Masayang-masaya ako hanggang ngayon dahil sa date namin kagabi ni Blake. Masaya ako dahil napapalapit na ang loob niya sa akin.
I can really feel that he is falling for me. Ang saya, kaunti na lang talaga at mamahalin na rin niya ako.
Nakaupo ako ngayon sa hallway ay tinitignan ko ang pictures namin ni Blake. Ang saya, nakakatuwa talaga. Bagay na bagay kaming dalawa.
"Good morning, my hottie doctor!"
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa sobrang gulat!
"Balak mo ba akong patayin?" Inis 'kong tanong kay manyak.
"Oh... Sorry, calm down hottie doctor. Maganda ang umaga, right?"
Kumunot na lang ang noo ko. Actually, sinira mo na agad ang umaga ko nang makita ko 'yang mukha mo.
I should respect him because he is my boss but I don't know how. Paano ko naman rerespetuhin ang tao na palagi akong binabastos?
"Hmmm... Hottie doctor, I have something for you!"
Ang saya mo ah? Ngiting-ngiti ka ngayon. Kahit masiyahin siya, sobra akong naiirita.
May kinuha siya sa tabi na paper bag at binibigay niya sa akin.
"Ano 'yan?" Seryoso 'kong tanong.
"Hmmm... Sorry gift? Pagpasensyahan mo na nga pala 'yung ginawa ko sa'yo noong isang araw..."
Napatitig na lang ako sa mga mata niya. Ayan, nag-iinarte na naman siya. Akala mo sincere pero hindi naman!
Nilapit niya bigla ang mukha niya sa akin. Ayan! Nagsisimula na naman siya! You're so predictable!
"Honestly, I really mean what I told you before..."
Kumunot na lang ang noo ko. Nagsisimula na ulit siyang sirain ang araw ko.
"Please take it... Galing France 'yan. Nagbakasyon kasi si Quin sa France kasama ng asawa niya. Pinabili ko sa kapatid ko. Para sa'yo talaga," nakangiti niyang sabi.
I sigh...
"You think I will take it?" I asked furiously.
"Sir Yani! Dr. Luther! Good morning!"
Napatingin na lang kami sa gilid at nandito pala si Dr. Gomez.
"Good morning po!" Sabay naming sabi ni manyak.
"Aba! Mukhang close na kayo ah!" Sabi ni Dr. Gomez.
Close? Kaming dalawa? Yuck! Nakakasuka!
"Actually, may binibigay nga po ako kay Dr. Luther as friendship gift!" Masayang sabi ni manyak.
"Oh? Bakit parang ayaw mong tanggapin, Dr. Luther? Ayaw mo ba sa gift ng boss natin?"
Kinuha ko na lang ang paper bag. Ayan... Nakahanap siya ng paraan para tanggapin ko 'yung regalo.
"Thank you," inis 'kong sabi.
"Alam mo Dr. Luther, parehas kayo ni Sir Yani na gwapo, magalang at mabait. Sigurado ako na magiging close talaga kayong dalawa."
"Ano? Magalang at mabait? Ito?" Gulat 'kong tanong sabay turo kay manyak.
"Yeah... Tinulungan niya nga ako na dalhin ang files sa 15th floor kasi inaatake na naman ako ng rayuma. Matulungin ang batang 'yan tapos mabait pa at magalang," nakangiting sabi ni Dr. Gomez.
Ganun? So, lahat ng tao ay sinasabi na mabait si Yani? Pero sa akin manyakis siya? Bakit?
Feeling ko, masusuka na ako...
"Oh sige na, mauna na ako. I have so many things to do," sabi ni Dr. Gomez at umalis na siya.
"Did you hear it? I'm a nice person daw. It means, pwede mo na akong ipakilala sa parents mo..."
I just glared at him...
"Inaatake ka na naman ng sakit mo sa utak! 'Wag ka ngang mag-ilusyon!"
"Calm down... Don't worry, hindi ko na uulitn 'yung ginawa ko sa'yo sa elevator at office. Medyo nainis lang talaga ako so I showed you what I'm capable of..."
Nakakainis... Never akong maniniwala na mabait ka! Hell no! Alam ko na sobrang manyakis ka!
"Dr. Luther, sorry ulit ah? Look! I can also be a nice person if you want. Just, don't pull the trigger," he said seriously.
Hindi ko alam ang dapat 'kong isipin tungkol sa kanya. Normal naman ang pakikipag-usap niyang ngayon at hindi niya pa ako binabastos.
"I know that you're different from everyone that I know. You have a special personality and that is making you more attractive in my eyes..."
Napatitig na lang ako sa mga mata niya. Bakit ganito? Parang tumagos sa kaluluwa niya ang tingin ko? Parang naramdaman ko na sobrang sincere siya sa sinabi niya.
Kasama ba 'to sa laro mo, Yani? Are you playing games with me? Baka gusto niya lang talaga akong mahulog sa kanya para ma-satisfy ang ego niya.
"You know, this is the second time that a person like you catches my attention. I want to know you more."
Kadiri naman! Bakit ganito siya ka-seryoso ngayon? Parang ewan...
"I may not look so serious but I really like you," seryoso niyang sabi.
"Yuck! Pwede ba? Tigilan mo nga ako sa mga ganyang banat mo haahhah. Hindi bagay sa'yo! Hindi ako sanay na seryoso ka," natatawa 'kong sabi.
"So you mean, mas gusto mo na binabastos kita?"
Ayan, nagsisimula na naman siya! Kumunot na ulit ang noo ko.
"I'm just kidding ahahahh..."
Nakakatuwa ba na pagtripan ako? Bakit? Formal naman akong tao at mataas ang pinag-aralan ko! Masaya ba na asarin ako?
"Paano Dr. Hottie, may gagawin pa ako. Just call me if you miss me..."
"Call you? Hahahah hindi mo nga alam ang number ko!"
Biglang naging seryoso ang mukha niya at tumitig siya sa akin.
"I have my ways..."
Umalis na si Yani. Ayan... Mabuti naman at nakahinga na ako ng maluwag. Actually, medyo nahihilo ako kanina pa.
Masama yata ang pakiramdam ko tapos dinagdagan pa ni manyak.
Tinignan ko na lang ang paper bag na binigay niya. Binuksan ko na at may magandang box sa loob. French ang nakasulat kaya hindi ko maintindihan.
May nakadikit din na sticky note...
•••
You smell so nice my hottie doctor; but I want you to try this one.
•••
Binuksan ko na ang box at pabango pala ang laman. Mukhang ngang mamahalin. Inamoy ko ang pabango at pati amoy, mamahalin din.
Naks! Marunong pumili ng pabango si manyak hahahah.
Maya-maya ay bigla na lang nag-ring ang phone ko. Unknown number pero sinagot ko naman.
"Nagustuhan mo ba ang pabango na niregalo ko sa'yo?"
Takte! Nakuha nga ni manyak ang number ko! Grabe, kanino naman niya kinuha ang number ko?
"Hey 'wag mo muna ibababa. Have a nice day!"
"Nag-iilusyon ka na naman! Iba-block ko ang number mo!" Inis 'kong sabi.
"I'm your boss... You can't do that! Hahahah sige na, ayoko nang abalahin ka my hottie doctor!"
Kumunot na lang ang noo ko. May point nga naman siya, boss ko pa rin siya at kailangan ko ang number niya.
Feeling ko, medyo nanghihina na ako. Kumain naman ako ng almusal. Siguro nga, masama talaga ang pakiramdam ko.
"Are you ok, Dr. Luther?"
Napatingin na lang ako sa tabi ko at nandito pala si Nurse Blake. Ngumiti na lang ako.
"Ok na ako, dahil nandito ka na..." Nakangiti 'kong sabi.
"Ikaw talaga! Mukhang masama ang pakiramdam mo tapos bumabanat ka pa ng ganyan!"
Hinawakan na lang niya ang noo ko...
"Kita mo na! Ang init mo kaya!"
Inalalayan na lang ako ni Blake. Amoy na amoy ko siya. Ang bango niya. Ang saya pala magkasakit hahahah.
"Sige... Magpahinga ka muna. Hahanap ako ng room dito sa hospital. Text ko na lang si Yani na kailangan mong magpahinga..."
"No! 'Wag mo siyang iti-text!" Kabado 'kong sabi.
"Hello? Boss pa rin natin siya kahit hindi kayo magkasundo..."
Ay hahahah oo nga! Madalas kasi, nakakalimutan ko na boss ko siya dahil sa behavior niya.
Dinala na lang ako ni Blake sa isang room at hinubad niya ang suot 'kong lab coat. Ihiniga na niya ako sa kama.
Haaayyy... Ang sarap naman mag-alaga ng nurse ko!
Inaalagaan niya talaga ako. Ayos din pala magkasakit haahhah. Ang sarap mag-alaga ni Blake. Feeling ko tuloy, love na niya ako hahahah.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya.
Umiling-iling na lang ako...
"Makita pa lang kita, busog na ako..."
"Ayan... Magpahinga ka nga Luther. Pasyente kita ngayon! Kukuha ako ng pagkain mo, lunch na kaya!"
"Wait lang!"
Aalis na sana siya pero nahawakan ko bigla ang kamay niya.
"Ano na naman?" Natatawa niyang tanong.
"Dito ka lang, ikaw kaya ang happy pill ko," sweet 'kong sabi.
"Ang kulit mo talaga hahahah. Bitawan mo na ako. Kukuha ako ng lunch mo," sabi niya.
"Kiss mo muna ako sa cheek..."
Nagpapa-cute na ako sa kanya. Napakagat na lang siya sa labi niya.
"Please..." Nagpapa-cute 'kong sabi.
"Bitawan mo na ako. I really need to get your lunch," nahihiya niyang sabi.
"Kiss muna please..."
He sigh...
Lumapit na siya sa akin at unti-unti na niyang nilalapit ang mga labi niya sa pisngi ko.
Bago pa lumapat ang mga labi niya ay humarap na ako sa kanya at hinawakan ko ang batok niya kaya sa lips niya ako nahalikan hahahah.
Halatang nagulat siya...
Namula bigla ang mukha niya at parang hiyang-hiya siya. Nginitian ko na lang siya hahahah. Yes! Nahalikan ko na si Blake ko! Hahahah ang saya talaga!
Parang nataranta siya tapos umalis na siya kaagad. Hahahah ang cute talaga ni Blake! Ang saya, nanakawan ko siya ng halik hahahah!
Babangon sana ako pero ang sakit pala ng katawan ko. Masama na nga ang pakiramdam ko. Hinintay ko na lang na bumalik si Blake.
Pagbalik niya ay may dala na siyang pagkain. Napangiti na lang ako.
"Kanina pa kita hinihintay," sweet 'kong sabi.
Namula na naman ang mukha niya. Sure ako na hindi mawala sa isip niya na hinalikan ko siya.
Sinubuan na niya ako. Tinititigan ko na lang si Blake habang sinusubuan niya ako. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
Sinusubuan niya ako pero hindi ako ngumanganga hahahah. May naisip na naman ako.
"Uy! Ngumanga ka naman. Sinusubuan na nga kita eh," nahihiya niyang sabi.
"Kiss muna ulit..." Sabi ko.
"Ayoko na! Sabi mo sa pisngi lang eh pero hindi naman!"
Tumataas na ang boses niya ahhaha...
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Seryoso 'kong tanong.
Natahimik na lang siya hahahah. Sigurado ako na nagustuhan niya 'yung pagkakahalik ko kanina!
"Pasyente kita, 'wag mo akong landiin. Hospital to, hindi motel."
Naging seryoso na siya bigla pero namumula siya hahahah. Ramdam ko na kinikilig si Blake sa akin.
Tumahimik na lang ako dahil baka mamaya, mainis siya ng tuluyan sa akin. Gusto lang naman kitang pakiligin Blake.
Pagkatapos akong pakainin ni Blake ay umalis na naman siya para iligpit ang pinagkainan ko.
Nagulat ako dahil bigla na lang nag-ring ulit ang phone ko. Sure ako na si Yani ang tumatawag pero sinagot ko naman agad.
"Hello my hottie doctor! Are you ok? Sabi ni Blake masama raw ang pakiramdam mo! What's your room number?"
"I'm fine..." Walang gana 'kong sabi.
Binaba ko na ang tawag at pinatay ko na lang ang phone. Asungot talaga itong si manyak!
Bakit ganun? Feeling ko, nag-aalala rin sa akin si Yani? Hindi naman seryoso ang lagay ko pero bakit parang alalang-alala siya?
Seryoso ba talaga siya doon sa sinabi niya na gusto niya ako? Feeling ko kasi, gusto niya lang makipag-laro.
Haaayyy! Ang gulo talaga ng mundo! Humiga na lang ako ulit. Hindi ko na alam ang mga mangyayari.
Maka-idlip nga muna...