Chapter 11: Falling?

1998 Words
Nasa hospital pa rin ako at naalimpungatan na ako. Napatingin ako sa orasan at hating-gabi na pala. Inaantok pa ako pero parang gusto 'kong kumain. Pagtagilid ko sa kama ay may naramdaman ako bigla na yumakap sa akin. Napangiti na lang ako. Ang sweet talaga ni Blake! Gabi na pero binabantayan niya pa rin ako! Pumikit na lang ako at niyakap ko rin siya. Mas masarap matulog ulit dahil nakayakap sa akin si Blake. Hinimas ko ang mga braso niya. Ang tigas din pala ng muscles ni Blake! "Thank you for being here, with me..." Parang naalimpungatan siya dahil sa sinabi ko. Nakapikit lang ako habang nakayakap sa kanya. "You're always welcome-" "My hottie doctor..." Napadilat ako bigla at nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. What the! Pagtingin ko sa taong niyayakap ko ay si manyak pala! Sa sobrang gulat ko, bigla ko tuloy siyang naitulak kaya nalaglag siya sa kama. Aatakihin yata ako sa puso! "Aray naman!" Gulat na gulat ako... What in the heck? Siya pala 'yung kanina ko pa niyayakap. Bakit? Kadiri! Nakakakilabot! Hindi pa siya tumatayo. Mukhang masama ang pagkakabagsak niya. Namimilipit siya sa sakit. Tsk! Ginugulat mo kasi ako eh! 'Yan tuloy, naitulak kita! "Hey! Are you alright?" I asked. He didn't answer... Mukha ngang namimilipit siya sa sakit. Patay, kasalanan ko 'to! Bumangon na ako at nag-crouch ako sa harapan niya. Ikaw naman kasi, palagi ka na lang nanggugulat. "Uy... Sorry, 'di ko sinasadya na itulak ka. Nagulat lang kasi ako. Pasensya na, anong masakit sa'yo?" He looked at me... "My arm..." Tinaas ko ang sleeve niya at medyo namumula nga ang braso niya. Ayan, kasalanan ko pa tuloy! "I'm sorry, hindi ko sinasadya. Halika, umupo ka muna sa kama..." Inalalayan ko na siya. Pinaupo ko na lang siya sa kama. Oo, masungit din ako minsan pero hindi naman ako mapanakit. "Sorry ulit, ikaw naman kasi! Bakit nakayakap ka sa akin? Akala ko tuloy, ikaw si Blake," seryoso 'kong sabi. "Hindi naman siya night shift diba? Pinauwi ko na siya. Sabi ko, ako na muna ang bahala sa'yo..." Tinitigan ko siya sa mga mata. Grabe, seryosong-seryoso siya. Napalunok na lang ako. Bakit ganito? Hindi ako sanay na seryoso ka! "Just wait here, kukuha lang ako ng cold compress..." Umalis na muna ako. Naghanap ako ng pantapal sa braso niya. So, nandun pala siya dahil binabantayan niya ako tapos nasaktan ko pa siya. I feel bad... Nagmagandang-loob na nga 'yung tao tapos nasaktan ko pa. Kahit ok lang 'yun sa kanya, parang bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Ayoko kasi ng nakakasakit. "You see, I'm not a rapist. I just want your heart..." "I can be a gentleman if you want; pero sabi nga nila, maginoo pero sobrang bastos..." "You know, masarap akong magmahal and I think, you're the perfect person para paglaanan ko ng pagmamahal..." "Balang araw, mamahalin mo rin ako. Mark my word, Dr. Luther Velasco. Balang araw, kababaliwan mo rin ako..." "Honestly, I really mean what I told you before..." "Aaaarrrgggghhhhh!!!" Napasigaw na lang ako. Bakit ba naaalala ko 'yung mga sinabi sa akin ni manyak? Nakakainis naman! Naguguluhan ang utak ko! Sometimes, he's so serious and sincere but I don't know if he really mean it. Bumalik na lang ako sa room ni manyak. Pagbukas ko ng pinto ay napatitig na lang siya sa akin tapos ngumiti siya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nag-iba ang pakiramdam ko. Uminit bigla ang mukha ko. I hate this feeling! Nilagyan ko na lang ng cold compress ang braso niya. Tinititigan niya lang ako. Kaasar, 'yung titig niya, parang hinuhubaran ka na. "Ang sarap mo naman mag-alaga, my hottie doctor. Sabi ko na nga ba, nag-aalaa ka rin sa akin." Kumunot na lang ang noo ko. Nagsisimula na naman siya. Paanong hindi ako mag-aalala eh ako ang nakasakit sa kanya? Madalas talaga, ang hilig niya mag-ilusyon. "Ang swerte ko naman..." Napatitig na lang ako sa kanya... "At bakit?" Tanong ko. "Kasi ang sarap mo mag-alaga. Balang araw kasi, ako rin naman ang mamahalin mo." Diniin ko bigla ang cold compress sa braso niya kaya napasigaw siya. "Aaawww! Sadist lover ka talaga, my hottie doctor!" "Alam mo kasi, ako ang pasyente dito. May lagnat ako! Dapat, ako ang inaalagaan," sabi ko na lang. "Huh? Inalagaan kaya kita! Magdamag nga akong nagbantay kaya nga nakatulog ako sa tabi mo..." "Honestly, you don't have to do that. Nilagnat lang naman ako," seryoso 'kong sabi. "But I want to..." Bakit ganito? Ramdam ko na naman na totoo siya sa mga sinasabi niya. "Naisip ko rin, baka kailangan mo ng gamot mula sa akin," sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Ayan na naman siya! "Huh! Alam ko na 'yang linyahan na 'yan! Sasabihin mo, kailangan ko ng yakapsul at kisspirin!" Natatawa 'kong sabi. "Huh? Hindi ah..." Sabi niya. "Eh ano?" Nginitian niya ako ng nakakaloko at nilapit niya sa akin ang mukha niya. "Paracetamod..." Putek ka! Diniin ko ulit ang cold compress kaya napahiyaw siya sa sakit. Takte! Ang manyak talaga niya! Hinawakan niya bigla ang noo ko. Ngumiti na siya. Maya-maya ay bigla niya akong hinalikan sa noo kaya nagulat ako. "Bumaba na ang lagnat mo. Pwede ka na umuwi mamayang umaga," nakangiti niyang sabi. So kailangan, halikan pa ang noo ko? "Alam mo, hindi ka naman doctor or nurse. Hindi dapat ikaw ang nag-aalaga sa akin," sabi ko. "Ehem! I have a background in medicine. May-ari kami nitong hospital kaya may alam din ako kahit papaano." Tinitigan ko na lang siya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng uniform ng nurse! "Hey! Bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka naman nurse ah!" Sabi ko. He laughed a little... "Naisip ko kasi, baka nurse talaga ang type mo kaya nag-suot ako ng nurse uniform..." Ayan na naman, seductive na naman ang pagkakasabi niya. Tumayo siya bigla sa harapan ko at kumindat. "Tell me, ang hot ko diba?" Tumahimik na lang ako. Alam ko kasi na kapag nagsalita pa ako, hahanapan niya lang ako ng butas. Kilala ko na ang tricks niya. "Hmmm... Gusto mo ba kumain?" Tanong niya. "Hating-gabi na po. Masama kumain ng ganitong oras." Teka... Parang gutom ako. Doctor ako, alam ko na hindi healthy kumain ng ganitong oras pero, parang gusto 'kong kumain. "Hmmm... May conveniece store na malapit diyan. Gusto ko ng avocado ice cream," sabi ko. "Huh? Kagagaling mo lang sa lagnat tapos ice cream ang gusto mo?" Kumunot na lang ang noo ko... "Edi 'wag kung ayaw mo!" Humiga na lang ulit ako sa kama at nagkumot na ako. Maya-maya ay naramdaman ko bigla na tumabi siya sa akin at niyakap niya ako. "Gusto mo ba talaga ng ice cream?" Tanong niya. "Oo nga!" Inis 'kong sabi. Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko. Parang nakikiliti tuloy ako. "Kung gusto mo, 'yung ice cream ko na lang ang dilaan mo..." Napabangon tuloy ako bigla at pinaghahampas ko na siya ng unan. Ibang klase ka talaga! "Bastos ka talaga! Ang manyak mo!" Tinatawanan niya lang ako habang hinahampas ko siya ng unan. Nagulat ako dahil nahawakan na naman niya bigla ang mga kamay ko. Hala! Patay na naman ako nito! Ihiniga niya ako bigla sa kama at pinatungan na naman niya ako. Kinabahan na tuloy ako bigla. "Ang wild mo talaga..." Nilapit na naman niya ang mukha niya at nagulat ako dahil hinalikan niya ulit ang ilong ko. "Just wait for me, ok? Bibili lang ako ng ice cream mo..." Tumayo na siya... Jusko! Akala ko naman may gagawin ulit siyang masama sa akin. Lumingon muna siya sa akin bago niya buksan ang pinto. "Wala pa ngang nangyayari sa atin, naglilihi na agad ang asawa ko hahahahh!" Binato ko na lang siya ng unan pero naisara niya bigla ang pinto kaya hindi siya natamaan. Kahit kailan talaga! Alam na alam niya kung paano ako inisin! Pag-alis niya ay parang natahimik na lang bigla dito sa kwarto. Bakit? Parang kahit naiinis ako sa kanya, parang masaya naman na may kasama ako sa kwarto na 'to. Hay! Ewan ko! Tumitig na lang ako sa orasan at hindi talaga ako makatulog. Siguro kasi, ang haba ng tulog ko kanina. Ang tagal naman niya... Teka, sana nga hindi na siya bumalik kasi inaasar lang naman niya ako! "I'm here!" May dala na nga siyang gallon ng ice cream at avocado flavor. Kumunot na lang ang noo ko. "Bakit ang tagal mo?" Inis 'kong tanong. Napangiti tuloy siya bigla... "Bakit? Na-miss mo ba ako?" Hinablot ko na lang ang ice cream at binuksan ko na. Ayyy... Ang sarap nito, avocado flavor! "Sorry natagalan, inikot ko pa ang buong area para maghanap ng avocado flavor para sa naglilihi 'kong asawa." Sabagay, minsan nga walang avocado ice cream sa mga convenience store. "Ang dami naman nito... Teka, bakit walang kutsara?" "Hmmm... Share tayo kaya malaki na ang binili ko. Wait, may kutsara sa office ko." Umalis siya kaagad at pagbalik niya ay may dala siyang kutsara. "Bakit isa lang 'yan?" Tanong ko. He smirked... Sumandok na siya ng ice cream at tinapat niya ang kutsara sa bibig ko. Tinaasan ko na lang siya ng kilay. "Kuhaan mo ako ng isa pang kutsara. Ayokong makigamit ng kutsara sa'yo." "Uy... Share na lang tayo please! Ang layo kaya ng cafeteria tapos isa lang ang kutsara sa office ko. Napagod na nga ako maghanap ng avocado ice cream mo eh..." Hindi ko alam kung nagpapaawa lang ba siya sa akin. Sabagay, mukha ngang pinagod ko na siya. I'm way too much! "Ok... Ganito na lang, sige! Kung ayaw mo akong ka-share, sa'yo na lang itong kutsara," malungkot niyang sabi. Nagpapaawa ba talaga siya? "Oo na! Share na tayo ng kutsara!" Parang bigla na lang nagkaroon ng stars sa mga mata niya kaya kinabahan tuloy ako bigla. Sinubo ko na lang bigla ang ice cream sa kutsara niya. Kitang-kita ko na napangiti siya. Sinusubuan na lang niya ako ng ice cream. Napansin ko na nung siya na ang sumubo ng ice cream, parang ninamnam pa niya 'yung kutsara. "Indirect kiss..." Mahina niyang bulong sabay tawa. "May sinasabi ka?" Tanong ko. "Ah wala hahahah. Sabi ko, say aahhh my hottie doctor!" Sinubuan na naman niya ako. Kung tatahimik lang siya, magkakasundo naman talaga kami. "Hmmm... Nag-eenjoy ka ba na kasama ako ngayon?" Tanong niya. Kumunot na lang ang noo ko. Ok, inaamin ko naman na hindi siya boring kasama. I think it's better kung hindi ko na sasagutin ang tanong niya. "Ok... You don't have to answer. Ramdam ko naman, kahit kaunti, masaya ka na nandito ako," nakangiti niyang sabi. Ang lakas ng topak niya! Hindi tuloy ako makasagot at baka bigyan pa niya ng malisya kapag naging honest ako. "Hmmm... Luther, 'wag 'kang mag-alala. Hindi naman kita balak saktan, sa bed lang hahahah." Pilyo ka talaga... Na-realize ko lang, never naman niya ako hinalikan sa labi or hinipuan. Tingin ko, hindi siya kasing manyak ng iniisip ko. Or baka mas manyak pa siya? "Luther..." "Oh?" "Hmmm... Kahit hindi ako 'yung taong pinapangarap mo, sisiguraduhin ko na ako 'yung taong mamahalin mo ng sobra at kababaliwan mo, balang araw. Tandaan mo yan..." I just rolled my eyes... "Paniwalaan mo 'yan hangga't gusto mo. Seriously, magpatingin ka na sa psychiatrist. Malala ka na eh," natatawa 'kong sabi. "Uy... Seryoso kaya ako! Pwede ba na maging magkaibigan tayo? Masaya ako basta alam 'kong may lugar ako sa'yo." I sigh... "Pwede naman tayo maging magkaibigan basta 'wag mo akong masyadong inisin." He smirked... "Hahanap-hanapin mo rin 'yung pang-mamanyak ko sa'yo." Napaubo tuloy ako bigla. Ang lakas talaga ng fighting spirit mo, Yani! Kinuha niya ang phone niya at nag-play siya ng video. "Alam ko na hindi ka makatulog. Nood muna tayo ng movie," sabi niya. "Baka porn 'yan ah!" Sabi ko. "Request ba 'yan? Hahahah pwede naman kung gusto mo!" Natahimik na lang ako. Nag-play na ang movie at Coco pala 'yung title. "I love this animated movie. It's all about family..." He said while smiling. I found a soft spot in him. Kahit pala manyakis siya, hindi naman limited lang doon ang personality niya. Siguro, gusto lang talaga niya ng inaalagaan siya at binibigyan ng atensyon Kasi masyado siyang papansin! Nanuod na lang kami ng movie, napansin ko na lang na may sumandal sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya at nakatulog na pala siya. Hindi pa nga tapos ang movie eh. Tsk... Inayos ko na lang ang pagkakahiga niya at kinuha ko na ang phone niya. Napangiti ako bigla, picture ko pala ang wallpaper niya. I find it sweet. Tingin ko, sweet din naman pala itong si Yani. Siguro nga, hindi ko pa talaga siya kilala. Tinitigan ko na lang siya habang tulog. Ang gwapo niya pala talaga. Mukha siyang mabait kapag tulog. Inayos ko na lang ang buhok niya... "I enjoyed this day because of you..." I saw him smirked. What the! Gising pa kaya siya? Narinig niya kaya ang sinabi ko? Nataranta ako bigla kaya nagmadali akong humiga at natulog na ako. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa likod. "Good night, my hottie doctor..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD