Blake's POV
"May ka-close ka na ba dito sa hospital, Blake?"
I smiled...
"Yeah... Mababait naman ang mga employees dito," sabi ko.
He smiled at me. Lumapit na lang siya sa akin at inayos niya ang buhok ko.
"Ikaw talaga Blake, laging magulo ang buhok mo pero honestly, bagay naman sa'yo."
"Ganyan talaga hahaha. Wavy kasi ang buhok ko."
I'm just looking at him. Napansin ko na mas lalo siyang naging gwapo. Ngayon na lang kami ulit nagkita.
"Kamusta ka na?" Tanong ko.
"Ito, ok naman... Actually medyo bored ako. I need something to do," naiinip niyang sabi.
"Kamusta na nga pala si Quin at Lander?" Tanong ko.
He smiled...
"Ayun, masaya sa married life nila. Lagi silang busy. Excited na nga ako magkaroon ng pamangkin."
"Pakisabi, ninong ako kapag nagka-baby na sila," sabi ko.
"Of course!"
Bigla niya akong inakbayan. Nakakagulat din talaga siya minsan.
"Alam mo naman na parang kapatid ka na namin ni Quin simula pa noong high school pa lang tayo," nakangiti niyang sabi.
Napangiti na lang ako. I find him really sweet and caring. Swerte ako na naging magkaibigan kami.
"Hmmm... Ang boring talaga dito sa hospital. I really miss flirting with Dwayne. Pareho tayong may gusto sa kanya pero pareho din tayong inagawan ni Kiel haahhah. Wala pa akong nakikita na kagaya ni Dwayne that's why I'm not serious with my girlfriends," sabi niya.
"Nandito naman ako..." Bulong ko.
"Huh? What did you say?" He asked.
"Nothing, sabi ko makakahanap ka rin naman. Just look around. Malay mo, there's someone who likes you so much."
He laughed...
"Everyone likes me so much!"
Ok... Honestly, play boy talaga si Yani. Nagseryoso na raw siya dati pero niloko siya at nagkagusto rin siya kay Dwayne kaso hanggang friends lang silang dalawa.
I can't blame Dwayne, he's very kind and cute. Ako nga, nagkagusto rin sa kanya noong mga bata pa kami.
Pero ngayon, nagmamahal ako ulit. Hindi ko nga sigurado kung dapat ba na aminin ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Naalala ko tuloy noon...
•••
We're here at a café. Nagkita-kita kaming magkakaibigan. It's been years since we last saw each other. Busy na rin kasi sila sa kanya-kanyang buhay.
Bumalik na si Dwayne galing sa Canada. Nagulat na lang kami dahil pagbalik niya, bulag na siya.
We always wanted to see him again but we don't have a chance. Mabuti na lang at bumalik na siya.
"Dwayne, kamusta na? May plano na ba kayo ni Kiel sa buhay?" Tanong ni Lander.
He smiled...
"Ask him, not me..."
"Hmmmm... I want to marry Dwayne, as soon as possible. Alam niyo naman ang pinagdaanan namin diba? I don't want to lose him this time," sabi ni Kiel.
"Kayo naman, Lander at Quin? Hindi ko inakala na kayo pa pala ang magkakatuluyan. Parang noon lang Lander, palagi mo pang inaasar si Quin," sabi ni Dwayne.
"Yeah... Ikaw naman kasi, nagtago ka sa Canada kaya 'di ka na updated sa news. I find her really sweet and beautiful. I just love her," sabi ni Lander.
"Oh... That's so sweet, Lander!" Sabi ni Quin sabay yakap sa braso ni Lander.
"That's so yuck, Quin!" Sabi bigla ni Yani na parang nandidiri.
Natawa na lang kaming lahat hahahah. Parang ewan din talaga si Yani. Palagi niyang tinitrip ang kapatid niya.
"Ikaw kasi Yani, magseryoso ka na para magka-love life ka," sabi ni Dwayne.
"Kasalanan mo kung bakit wala akong love life kasi hindi mo ako sinubukang mahalin ahhahaah," natatawang sabi ni Yani.
"Excuse me, nandito ako. Gusto mo bang magkaproblema, Yani?" Tanong bigla ni Kiel.
"Joke lang naman! Hahaahh but honestly, wala pa akong nahahanap na katulad ni Dwayne kaya 'di pa ako nagseseryoso," sabi ni Yani.
"Bakit ka kasi naghahanap ng katulad ko? Mag-isa lang ako sa mundong ito, Yani. Just try someone else to love. Malay mo, iba pala ang klase ng tao na magugustuhan mo. Makakahanap ka rin naman," sabi ni Dwayne.
Yani sigh...
"Hindi ako magseseryoso if I don't fall in love again. Maybe, it will take so much time for me," he said.
Sa totoo lang, pihikan talaga si Yani sa taong seseryosohin niya. Kaso, para lang siyang nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend.
"How about you Blake, may lovelife ka na ba?" Tanong ni Dwayne.
"Hmmm... Actually, hindi ko naman priority ang love life pero kung may darating, why not?"
"Oh! 'Yun naman pala kuya, kayong dalawa na lang ni Blake!" Biglang sabi ni Quin kay Yani.
Nagulat ako... Napatitig na lang sa amin ni Yani ang mga kabigan namin.
Yani held my hand... Tinitigan niya ako sa mga mata ko. I feel so nervous. My heart is beating so fast. It's so intense!
"Gusto mo ba akong i-try, Blake?" Seryosong tanong ni Yani.
I cleared my throat...
I don't know what to answer. Parang hindi naman kami compatible para sa isa't-isa. We're too different!
"Uy! Hahahah parang kabadong-kabado ka naman Blake? Binibiro lang kita! I don't want to play with your heart if I'm not serious."
Nakahinga na ako ng maluwag pero parang bumigat ang pakiramdam ko.
"Grabe... Akala ko naman seryoso ka na doon, Yani. Ayaw mo ba talagang subukan na maging kayo ni Blake? Malay mo mag-work," sabi ni Lander.
He sigh...
"I don't know... Magiging seryoso lang ako kapag minahal ko ang isang tao ng totoo. Ayoko na masaktan ko lang si Blake kapag naging kami. We treat each other as brothers. Ayokong masira ang bond ng friendship namin dahil lang sa kalandian," seryosong sabi ni Yani.
Ganyan si Yani... He is really frank and he never fake himself. Honestly, humanga ako dahil sa sinabi niya.
Ayaw niya na masaktan niya lang ako dahil kapatid ang turing niya sa akin. He don't want to break my heart. Kilala ko naman ang sarili ko, madali akong mahulog; hindi kagaya niya.
"Tama na nga ang usapang love life. Kamusta na ang mga buhay niyo? Anong pinagkaka-abalahan niyo?" Tanong ni Yani.
"Hmmm... I'm writing stories for Dwayne. Siya ang nagsasabi ng mga dapat 'kong isulat. We are also planning for marriage," sabi ni Kiel.
"Busy naman kami ni Lander sa business namin," sabi ni Quin.
"Ako naman, baka ilagay na ako ni mama sa position in our hospital. Goodbye happy life na ako," natatawang sabi ni Yani.
"Ikaw Blake?" Tanong niya.
I cleared my throat...
"Honestly, I'm still looking for a job."
He smiled at me... Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pero parang naiilang na ako bigla kay Yani.
Naiilang na ako kapag tumitingin siya sa akin. I don't know this kind of feeling.
"Don't worry, sure ako na makakahanap ka rin agad. You're so masipag kaya!" Sabi ni Quin.
Napangiti na lang ako...
"Hmmm... Punta lang ako sa comfort room," sabi ko.
Pumunta na ako sa comfort room at naghilamos ako. Honestly, hirap na hirap akong maghanap ng trabaho.
Kahit naman board passer ako sa nursing, mahirap pa rin maghanap ng trabaho dito sa pinas. Hindi ko alam kung may tatanggap pa sa akin. Nanghihina na nga ang loob ko.
"You're having a hard time in finding a job, aren't you?"
Nagulat tuloy ako... Napatingin na lang ako sa salamin at nandito pala si Yani. Bigla-bigla na lang siyang sumusulpot.
Lumapit siya sa akin at inayos niya ang buhok ko.
"You don't need to be shy if you want to ask for my help. Alam mo naman na may-ari kami ng hospital diba?"
"B-But, I want to be independent..."
He sigh...
Hinahawakan niya bigla ang mga balikat ko at tinitigan niya ako sa mga mata ko.
"Yes, you are independent enough. We're friends right? I will do everything that I can to help you. Submit your resume to me and I'll send it to our hospital," he said seriously.
"R-Really? You'll do that for me? H-Hindi ba nakakahiya?" Alanganin 'kong tanong.
"Of course not! I'm here to help, ok? Para saan pa at may kaibigan 'kang sobrang gwapo, mabait, hot at mayaman? Syempre tutulungan kita! You're like my little bro!"
Napangiti na lang ako... Mabait talaga si Yani lalo na sa mga kaibigan niya and I admire him for that.
Bigla na lang niyang kinurot ang mga pisngi ko. Ang lakas talaga ng trip eh!
"You know what? You're so cute! Masyado 'kang mahiyain," natatawa niyang sabi.
Ngumiti na lang din ako. This guy is so sincere. He showed me kindness and he made me feel that I'm important. Alam ko na mabuti siyang tao kahit hindi 'yun ang nakikita ng ibang tao sa kanya.
He is not just a play boy because his heart is strong enough to defend himself. Mabuti talaga siyang tao.
It's the first time that I realize how fantastic he is as a person. Sana nga, kami na lang. Sana nga magustuhan niya rin ako.
•••
"Actually Blake, there's a guy who mess up with me earlier."
Napatingin na lang ako sa kanya. Parang alam ko na kung sino 'yung sinasabi niya.
"He's a doctor?" I asked.
He looked at me curiously...
"How did you know?"
I smiled...
"He's my friend."
I saw him smirking. Parang may iba na namang iniisip itong si Yani.
"Hmmm... Yani, salamat nga pala ulit at tinulungan mo ako na magkaroon ng trabaho dito sa hospital."
He sigh...
"You don't have to thank me, ok? Wala 'yun sa akin," seryoso niyang sabi.
Ang bait talaga niya sa akin. Kahit flirty ang tingin sa kanya ng iba, I know that he is more than that.
"You know what, Blake? Siya lang 'yung sinungitan ako ng ganun bukod kay Dwayne. That doctor is catching my attention."
Nabigla tuloy ako... Nakita ko sa mga mata niya na parang may interest siya kay Dr. Luther. Tama kaya ang nararamdaman ko?
"What's his name again?" He asked.
"Dr. Luther Velasco," I said.
"Oh... Luther. His name sounds like a ludic lover. Tingnan ko lang kung talagang tigasin siya," he said while smirking.
"Hmmm... What do you want from him? Are you planning something right now?" I asked.
He looked at me seriously...
"No one dares to insult my reputation just like that. He don't know what kind of person I am. I will make him crazy in love with me..."
Natakot tuloy ako bigla sa kanya. Hindi mo kailangang gawin 'yan. Bakit? Nandito naman ako.
Kung hindi lang sana kaibigan ang turing mo sa akin, baka nagkaroon na ako ng lakas ng loob na aminin sa'yo na gusto kita.
"Masungit ba talaga siya?" He asked.
"No... Honestly, he's really nice and kind at me," I said.
"Oh! Interesting! Pero pagdating sa akin, sobrang init ng dugo niya..."
Kasi naman, base sa kwento sa akin ni Luther, ikaw ang nagsimula. Madalas talaga, malakas ang trip ni Yani. Siguro naman, magkakasundo rin silang dalawa.
"Blake, ipakilala mo sa akin 'yung supladong Dr. Luther na 'yun. Gusto ko siyang kilalanin. I want to know what kind of person he is..."
"Ok, noted! Paano? Balik muna ako sa trabaho ah?"
"Ok, do your best little bro!" He said cheerfully.
Naglakad na ako palayo. Binuksan ko na ang pinto at nagulat ako dahil tumambad sa akin si Dr. Luther. Suot-suot niya ang stethoscope at parang ginagamit niya.
"What are you doing here?" I asked curiously.
Parang sobrang kabado siya. Naguguluhan tuloy ako sa kanya.
"Ah eh... Nothing! I'm just checking if my stethoscope is still working!" Kabado niyang sabi.
Kumunot na lang ang noo ko. He is acting so weird. Bakit parang kabadong-kabado si Dr. Luther?
"Ayos ka lang ba? May nangyari na ba hindi maganda sa'yo? May nangbastos ba sa'yo?" Tanong niya bigla.
"Wala... Ayos lang naman ako, bakit?"
Kitang-kita ko na parang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.
"Sinong kausap mo diyan, Blake?" Tanong ni Yani.
"Hey! I have to go! Bye Blake! I'm really busy!" Dr. Luther said nervously.
Nagmadali na siyang maglakad palayo at naramdaman ko na lang na nasa likod ko na si Yani.
"Sino 'yung kausap mo Blake?" Tanong ni Yani.
"Hmmm... A doctor," sabi ko na lang.
"Ok... Ang weird kasi eh. Sige na, may aasikasuhin din ako dito sa office ni mama."
Naiwan na lang ako dito sa may pinto at pumasok na ulit sa loob si Yani.
Naguguluhan ako... Ang weird ah! Ano kaya ang ginagawa ni Dr. Luther sa labas ng pinto at parang kabadong-kabado siya?
Weird na talaga ang mundo ngayon...