Chapter 17: Dishonor

2083 Words
Nandito ako ngayon sa bahay at naglalaro ako ng billiards. Kasama ko ang mga pinsan ko na si James at Raypaul. They are all stable in their lives. "Musta na ang buhay, insan?" Tanong ko kay Raypaul. "It's so good... Masayang-masaya ako at alam mo naman siguro kung bakit," nakangiti niyang sabi. Napatitig naman ako kay James. May naisip ako bigla. I laughed a little. Napahinto tuloy siya sa pag-shoot ng bola ng billiards at tumitig siya sa akin ng seryoso. "Hey, anong tinatawa-tawa mo diyan?" Tanong sa akin ni James. "Hmmm... May itatanong lang ako sa'yo, sana 'wag mong masamain. I'm just really curious," I said seriously. "What is it? Close naman tayo. Just ask anything you want to know," he said. I bit my lip... Medyo nahihiya ako. Ok, be brave Dr. Luther Velasco! Kailangan ng kasagutan sa curious 'kong utak. "Hmmm... Top ka naman diba?" Alanganin 'kong tanong. "Yeah! Sinabi ko naman 'yun sa inyo dati, diba?" Actually, bisexual kaming magpipinsan. Stable na ang buhay nilang dalawa at may kanya-kanya silang love story. "I'm just curious, mas borta sa'yo si Rogue, diba? Parehas kayong top. How about in s*x? Tingin ko kasi, imposible na wala pang nangyayari sa inyo hahahah." Napakagat siya bigla sa labi niya dahil sa sinabi ko. Medyo nahiya yata si James hahahahah. "Oo nga insan! Ang dami mo pa namang babae noon! Hahahah! 'Wag mo sabihing, bottom ka na ngayon?" Natatawang sabi ni Raypaul. "Hey! Hindi ako bottom ah!" Inis niyang sabi. "Sure naman ako na hindi rin bottom si Rogue! Hahahah mas marami pa nga ang muscles niya kaysa sa'yo!" Natatawa 'kong sabi. He sigh... "Honestly, we decided to become versatile. You know, minsan ako ang top; minsan siya. Ganun naman diba? Hindi naman importante kung top or bottom kayo parehas as long as you love each other. You can always find a way..." Ok... Good choice! I still can't picture it out. So, nagsusubuan din ba sila? Dapat ba itanong ko? Parang hindi na appropriate hahaahah. "So, magaling ka na sigurong sumubo ngayon? Hahahahah!" Nagulat ako dahil sa tanong ni Raypaul kay James. Baliw talaga ang mga pinsan ko hahahahah. "Hoy! Talented ako! Hahahahah. Baka gusto mong bigyan pa kita ng tips," sabi ni James kay Raypaul. "No need! Hahahah si Luther na lang ang turuan mo!" Sabi ni Raypaul sabay tawa. Hey! Marunong kaya akong sumubo! "Don't just look at it. Lick and suck my lollipop..." Ay putek! Naalala ko na naman 'yung nangyari sa amin ni Yani! Kaasar! Naiinis na ako sa utak ko! "Uy insan! Bakit natahimik ka diyan? Parang may hindi ka sinasabi sa amin," sabi ni James sa akin. Natauhan tuloy ako bigla. Nakakainis talaga si manyak! Bigla na lang siyang sumusulpot sa utak ko. "W-Wala! Maglaro na lang tayo ng billiards!" Kabado 'kong sabi. Nagkatinginan pa si James at Raypaul. Ok, mukhang nakakahalata na sila. Nakakahiyang mag-kwento na naging bottom ako, kaasar! Ako na ang titira sa billiards. Habang naglalaro ako, nagbulungan pa silang dalawa pero narinig ko. "Pansin mo ba, ang weird ngayon ni Luther." "Oo nga, parang hindi na siya comfortable sa usapang lalake." Itinutok ko sa kanila ang stick ng billiards kaya nagulat silang dalawa. "Kung magbubulungan kayo, siguraduhin niyo na hindi ko maririnig!" Inis 'kong sabi. Nagtawanan tuloy silang dalawa. Ano na naman ito? Nababaliw na rin ba kayo? "Ang weird mo na kasi! Hahahah. Wala ka pa namang pinapakilala sa amin na bago mong nililigawan!" Sabi ni James. "Oo nga! Umamin ka nga, may experience ka na ba?" Tanong ni Raypaul. Takte! Hindi ako makasagot! Mabuti na lang at hindi nag-kwento si mama sa kanila na pumunta dito si Yani. Gusto ko sanang ligawan si Blake kaya lang, hiyang-hiya ako sa kanya. Wala akong mukha na maihaharap sa kanya dahil sa nangyari sa amin ni Yani. "Uy! Ang weird mo na talaga!" Sabay nilang sabi. Biglang sumulpot si mama at may dala siyang meryenda para sa amin. Kumunot ang noo ko dahil apat ang juice at cakes. Tatlo lang naman kami. "Mama, alam 'kong magaling ka sa math dahil mana ako sa'yo. Bakit apat ang meryenda eh tatlo lang kami dito?" Tanong ko. Tumitig sa akin si mama. She smirked... Takte! Parang nakakatakot ang ngiting 'yan mama! "Anak! Nandito 'yung manliligaw mo." "Good afternoon, my hottie doctor!" Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Yani. Nanlaki bigla ang mga mata ko. Nagkatinginan na lang si James at Raypaul. Oh god! It's not good! Jusko po! Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako! "Enjoy kayo dito, mga anak!" Sabi ni mama at umalis na siya. "Ehem! Hindi mo naman na-kwento sa amin na may manliligaw ka na pala, insan!" Inis na sabi ni James. "Ang selfish ah! Akala ko pa naman, close tayong tatlo dito," sabi naman ni Raypaul. Natameme na lang ako... Kingina talaga! Bad timing ka talaga palagi Yani! Nakakainis ka talaga! "Hmmm... Calm down, handsome guys! By the way, I'm Yani Martinez and I am the love of his life," sabi ni Yani sabay kindat sa akin. Napasampal na lang ako sa mukha ko. Parang tanga ka talaga Yani! Letse ka talaga! "Hmmm... We're Luther's cousins. I'm James Velasco." "And I'm Raypaul Velasco. You look familiar to me..." Halatang nabigla si Yani dahil sa sinabi ni Raypaul. Ano 'to? May something ba? "Nice to meet you guys! Sorry kung naabala ko kayo ngayon. Miss na miss ko lang talaga itong hottie doctor ko," sabi ni Yani sabay akbay sa akin. Siniko ko na lang siya ng malakas sa giliran kaya napaubo siya. Ayan! Gusto mo 'yan diba? Nakita mo rin ang hinahanap mo. "He's a sadist..." Sabi ni Yani habang umuubo. "Ok, please explain to us what is happening here! Naguguluhan na ako," sabi ni James. "Yeah... Luther, bakit wala ka yatang naku-kwento sa amin tungkol sa..." Napatitig pa si Raypaul kay Yani bago siya magsalita ulit. "Tungkol sa manliligaw mo!" Kaasar! Hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa kanila! Naiiyak na ako. Grabe, nakakahiya talaga! "Ok, ako na ang magkukwento sa kanila ng love story natin, my hottie doctor!" "Love story? Hindi naman tayo ah! Tumigil ka na nga!" Inis 'kong sabi kay Yani. "Ang sungit naman ng hottie doctor ko. Pa-kiss nga!" Hahalikan na sana niya ako sa pisngi pero hinarap ko na ang kamao ko sa mukha niya kaya tinawanan na lang niya ako. "Ok... Guys, sa totoo lang hindi ko boyfriend 'to! Sobrang kinukulit niya lang talaga ako!" Inis 'kong sabi. "Pero nililigawan ko siya," sabi ni Yani sa mga pinsan ko. "Please shut up!" Sigaw ko kay Yani. Tinatawanan niya lang ako at napatakip na siya sa bibig niya. Yani, bakit ba gustong-gusto mo na asarin ako palagi? "Guys, I'm sorry kung wala akong na-kwento sa inyo. Nahihiya kasi talaga ako. I don't know how to start. Sobrang kinukulit niya lang kasi talaga ako," nahihiya 'kong sabi. "Ok, basta sabihin mo sa amin lahat ng details..." Sabi ni Raypaul. "Ikaw naman, anong nagustuhan mo dito kay insan?" Tanong ni James kay Yani. "Hmmm... He's so stubborn and I love it so much! Ewan ko ba, ang lakas ng dating sa akin nitong pinsan niyo," sabi ni Yani at kinindatan na naman niya ako. Halatang nagpipigil ng tawa sila James. Nakakahiya talaga... Gusto ko nang lamunin ng lupa. Wala akong choice at nai-kwento ko sa kanila ang lahat ng wala sa oras. Ayoko rin naman talaga na may tinatago sa mga pinsan ko dahil buddies kami. Kahit nakakahiya, sinabi ko sa kanila 'yung mga kamanyakan na ginagawa sa akin ni Yani. Tinatawanan lang ako ng mga pinsan ko habang nagku-kwento ako. Si Yani naman, nagpapa-cute lang sa akin. "Oh, baka may iku-kwento ka pa insan," sabi ni Raypaul. "Oo nga hahahah grabe ah! Baka naman may tinatago ka pa sa amin!" Sabi ni James. "Ah, wala na!" Sabi ko. "Hey! You didn't tell them about what happened to us!" Napatitig na lang ako kay Yani at pinangdilatan ko siya ng mata. Yani, please! 'Wag mong sabihin! Parang awa mo na talaga! "Spill it out!" Sabay na sabi nila James. "Wala! Na-kwento ko na lahat!" Kabado 'kong sabi. "May nangyari na sa aming dalawa!" Masayang sabi ni Yani. Napasampal na lang talaga ako sa mukha ko. Walang hiya ka talaga Yani. Habang ako ay hiyang-hiya, ikaw naman proud na proud pa! "Really? Sino ang bottom?" Gulat na tanong ni Raypaul. Tumitig sa akin si Yani at nginitian niya ako. Grabe, nakakahiya na talaga. Parang maiiyak na ako. "What the! Hahahahah bottom ka na pala insan! Kaya pala curious ka kanina ah!" Natatawang sabi ni James. "Oo! Ang galing nga sumubo nitong hottie doctor ko! Sobrang nag-enjoy talaga ako!" Proud na proud na sabi ni Yani. Nagtawanan bigla si James at Raypaul. Sige! Tawa lang! Ang saya niyo ah! I really want to drop some cyanide on their food! Pinagtutulungan niyo talaga ako! Kung may kutsilyo dito, baka ginilitan ko na bigla itong si manyak. Tuwang-tuwa talaga siya habang sinisira niya ang manly image ko. "Guys, lasing lang talaga ako noon. Nilasing ako nitong manyakis na 'to!" Inis 'kong sabi. "Ha? Pumayag ka naman na malasing. Gusto mo rin eh! Hahahahah!" Sabi ni Raypaul. "Oo nga! Pero kasi, mahina talaga sa inuman itong si Luther ahhahah," sabi naman ni James. "Tigilan niyo nga ako! Wala kayong discount sa hospital kapag 'di pa kayo tumigil diyan!" Inis 'kong sabi. "Well, ako ang may-ari ng hospital," natatawang sabi ni Yani. Oo nga pala... Ang tanga ko! Nagtawanan na naman sila. Ang saya niyo talaga no? Ang sarap niyong itumba! "My hottie doctor, kailan mo ba gusto na mag-s*x ulit tayo?" Masayang tanong ni manyak. "Letse ka! Kapag 'di ka pa tumahimik, puputulin ko na 'yang pagkalalake mo!" Sigaw ko. "Really? Paano 'yun? Edi wala ka nang lollipop? Ang laki pa naman nito," sabi niya at bigla niyang nilagay ang kamay ko sa pagkalalake niya. Nagulat ako pero binawi ko kaagad ang kamay ko. Tumahimik na lang ako. Walang hiya ka talaga Yani Martinez! Sobrang saya nila habang pinagtatawanan ako. Kung bata lang ako, malamang kanina pa ako umiyak. Hindi ko na talaga kaya! It's a total humiliation! Winalang-hiya nila ako! Maya-maya ay biglang may tumawag kay Yani. Mukhang may emergency siya. "Guys... I'm sorry, may board meeting daw sa hospital. I want to hang out with you guys but I really have to go," nag-aalalang sabi ni Yani. "It's ok... We enjoyed talking to you," sabi ni James. "Yeah, next time kailangan natin mag-bonding. Natutuwa kami sa'yo," sabi ni Raypaul. "Oh... Thank you guys!" Tumitig na naman sa akin si Yani... "Bye, my hottie doctor! Gusto mo, sama ka na lang sa akin? Ikaw naman ang wife ko in the future!" "Gusto mo gilitan ko 'yang leeg mo?" Inis 'kong sabi. "Ang sungit talaga ng hottie doctor ko! Bye bye na! Tawag ka lang kapag miss mo na ako!" Masaya niyang sabi. "Yani, alam mo ba ang salitang hiya? Kailan kaya kita tinawagan? Wala akong maalala!" "Wala akong hiya kasi proud na proud akong mahal kita!" Bigla niya akong ninakawan ng halik sa pisngi at tumakbo na siya bago ko pa siya masuntok! Nakakainis talaga! "Bye na, my hottie doctor!" Umalis na siya... Nakahinga din ako ng maluwag pero sinira na talaga niya ang araw ko. Nakakainis ka talaga! I glared at my cousins... They are just laughing at me. "Ang sweet niya naman sa'yo!" Natatawang sabi ni James. "Yeah... Wife na wife ang treatment! Hahahahah," sabi naman ni Raypaul. I rolled my eyes. Nag-walk out na ako. Nakakainis talaga! Ibang klase talaga si Yani! Napaka-walang hiya niya! Umupo na lang ako sa may swimming pool at nilublob ko ang mga paa ko sa tubig. Ganito ako kapag sobrang bad trip. Nakakairita talaga sila! Nagulat ako at pinagitnaan ako ng mga pinsan ko at ginaya nila ang ginagawa ko. Sabay pa nila akong inakbayan. "Please insan, 'wag ka nang magtampo!" Sabi ni James. "Oo nga, tanggap ka naman namin kahit bottom ka na ngayon hahahah," sabi ni Raypaul. "Kung iinisin niyo ako ulit, lulunurin ko na kayo," inis 'kong sabi. Napatawa na naman silang dalawa. Nakakainis talaga eh! Pati nga pinsan ko, pinagti-tripan na ako. "Honestly, insan... Bagay naman kayong dalawa ni Yani," sabi ni James. "Oo nga... Ang sweet nga niya sa'yo eh. Tignan mo, kahit palagi mo siyang sinusungitan kanina, talagang nagpapapansin siya sa'yo," sabi ni Raypaul. "Yeah, and think of it! Base sa mga kwento mo, halatang gustong-gusto ka talaga niya," sabi ni James. "Guys pwede ba, kilabutan nga kayo! Hindi ko siya type!" Inis 'kong sabi. "Hindi ko rin naman insahan na magkakagusto ako noon sa lalake," sabi ni Raypaul. "Ako nga babaero dati, diba?" Sabi naman ni James. Oh tapos? Pati kayo pinupush na rin ako kay manyak? "Insan, we can see that he has a very strong fighting spirit. Hindi siya titigil hangga't hindi ka rin nagkakagusto sa kanya." "Yeah... Sure kami na balang araw, hahanap-hanapin mo rin 'yung mga ginagawa niya sa'yo. We can feel that he only want you to love him. Wala namang masama kung bibigyan mo siya ng chance diba?" Ewan ko... Ang alam ko lang ay inis na inis talaga ako kay Yani. He is an insane pervert! Hindi ko inakala na makakatagpo ako ng taong kagaya niya. Hindi naman kasi talaga madali kahit bigyan ko pa siya ng chance. Mabuti sana kung walang taong maiipit o masasaktan diba? Paano si Blake?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD