Chapter 16: Awkward

2132 Words
Naalimpungatan ako... Grabe, ang sakit ng ulo ko! Pagdilat ko ay nagulat ako dahil nasa ibang room pala ako. "Where am I?" Tinangka 'kong bumangon pero nakaramdam ako ng matinding sakit mula sa balakang ko. The heck! What happened to me? Pinilit 'kong bumangon at nagulat ako dahil wala pala akong saplot. Kinilabutan na ako... Tang*na! Anong nangyari sa akin? Tumingin ako sa gilid at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yani. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansin ko na hubo't hubad din siya. Napanganga na lang ako. Takte! Anong nangyari? Sinubukan ko na alalahanin kung paano kami napunta sa kwartong ito. "Let's play the fire truck game!" "Fire truck game?" "My hand will touch your body but if you want me to stop, just say red light." "Aaaahhhhh hmmmmm..." "Red light!" "Fire truck doesn't stop in red light..." Halos mapasigaw ako! Buti na lang at natakpan ko ang bibig ko dahil baka magising si manyak! Tang*na talaga! May nangyari sa aming dalawa? What the heck? Pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Pinagsamantalahan niya ang kagwapuhan ko! King*na! Bakit hinayaan ko na may mangyari sa aming dalawa? "Ahhhh... Tuloy mo lang, sarap!" Puuttttt***ng iiiiiiinnnnaaa!!! Napaka-tanga ko talaga! Nagpa-ubaya ako dito sa manyakis na 'to! Pakiramdam ko, nabawasan ang pagkalalake ko! Tumayo na ako at nagulat ako dahil sobrang hapdi ng likuran ko! Hala! Si-Sino ang bottom sa aming dalawa? "T-Teka! 'Wag mo sabihing ipapasok mo 'yan? Hindi ko kaya!" "Dadahan-dahanin ko lang, trust me, mababaliw ka sa sarap..." A-Ako? Bakit ako? Tang*na talaga! Matatanggap ko pa sana na may nangyari sa amin pero bakit ako ang bottom? Tumakbo na lang ako papunta sa banyo kahit masakit ang katawan ko at naligo ako ng mabilis. Habang naliligo ay may tumulo na puting likido sa mga binti ko mula sa likuran ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko! Napasigaw na lang ako! "Ang baboy!" Teka, bawal pala akong mag-ingay at baka magising si manyak. Binilisan ko lang ang pagbihis kahit pinunit niya ang long sleeves ko. Buti pwede pa namang isuot. Nagmadali na akong lumabas sa kwarto. Nasa hotel pala kaming dalawa. Letse! Sigurado akong pagtatawanan ako ni manyak kapag nagkita kami ulit! Takte... Anong gagawin ko? Pag-uwi ko sa bahay ay tulog pa yata sila mama. Nagpahinga na lang ako saglit at uminom ako ng pain killer dahil masakit talaga ang katawan ko. "T-Teka! 'Wag mo sabihing ipapasok mo 'yan? Hindi ko kaya!" Hala! Bakit naaalala ko pa rin? Sh*t! Ayoko nang maalala! Calm down Luther! 'Yung nangyari, wala lang 'yun. Top ka pa rin... Kalimutan mo na lang ang kababuyan na 'yun. It's no big deal... Tama, dapat kalimutan ko na lang. Maya-maya ay pumasok na ako sa trabaho. Kinakabahan ako dahil baka makita ko si Yani. Nakakahiya grabe! Hindi ko inasahan na sa buong buhay ko ay gagawin akong bottom! Dapat talaga, hindi ako sumama sa kanya! Pero sabagay, nung nakita ko ang results ng test sa kanya, wala naman siyang STD. Malinis naman siya. Pero kahit na! Hindi dapat na may nangyari! Pagbukas ng elevator ay nagulat ako dahil biglang tumambad sa akin si manyak. Nanlaki na lang ang mga mata ko. "Good morning, my hottie doctor!" Nakangiti niyang bati. Napaiwas na lang ako ng tingin at hindi na ako sumakay sa elevator. Nagulat ako dahil bigla niya akong hinatak papasok sa loob at isinara na niya. Pull yourself together, Luther. Stay cool and handsome! 'Wag 'kang magpaapekto sa nangyari sa inyo! "Hmmm... Luther, chicharon ka ba?" Tanong niya. Kailangan 'kong sumagot! Kailangan, ipakita ko na wala lang sa akin 'yung nangyari kahit first time ko! "Bakit naman?" Seryoso 'kong tanong. Lumapit siya sa akin at naramdaman ko na naman ang mainit na hininga niya sa batok ko. "Ang ingay mo kasi nung kinakain kita..." Nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko ay kasing pula ko na ang kamatis dahil sa sobrang hiya. I heard him laugh a little... Ito na nga ba ang sinasabi ko! Tuwang-tuwa siya na nakuha na niya ang gusto niya sa akin! "Hmmmm... I'm so happy because you used the perfume that I gave you." Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang siya sa akin. Oo nga pala, ginamit ko na ang pabango. Sayang naman, mamahalin 'yun eh! "You're so quiet... Magsalita ka naman, my hottie doctor!" Napalunok na lang ako. Hindi ko alam ang dapat 'kong sabihin. Sobra akong nahihiya sa sarili ko dahil sa nangyari sa aming dalawa. "Hmmm... 'Yung nangyari sa atin-" Inunahan ko na siya bago pa niya tapusin ang sasabihin niya. "Wala lang 'yun! Kalimutan mo na. It's no big deal for me. Hindi ko naman ginusto," seryoso 'kong sabi. "No big deal? Alam ko kaya na first time mo ako. Ang sikip mo kaya..." Natatawa niyang sabi. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako dahil sa sobrang hiya. Parang gusto ko na lang ma-dissolve dito sa elevator. "Ah basta! Hindi ko nagustuhan! Sure naman ako na pinilit mo lang ako!" Inis 'kong sabi. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at rinig ko na natatawa siya. Maya-maya ay may narinig ako mula sa phone niya. "I know that you're just drunk right now. I think you'll kill me kapag natauhan ka na..." "No I won't! I promise!" "Do you really want me to continue?" "Yes! Please continue Mr. Yani!" Napatingin tuloy ako sa phone niya at may video pala ako. Nanlaki na lang ang mga mata ko. "You see? Hindi kita pinilit hahahah." Inagaw ko ang phone niya at binura ko ang video. Walang hiya ka talaga! "Hmmm... Actually, may copy pa ako niyan sa laptop, hard drive and flash drive ko..." Hinablot niya ang phone niya mula sa kamay ko. Napakagat na lang ako sa labi ko at hiyang-hiya na talaga ako. Ang tagal naman ng elevator na ito! Bakit ba kasi maraming floor sa hospital na ito? Parang gusto ko na lang mag-evaporate. "Don't worry, secret lang natin 'yun. Basta, 'wag mo akong iiwasan ha?" Hindi ko na siya pinansin. Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap mula sa likuran ko. "Hoy! Ano ba? Bitawan mo nga ako!" Inis 'kong sabi. Sinandal pa niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakayakap ng mahigpit. "No, I won't! Promise me first! 'Wag mo na akong iiwasan ha?" Takte... Ayoko na ngang makita ka dahil naaalala ko 'yung katangahan ko! Anong klaseng lalake ka ba? "Let me go!" I shouted. "Not until you promise..." He said seriously. Pumapalag ako sa kanya pero malakas talaga itong si manyak kaya wala na akong magagawa. Tumingin ako sa taas at malapit nang bumukas ang elevator. Kinabahan na ako bigla. "Oo na! Hindi kita iiwasan!" Sigaw ko. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at bigla niya akong hinalikan ng mabilis sa pisngi. "You're so cute, my hottie doctor..." He said while smiling. Bumukas na ang elevator at maraming tao ang tumambad. Nagmadali na akong lumabas kahit masakit talaga ang katawan ko. Naramdaman ko na lang na sinusundan niya ako. "Kain tayo mamayang lunch..." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko na siya pinansin. Hiyang-hiya na talaga ako. Hindi ko alam ang dapat 'kong gawin. I'm such an idiot! "Hey... You promised! Sabi mo, hindi mo ako iiwasan!" Inis niyang sabi. I don't care... Hindi ko naman alam ang dapat 'kong gawin. Sobra akong nahihiya kapag nandiyan siya. Parang tumatayo ang mga balahibo ko. Naglakad na lang ako sa hallway at napansin ko na huminto siya. "Kapag 'di mo ako pinansin, isisigaw ko dito sa hallway na may nangyari sa atin kagabi!" Nanlaki na ang mga mata ko at tumakbo ako pabalik sa kanya. "Hey! You can't do that!" Kabado 'kong sabi. "Yes, I can! Wala namang mawawala sa akin eh! Gustong-gusto ko kaya 'yung nangyari sa atin!" Seryoso niyang sabi. Tumingin muna ako sa paligid at hindi naman kami napapansin ng mga tao kaya siguro, ok lang. "Ano ba kasi ang gusto mo?" Inis 'kong tanong. He smiled at me... "Kain tayo mamayang lunch doon sa office ko," nakangiti niyang sabi sabay kindat. Umalis na siya... Grabe, pakiramdam ko ay kontrolado na niya ako. Wala na akong magagawa. Nakakainis naman, I never felt so submissive like this before. Nagtrabaho na lang ako at hindi talaga ako makapag-focus. Maya-maya ay may pumasok na bigla sa office ko. "Hi Dr. Luther!" Si Blake pala... Lalo akong nahiya. Paano ko sasabihin sa kanya na may nangyari sa amin ni Yani? Grabe, nakakahiya kay Blake. Gusto ko pa naman siyang ligawan. Sira na ang mga pangarap ko para sa aming dalawa dahil kay manyak! "Hmmm... Are you ok?" Nag-aalala niyang tanong. "Of course I am!" Sabi ko sabay ngiti ng pilit. "Ok... Sabi mo eh. Actually, I have something for you!" Nakangiti niyang sabi. Nakita ko na lang ang box na cake na dala ni Blake. Pinilit ko pa rin na mapangiti kahit hiyang-hiya talaga ako sa kanya. "I ordered a cake from Dwayne's mom; for you. Diba favorite mo ang cake na gawa ng mama ni Dwayne?" Nakangiti niyang tanong. Tumango na lang ako at pinilit ko pa rin na ngumiti. Sorry Blake, hiyang-hiya talaga ako sa'yo. Hindi ko alam kung dapat pa ba na ligawan kita. "Thank you..." Sabi ko na lang. Nginitian na lang niya ako. Blake, ayokong mapalitan ng mga luha ang mga ngiti mo. Ayokong makasakit ng taong kagaya niya. "Hmmm... Sige na, I know you're busy. Focus ka lang sa trabaho mo, Dr. Luther! I have to go," masaya niyang sabi. Pag-alis niya ay napasampal na lang ako sa mukha ko. Grabe, nakakahiya talaga kay Blake. Alam ko na sobrang masasaktan ko siya. Lumipas ang mga oras at dumating na ang kinatatakutan ko. "Lunch time na, my hottie doctor!" Speaking of the devil... Nandiyan na siya kaagad at sobrang saya pa niya. Napakunot na lang ang noo ko. Parang hindi niya inaalala si Blake na kaibigan niya ah! Nakakainis naman itong si Yani! Parang chill na chill lang siya. Sumunod na lang ako sa kanya at maraming pagkain sa loob ng office niya. Mukhang nag-order pa talaga siya. Kaming dalawa lang naman ang kakain. "My hottie doctor... Subuan na kita," masaya niyang sabi. "May kamay ako..." Sabi ko na lang. "Sige na, 'wag 'kang kill joy! Love lang naman kita eh!" Natatawa niyang sabi. Sinubuan na lang niya ako ng pagkain at kumunot na ang noo ko. Napatitig na lang ako sa kanya. Bakit sobrang saya mo? Tuwang-tuwa siya habang sinusubuan ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat 'kong maramdaman. "Luther, lamesa ka ba?" Tanong niya. Kumunot na lang ang noo ko... "Bakit na naman?" Inis 'kong tanong. "Kasi, ang sarap mong patungan," sabi niya sabay kindat. Napaubo tuloy ako bigla dahil nabilaukan ako. Nagmadali siyang kumuha ng juice at pinainom na niya kaagad ako. "Nabilaukan ka? Ang galing mo kaya sumubo..." Natatawa niyang sabi. Tang*na ka! Parang awa mo na! 'Wag mo naman ipaalala sa akin ang bangungot na 'yun! Huminahon na lang ako. Walang mangyayari kung palaging mainit an! ulo ko. Pero kasi, nakakailang naman talaga! "Hmmm... Matanong nga kita, bakit mo ba ginagawa lahat ng ito?" Seryoso 'kong tanong. "Is it not obvious? Gusto nga kasi talaga kita! Ewan ko kung bakit pero gusto kita!" Inis niyang sabi. Kumunot na lang ang noo ko... "May nangyari na sa atin. Nakuha mo na ang gusto mo. Baka pwede naman na tantanan mo na ako?" Parang nasaktan siya dahil sa sinabi ko. Kitang-kita ko 'yun sa mga mata niya. "Ganun lang ba ang tingin mo sa akin? I'm more than what you think I am! Hindi ako titigil hanggang sa magustuhan mo rin ako!" Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya sa akin? Bakit ako? Naguguluhan ako kay Yani. "Marami namang iba diyan, bakit ba kasi ako pa?" Tanong ko. "You think I am a person who can love anyone? Well, I'm not! Sorry ah, pero kasi nakakasakit 'yung mga sinasabi mo. Hindi mo pa ako kilala kaya gusto ko na makilala mo pa ako at my best; and even at my worst! Gusto kita kaya ako nagpapakatotoo sa'yo!" Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Ngayon, sigurado na ako na talagang gusto niya nga ako. "S-Sorry..." Sabi ko na lang. He sigh... "I want you to know my whole being. Gusto ko, mahalin mo rin ako kung sino at ano ako..." Napahinga na lang din ako ng malalim. Talagang gustong-gusto niya ako. Hindi ko alam na seryoso pala talaga siya. All this time, akala ko kasi gusto niya lang akong pagtripan at paglaruan. "Paano si Blake?" Seryoso 'kong tanong. Napatitig na lang siya ng seryoso sa akin. Hindi ko mabasa sa mga mata niya ang iniisip niya. "Masasaktan siya kapag nalaman niya na may nangyari sa atin," sabi ko. He sigh... "Tanggap niya na hanggang kaibigan lang ang kaya 'kong ibigay sa kanya. Kilala ko si Blake, mabuti siyang tao." "Pero kahit na! Ayokong makasakit ng iba! Ayokong may masaktan ng dahil sa akin!" Sabi ko. Ngumiti siya... "I know you're that kind... That's why I'm liking you more and more everyday," he said while smiling. "I'm serious here, ok?" Inis 'kong sabi. "I'm serious too!" Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nginingitian niya lang ako habang tinititigan ang mga labi ko. "Sometimes, you need to fight for the one that you love. I'm a fighter so I will fight for you by all means..." Napalunok na lang ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-seryoso sa akin. Bakit Yani? Bakit ganyan ka sa akin? Ano ba ang nagustuhan mo sa akin? Hindi ko talaga alam ang dapat 'kong maramdaman. May pag-asa kaya na magustuhan din kita? Tinitigan ko na lang siya... Hindi ko pa kasi makuha kung anong klaseng tao ka ba talaga, Yani Martinez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD