitsura?" "Gwapo po, matangkad! Malaki po ang katawan niya. Maputi tapos makinis ang kutis. 'Yung hitsura po niya, parang hindi gagawa ng tama. Kapag tumitig siya, akala mo huhubaran ka. Kalalabas lang po yata," sabi ko. "Ay... 'Yun ba?" Tinuro ng guard ang direksyon at nakita ko nga si Yani na naglalakad pabalik sa hospital. Nagmadali akong sundan siya pero mabilis siyang maglakad. Nakarating tuloy kami sa parking lot ng hospital at hinatak ko ang kamay niya. Grabe, hingal na hingal ako... "We need to talk," sabi ko. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin. Halatang masama ang loob niya. "Alam 'kong galit ka. Alam ko rin na iniiwasan mo ako. Please, ayoko ng ganito. Ayoko ng may nasasaktan ako. Ayusin natin ito..." Seryoso 'kong sabi. Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya. Para bang maluha-luha ang mga mata niya. "Anong aayusin natin? Sabi mo nga, wala namang mayroon sa ating dalawa! Wala lang naman ako sa'yo!" Nagulat ako dahil sa sigaw niya. Ramdam na ramdam ko na nasasaktan siya dahil sa boses niya. "C-Calm down..." Sabi ko na lang. "No! Ayoko na, Luther! Kahit mukha akong masaya palagi, napapagod din ako! Gustong-gusto kita! Alam mo 'yan! I want to show you the real me! Gusto ko kasi na mahalin mo ako, 'yung totoong ako!" Tama siya... Napapakatotoo lang naman siya sa akin. Mukhang sobra ko nga siyang nasaktan. "Diba pinangdidirihan mo ako? Diba, galit na galit ka sa akin? Wala naman akong lugar sa'yo diba? You are always cursing me!" Napatulo na ang mga luha niya. Naiiyak din ako. Ayokong-ayoko ng ganito. Ayoko ng may nasasaktan ako kasi alam ko ang pakiramdam. "I am just a pervert person for you..." Tumalikod na si Yani. Nagsimula na siyang maglakad palayo. I know that he is crying. "You are more than that, Yani! Alam mo naman 'yun diba?" Huminto siya sa paglalakad. Sana maayos pa namin 'to. Ayokong nakikita na ganito siya. "I don't care... Ang mahalaga lang sa akin ay kung ano ako sa'yo. It looks like I don't have a place in your heart and I will never have..." Bakit ganito? Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya ng ganito. "You really want me to leave you, right? So, goodbye..." Nagsimula na siyang maglakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumatak ang mga luha ko. Hindi pwedeng ganito... Hindi ko pwedeng hayaan na mawala siya. Tumakbo na ako at niyakap ko siya bigla sa likod. Halatang nagulat siya dahil sa ginawa ko. "Please, give me more time to think. Honestly, I don't want you to leave..." Totoo naman kasi... Kahit madalas akong mainis sa kanya, masaya ako kapag nandiyan siya. Ayokong saktan siya ng ganito. "I don't believe you!" He shouted. "Please, I don't want you to cry like that. Even I am always mad at you, I really care for you..." "Really?" Bigla siyang humarap sa akin at nagulat ako dahil nakangiti na siya. Yani? Baliw ka ba talaga? "Say it again! You care for me, right?" Tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko. Napakunot na lang ang noo ko. Ano na naman ito, Yani? Bakit masaya ka na ulit? "Oh look! Your eyes are teary! You don't have to answer me! I think, you really like me too! Ayaw mo lang aminin sa sarili mo na gusto mo rin ako!" Nainis na tuloy ako... "Tinitrip mo na naman ba ako?" Inis 'kong tanong. "No! Of course not! Masaya lang ako kasi nakikita ko sa'yo na may pakealam ka sa akin. It's enough reason for me to continue my plans for you..." And your plans are making me scared. Kinakabahan na naman ako sa'yo. Hinawakan niya ang mga pisngi ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya na seryoso talaga siya sa akin. "You know what? I kissed Cyril's hand because I want you to get jealous..." Talaga? Hindi ko alam kung bakit pero para bang natutuwa ako dahil sa sinabi niya. It's kind of sweet! "I will give you time to make sure of your feelings towards me. I just want you to know that you're mine. You are only mine!" Bigla niya akong hinalikan ng mariin sa mga labi ko. Nagulat ako pero hindi na ako pumalag. Hinayaan ko na lang siya na halikan ako. Ang sarap niya talagang humalik. Inaamin ko na masaya ako ngayon dahil nagkaayos na ulit kaming dalawa. You are not just pervert. I did not expect that I will find him this sweet. Yani, kahit nakakainis ka, mahalaga ka na rin para sa akin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD