Chapter 20: Jealous

1886 Words
Day off ko ngayon at payapa ako dito sa bahay. Mabuti na lang at walang bisita dahil gusto ko rin talagang mag-relax. Bigla na lang na-ring ang phone ko. Tumatawag pala si Yani. Sinagot ko naman agad. "Good morning, my hottie doctor!" Masaya niyang bungad. "Bakit naman napatawag ka?" "Hmmmm... Sorry, busy ako ngayon sa business. Hindi tuloy kita mabisita ngayong day off mo," sabi niya. "Sinabi ko ba na bumisita ka?" Natatawa 'kong tanong. "Baka kasi ma-miss mo ako eh ahahahahh." Grabe, ang lakas talaga ng fighting spirit ni Yani. Kahit minsan, never ko siyang nakita na pinanghinaan ng loob. "Hmmm... Baka makagawa ako ng paraan para magkita tayo mamaya." "Wag na! Mag-focus ka sa ginagawa mo. Priority mo dapat ang family business niyo," sabi ko. "Priority din naman kita!" Grabe, hanggang ngayon ay hindi talaga ako makapaniwala na may magkakagusto sa akin na katulad niya. He is more manly than I am. "Sige na... Kailangan ko mag-relax! Magtrabaho ka muna," sabi ko. "Wala bang goodbye kiss?" Pinatay ko na lang bigla ang phone. Grabe talaga itong si Yani haahhah. Sa totoo lang, hindi na ako masyadong naiinis sa kanya. Baka kasi kapag sinakyan ko ang mga kalokohan niya, umasa lang siya. Hindi ko nga alam kung magkakagusto ako sa kaya. Umiinom lang ako ng milk tea habang nakalublob ang mga paa ko sa swimming pool. Masaya na ako na mag-relax ng ganito. "Anak! May bisita ka!" Sabi ni mama. Kumunot na lang ang noo ko. Baka mamaya si Yani na naman 'yan. Tinatawagan kasi ako ng mga pinsan ko pati nila Eros kapag pupunta sila dito sa bahay. Akala ko ba busy si manyak? Tumayo na lang ako at pumunta na ako sa sala namin. "Hi, Luther..." Nabigla tuloy ako... Si Blake pala. Napangiti na lang ako. "Uy... Hindi ka nagsabi na pupunta ka. Biglaan naman yata," sabi ko. Nagbago bigla ang timpla ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Teka, may nasabi ba akong mali? "What's wrong?" I asked. He sigh... "Pumayag ka kasi na mag-date tayong dalawa ngayon," malungkot niyang sabi. Ay sh*t! Oo nga, nakalimutan ko pala! Nakakahiya kay Blake! "Uy sorry, medyo busy lang kasi ako lately. Pasensya na talaga. Don't worry, sa'yo ako ngayong araw," nakangiti 'kong sabi. Nginitian na lang niya ako... "It's ok, I understand naman." 'Yan ang gusto ko kay Blake, sigurado akong mabait siya. Napaka-understanding niyang tao. Umupo na lang ako sa tabi niya at nakangiti lang ako sa kanya. Naglagay na si mama ng cake at juice. "Iho, kain ka muna..." "Ay, salamat po!" Nakatitig lang ng masama sa akin si mama. Ano na naman ito? Ay hahaha nakalimutan ko pala ipakilala si Blake sa kanya. "Ehem! Mama, siya po si Nurse Blake. Crush ko po..." Sabi ko sabay ngiti. Nabigla si mama... Kitang-kita ko naman na namula bigla ang mukha ni Blake dahil sa sinabi ko. "In all fairness, ang gwapo mong bata. Mukha 'kang mabait," sabi ni mama kay Blake. "Ay, maraming salamat po..." Nahihiya niyang sabi. "Mabait po talaga 'yang si Blake. Close po kaming dalawa," nakangiti 'kong sabi. Bigla akong hinatak ni mama palayo kay Blake. Seryoso lang ang mukha ng mama ko. Ano na naman ito? Nagulat ako at bigla niyang kinurot ang giliran ko. "Aray mama! Ano ba?" Inis 'kong sabi. "Ikaw talagang bata ka! Sino na naman 'yan? Akala ko ba nililigawan ka ni Yani? Hindi ka namin pinalaking ganyan!" Inis niyang sabi. Talaga ba? Nililigawan ba ako ni Yani? Tingin ko kasi, binabastos niya lang talaga ako palagi. "Mama naman! Crush ko po 'yang si Blake. Kung hindi nga lang po dahil kay Yani, matagal ko nang niligawan 'yan," sabi ko. "Talaga? Mukhang may gusto nga 'yan sa'yo eh! Yari ka sa papa mo! Boto pa naman 'yun kay Yani!" I just rolled my eyes... "Anak, alam mo ba noong dinala mo dito si Cyril, akala ko ay top ka. Nung pumunta naman dito si Yani, nagmukha 'kang bottom. Tapos ngayong nandito si Blake, parang top ka na ulit. 'Yung totoo? Ano ka ba talaga?" "Mama naman!" Inis 'kong sabi. "Hmmm... Luther, may problema ba?" Tanong ni Blake. "Ay ahhahaha. Wala iho... Tinatanong ko lang itong si Luther kung ano ang gusto niyong kainin mamaya," sabi ni mama. "Hmmmm... Balak ko po sanang ipag-paalam si Luther. Baka po pwedeng umalis kaming dalawa," magalang na sabi ni Blake. "In fairness ah, magalang itong si Blake at maamo pa ang mukha," bulong ni mama sa akin. "Ahhhh... Pumayag po kasi ako sa kanya na mag-date kaming dalawa ngayon," sabi ko. "Ok... Wala namang kaso 'yan sa akin. Basta, mag-enjoy lang kayong dalawa," sabi ni mama. Nag-ayos na lang ako ng mga gamit. May mga dala pala si Blake. Actually, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pinagdala niya lang ako ng pang-swimming. Siguro maliligo kami? Hahahahah. Pagkatapos 'kong mag-ayos ay nilagay na namin ang mga gamit sa kotse ko. May dala din siyang mga pagkain. Sumakay na kami sa kotse at nag-drive na lang ako. "Saan tayo pupunta, Blake?" "Hmmm... Basta mag-drive ka na lang diyan. Ituturo ko na lang ang directions," sabi niya. Medyo tahimik si Blake habang nagmamaneho ako. Siguro, nahihiya na naman siya. Sa totoo lang, sobrang kinikilig ako kay Blake dahil nag-effort siya ngayon para sa akin. Wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanya diba? Hindi naman kaming dalawa ni Yani and besides, nangako ako kay Blake na magdi-date kaming dalawa ngayon. "Luther, may gusto lang sana akong itanong sa'yo," sabi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya. Ganyan talaga siya palagi, nahihiya na naman siya. Pero sa totoo lang, ang cute niya talaga. "Sige na, 'wag ka na mahiyang magtanong," nakangiti 'kong sabi. "Hmmmm... Ano ba ang nagustuhan mo sa akin?" Nahihiya niyang tanong. I smiled... I really want to move closer to you but I'm quite hesitant. Guilty kasi ako sa mga nangyayari sa aming dalawa ni Yani. "You're so cute and kind. Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa'yo?" Tanong ko. "Hmmmm... Si Dwayne at si Yani," malungkot niyang sabi. Ok, mukhang hindi maganda ang impact ng sinabi ko kahit maganda naman ang intensyon ko. "It's because they are not meant for you. Sure naman ako na may lugar ka sa puso nila," seryoso 'kong sabi. Ngumiti na lang siya... Ganyan dapat Blake! Mas pogi ka kapag nakangiti. Gusto ko na lagi 'kang masaya. "Hmmm... Do you think, I am meant for you?" Nabigla ako dahil sa tanong niya. Putek... Paano ko sasagutin? Jusko! Million dollar question ba ito? Gusto ko na pakiligin siya but at the same time, may parte ng sarili ko ang nagsasabi na iwasan na siya dahil baka masaktan ko siya. "Hmmm... I think, I'm quite fast. 'Wag mo na lang sagutin," malungkot niyang sabi. Ayan na... Baka mamaya magtampo na siya ng tuluyan sa akin. "Blake, we can't predict the future. Maybe, may magustuhan 'kang iba at ganun din ako. Pero kung ikaw talaga ang itinadhana para sa akin, sobrang swerte ko naman..." Ngumiti na ulit siya dahil sa sinabi ko. Ang sweet talaga ngumiti ni Blake. Ayoko talagang masaktan ka dahil lang sa kapusukan naming dalawa ni Yani. Inaamin ko naman na may kasalanan din ako dahil ginusto ko. "Ang lalim palagi ng iniisip mo. Sana mapasaya kita habang kasama mo ako," sabi niya. "Ngayon pa lang, masaya na ako na kasama kita..." Napaiwas siya ng tingin at kitang-kita ko na namumula ang mukha niya. Kinilig ba siya dahil sa sinabi ko? "Hmmm... Nandito na tayo," sabi niya. Bumaba na kaming dalawa sa kotse at nasa beach kami ngayon na walang tao. Ang ganda ng beach. "Hmmm... Blake, paano mo nalaman na may lugar na ganito kaganda?" Tanong ko. He smiled at me... "Dito palagi pumupunta si Kiel at Dwayne noong high school pa kami. Special ang lugar na ito para sa kanila," sabi niya. Oh... Ang romantic naman pala ni Blake. Binaba na namin ang mga gamit sa kotse at nagtayo pa siya ng tent. Handang-handa si Blake hahahah. Nagpalit na lang kami ng damit at naligo na kaming dalawa sa dagat. Inaamin ko, masayang kasama si Blake. Binabasa ko siya ng tubig at natatawa lang siya sa akin. Palubog na ang araw kaya hindi na masyadong mainit. Humiga na lang kaming dalawa sa buhanginan at malapit nang lumubog ang araw. Ang ganda ng paligid. Habang nakahiga kami ay patuloy ang paghampas ng mga alon. Naramdaman ko bigla na hinawakan niya ang kamay ko. Nakatingin lang kaming dalawa sa palubog na araw. "Luther, salamat kasi napasaya mo ako ngayong araw." "Ako ang dapat magpasalamat sa'yo," sabi ko na lang. Masaya talaga ako ngayong araw dahil sa kanya. Siya talaga 'yung tipo ng tao na pinapangarap ko. Ang sakit... Kung hindi lang sana ako gumawa ng kalokohan, hindi ako aatras ng ganito. Ngayon, pinipigilan ko ang sarili ko na mahulog siya sa akin. Ayoko na kapag nahulog siya, si Yani naman ang masaktan ko. Kahit manyak 'yun, ayokong masaktan ko siya. "Tuwing titingin ako sa mga mata mo, nakikita ko palagi na sobrang dami ng gumugulo sa isip mo..." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Blake. Sweet talaga siya. Masyado siyang romantic. Siya 'yung tipo ng tao na irerespeto ka. Si Yani, binabastos niya ako pero alam ko naman na paraan niya 'yun para ipakita na gustong-gusto niya ako. Si Blake naman, ginagalang niya ako palagi. Siya ang perfect example ng gentleman. Alam ko na napakabuti niyang tao. Putek! I can't compare them! Magkaibang-magkaiba silang dalawa. They are completely different but their own personality is making them special. "Hmmmm... Blake, alis na tayo." "Bakit?" Tinuro ko na lang ang dagat at may malaking alon. Aabot 'yun sa aming dalawa. "Just stay here with me..." Hindi ko siya maintindihan. Masyadong malaki ang alon pero parang ok lang sa kanya na umabot 'yun sa amin. Habang nakahiga kami ay tumitig siya sa mga mata ko. Ngumiti na siya... Nagulat ako dahil bigla siyang pumatong sa akin at hinalikan niya ako ng mariin sa mga labi ko kasabay ng paghampas ng malaking alon. Napapikit na lang ako... Ramdam ko ang init ng halik niya kahit nasa ilalim kami ng tubig. Maya-maya ay nawala na rin ang alon at kumalas na siya sa pagkakahalik sa akin. Pakiramdam ko ay nag-init bigla ang mukha ko dahil sa ginawa niya. "Hmmm... Kailangan na natin umuwi, may trabaho pa tayo bukas," nahihiya niyang sabi. Nagbihis na kaming dalawa at sumakay na kami sa kotse. Wala kaming kibuan ni Blake. Gusto ko siyang kausapin. Gusto 'kong tanungin kung bakit niya ako hinalikan pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Paano kung sabihin niya na mahal na rin niya ako? Alam ko na magagalit si Yani at masasaktan siya. Hindi na kami nagkibuan ni Blake at hinatid ko na lang siya pauwi sa condo niya. "Thank you for this day..." Nakangiti niyang sabi. "Masaya ako na nakasama kita," sabi ko na lang. Bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa pisngi ko at tumakbo na siya palayo. Ngumiti na lang ako. Nahihiya na naman siguro siya. Umuwi na lang ako sa bahay... Pagdating ko ay sobrang seryoso ni mama na nakatitig sa akin. I kissed her cheek. Parang medyo naiinis din sa akin si papa. Napakunot na lang ang noo ko... "Hmmm... Hey, what happened?" Tanong ko. They both sigh... "Pumunta kanina dito 'yung manliligaw mo. Hinahanap ka..." Ay putek! Galing dito si Yani? Bakit 'di man lang siya tumawag sa akin. "A-Ano pong sinabi niyo?" "Edi syempre, sinabi ko na nag-date kayong dalawa ni Blake. 'Yun naman ang totoo diba? Hindi kita pagtatakpan," sabi ni mama. Napahawak na lang ako sa sintido ko. Patay... Hindi ko na alam ang dapat 'kong gawin. Yari ako nito kay Yani. Maglalakad na sana ako papasok sa kwarto pero biglang nagsalita si papa. "Halatang nalungkot si Yani kanina. Lagot ka Luther, siguradong nasaktan 'yun sa'yo..." Patay talaga ako... Tsk! Siguradong galit 'yun sa akin. Pumasok na lang ako sa kwarto at kinuha ko ang phone ko. Tawagan ko ba siya? Nakakainis naman kasi... Bakit ba kailangan na may masaktan na isa kapag may sinamahan ako sa kanilang dalawa? Aaarrrrggghhhh!!! I hate this love triangle! Bakit parang ako naman ngayon ang nasa tuktok? Kahit sino ang piliin ko sa kanilang dalawa, may isang masasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD