Luther's POV
Mabuti na lang at walang nangyaring hindi maganda kay Blake. Humanda talaga sa akin 'yung manyakis na 'yun kapag binastos niya si cutie!
I really hate that guy! Ayoko sa aura niya! Maramdaman ko pa lang na malapit siya, kumukulo na agad ang dugo ko!
What should I do? Nasa iisang hospital lang kami at siya pa ang boss! What the heck! Pakiramdam ko tuloy, kalbaryo ang mararanasan ko sa mga susunod na araw.
Hindi ko alam ang gagawin. I don't want anyone to mess up with me like that! Hindi ako basta-bastang tao lang na walang pinag-aralan para manyakin ng ganun!
"Dr. Luther!"
Sinundan pala ako ni Blake. Ngumiti na lang ako. Makita pa lang kita, buo na ang araw ko.
"What's the matter?" I asked.
"Hmmm... Ok lang ba na lumabas tayong dalawa after work?"
Napangiti na lang ako. Tingnan mo nga naman, kahit bad trip ako ay napapaganda talaga niya ang araw ko.
"Are you asking me out for a date?"
Nabigla tuloy siya at nahiya na naman ang mukha niya. He looks so shy. Ang cute talaga niya!
"Hmmm... Ipapakilala sana kita sa kaibigan ko," alanganin niyang sabi.
Aaawww... Akala ko pa naman, niyaya na niya akong makipag-date. Ok lang, first step naman talaga dapat ay ipakilala sa mga kaibigan diba? Hahaahah.
Sige, ipapakilala din kita kila Cyril and Eros. I'm sure that they will like you. Ang cute mo kasi!
"Sige, magkita na lang tayo ulit mamaya after work. May operation pa ako sa pasyente this afternoon..."
"Ok, good luck Dr. Luther!" Sabi niya.
"Huh? Good luck lang? Wala bang good luck kiss?" Sabi ko sabay ngiti.
"Hahahahah loko ka talaga! Sige na, kita na lang tayo mamaya. Kailangan kasi ako ng head nurse namin ngayon," sabi niya.
Umalis na si Nurse Blake. Haaayy... Ang cute talaga niya. Binubuo palagi ni Blake ang araw ko kahit na sobrang stressful.
Siguro, akala niya ay tinitrip ko lang siya. Kailan kaya ako dapat umamin na type ko talaga siya?
I need a perfect timing... Siguro, aamin na lang ako after ilang weeks at liligawan ko na siya agad.
After ng trabaho ko ay pumunta na agad ako doon sa restaurant na sinasabi ni Blake.
Wala pa siya...
"Hmmm... Sorry Luther, medyo na-late ako ng kaunti."
Lumingon na lang ako at nandiyan na pala siya. Ngumiti na lang ako.
"Ok lang, para sa'yo maghihintay ako."
Bumulong lang ako para hindi niya masyadong marinig hahahah.
"May sinasabi ka ba?" Tanong niya.
"Nothing, sabi ko mag-order na tayo," sabi ko na lang.
"Just wait for a bit. Sabi ko naman sa'yo, ipapakilala kita sa kaibigan ko."
Sinandal ko na lang ang mga pisngi ko sa mga kamay ko at nagpa-cute ako sa kanya hahahah.
"Oh sorry, I forgot. Ikaw lang kasi ang nasa isip ko," sabi ko sabay ngiti.
Natawa lang siya ng mahina. I saw his lips curved tapos napakagat pa siya sa labi niya. Grabe! Ang lalim ng dimples niya! Sobrang pogi!
"Wag mo akong lokohin ng ganyan sa harap ng kaibigan ko. Baka mamaya, pagtripan ka niya ahahahah."
"Sino ba kasi 'yang kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm... Honestly-"
Hindi niya matuloy ang sinasabi niya. Feeling ko tuloy, nahihiya na naman siya. Dapat masanay na ako sa kanya.
"Go on... Don't be shy. Please tell me."
He took a deep breath...
"Siya 'yung sinasabi ko sa'yo na nagugustuhan ko. He's the person that I love."
Nagulat tuloy ako... How nice? Makikilala ko na rin ang taong nagugustuhan niya. I'm pretty confident about how I look.
Alam ko naman na gwapo ako. Siguro naman, mas lamang ako doon sa taong mahal niya. Bukod kay Eros, wala na akong kilala na mas gwapo kaysa sa akin hahaha joke!
"Sorry, I'm a bit late. Good evening guys. May I sit beside you, doctor?"
Nandiyan na pala 'yung kaibigan ni Blake. Lumingon na lang ako...
Nanlaki bigla ang mga mata ko. What in the heck! 'Yung lalakeng manyakis ang taong gusto niya? What the! Parang ewan! Haahhah! Yuck!
"Hi... I'm Yani Martinez."
Nakikipag-kamay siya sa akin. I took a deep breath. Wala naman sigurong masama kung makipag-shake hands din ako diba? Dapat mabait ako sa harapan ni Blake.
"I'm Dr. Luther Velasco. Just call me Dr. Luther," I said formally.
Nag-shake hands na lang kami pero piniga ko ang kamay niya. Bigla niya akong nginitian.
"Hmmm... Just call me Yani, for short."
Nilapit niya bigla ang mukha niya sa akin! Nagulat tuloy ako!
"But you can call me yours, for shorter," he said and then he winked.
Binawi ko na bigla ang kamay ko at napaubo tuloy ako. Ibang klase talaga siya! What kind of pressure is this?
Grabe, sobrang intense...
Umupo na siya sa tabi ko at nag-order na kaming tatlo. Tahimik lang ako ngayon. Pinipilit 'kong makisama sa manyakis na 'to!
"Hmmm... I know what happened to both of you earlier. Gusto ko sana na magkaayos kayo. Yani is a nice person and Luther is a good guy! Sana mabago ang first impression niyo sa isa't-isa..."
"I don't think so..." Sabi ko sabay inom ng wine.
Natawa na lang 'yung Yani. Naiinis na nga ako, natutuwa pa siya? I really hate this guy!
"Calm down Luther. Yani is a nice person. Chance niyo na 'to para magkaayos."
Nagulat ako dahil nakaramdam na lang ako ng kung ano sa ilalim ng lamesa namin.
"Are you ok, Luther?" Blake asked.
Tsaka ko lang na-realize, hinihipo pala nung Yani ang binti ko gamit ang paa niya! What in the heck!
"Luther?"
"Ahh ahh... I'm ok, Blake."
Nagulat ako dahil tumataas ang pagkakahipo ng paa niya sa mga hita ko! Takte! Kinikilabutan ako!
Maya-maya ay palapit na ng palapit sa pagkalalake ko ang paa niya! Takte! Kinakabahan ako ng sobra!
"Are you really ok, Dr. Luther? Bakit mukhang nasasarapan ka?" Tanong ni Yani sabay tawa ng mahina.
"Hell no!" I shouted.
Napatitig tuloy sa amin ang ibang mga tao dito sa resto. Nahiya tuloy ako bigla dahil sa nagawa ko.
"I-I'm sorry..." I said awfully.
"Hmmm... Punta lang ako sa comfort room. You two should talk," sabi na lang ni Blake.
Umalis na si Blake. Tinitigan ko na lang ng masama itong manyakis. Ok, gwapo nga siya at very musculine. He looks like a play boy or should I say, f*ck boy!
Ano ba ang nagustuhan ni Blake sa lalakeng ito? It's so hilarious!
Nagulat ako at bigla na naman siyang kumindat. Papansin ka ba talaga?
"Sinong demonyo ang sumapi sa'yo at ganyan kasama ang titig mo sa akin?" Tanong niya.
"At ikaw naman, saang impyero ka galing at ganyan ka kamanyak?" Inis 'kong tanong.
"Oh... Take it easy bro! Chill..."
Jusko! Paano ako magiging chill kung kaharap ko siya? What the heck! Bakit ba kasi siya pa ang nagustuhan ni Blake?
Ngayon, sure na akong mas may chance ako kay Blake dahil hindi naman siya mamahalin ng manyakis na ito.
"Hmmmm... Honestly, I'm here to apologize."
Napatitig na lang ako sa kanya at kumunot na ang noo ko. What's this? Why are you acting so sincere and innocent?
Yuck! Hindi bagay... Nakakasuka naman talaga! Kay Cyril lang talaga bagay ang pagiging inosente!
Nagulat ako at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at sincere na ang mga mata niya.
"I'm sorry for messing up with you earlier. I don't intend to ruin your day. I'm not just a pervert guy that you think I am..."
Bakit sincere ang pagkakasabi niya? Ok, hindi ako magpapauto! Alam ko ang mga ganitong strategy!
"You don't have to hold my hand while asking for an apology," I said furiously.
Napabitiw siya bigla sa kamay ko ay itinaas niya ang mga kamay niya na parang sumusuko. Sige, tama 'yan! Ipapa-tukhang na rin kita!
"Calm down, hottie doctor! You don't have to get mad at me, ok? Tingin mo ba, magiging kaibigan ako ni Blake kung hindi ako mabuting tao?"
Oo nga naman, may point siya. Bakit naman makikipag-kaibigan sa kanya si Blake kung masama siya?
"I'm a nice person..."
Nilapit na naman niya sa akin ang mukha niya. Napalunok na lang ako.
"And I'm a very hot lover as well..."
Umiwas na lang ako ng tingin. Kadiri talaga itong manyakis na 'to! Kung hindi ko lang gusto si Blake, malamang nasapak na kita!
"Sabihin mo nga, may gusto ka ba kay Blake?" Seryoso niyang tanong.
Nagulat ako... Bakit naghinala na agad siya? Nanlaki tuloy ang mga mata ko.
Sasagot na sana ako pero hinawakan niya bigla ang mga labi ko.
"Shhh... You don't have to answer. Huh! I knew it! Base sa reaction mo, sigurado akong may gusto ka sa kanya."
What the! Ang talino naman niya! Grabe... Sobrang aware siya sa mga taong nasa paligid niya. Ang lakas niya makiramdam!
"Eh si Blake, alam mo rin ba na may gusto siya sa'yo?" Inis 'kong tanong.
He laughed...
"Honestly, I don't want to break his heart so I never make a move to get closer to him. Kaibigan ko siya, ayokong paglaruan siya."
Oh... Hindi pala talaga siya kasing sama ng iniisip ko. May pakealam pa rin siya kay Blake ko.
"Hindi ko naman lalandiin ang isang tao kung hindi ko gusto..."
He winked at me...
What the! 'Wag mo sabihing trip mo ako? Nakakasuka! Kadiri! Manyakis!
"Why don't you try someone who is hotter than him? Top ka ba?"
Grabe! Deretsahan siyang magtanong! Sige, dederetsuhin din kita!
"Oo, bakit? May pakealam ka ba?" Inis 'kong tanong.
"Oh, interesting... Gusto mo ba, gawin naman kitang bottom?" Tanong niya sabay tawa.
Bad trip! Ang lakas talaga ng sira niya sa utak! Makakaisip din ako ng paraan para makabawi sa'yo!
"Like what I've said... I can turn any guy into gay whenever I want," sabi niya sabay lip bite.
Natahimik na ako. Hindi ko talaga alam ang dapat isagot. Grabe talaga, hindi ko alam ang dapat 'kong sabihin sa taong 'to para tumigil na siya!
"Honestly, hindi naman ako ganito sa lahat ng tao. You're so lucky, doctor. You should be thankful..."
Hala siya! Aba! Dapat pa talaga akong magpasalamat dahil minamanyak niya ako? What the heck!
"It's a curse, you idiot!" Inis 'kong sabi.
"You're so stubborn and I like it..."
Takte! Ano ba talaga ang dapat 'kong gawin para tantanan na niya ako?
"You are just like him. You are so stubborn just like Dwayne," he whispered while smiling.
"Hmmm... Pwede ba? Be formal, ok? Hindi tayo close at hindi mo ako kilala kaya 'wag na 'wag mo akong pag-tripan ng ganyan!"
He laughed at me...
"Don't worry, magiging close din tayong dalawa..."
Grabe talaga, ang lakas ng fighting spirit niya! Makakaisip din ako ng paraan para wasakin ang trip niya!
"Baby... Please look at me..."
Nanlaki tuloy ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Walang hiya talaga!
"Did you just call me, baby? What in the heck! Stop it! Nakakasuka!"
"Oh hahahah... Ayaw mo kasi akong tingnan. Please baby, titigan mo naman ako para ma-realize mo kung gaano ako kagwapo," sabi niya sabay kindat.
Napayuko na lang ako... Grabe, hindi ko inakala na sa buong buhay ko ay makakatagpo ako ng tao na kasing manyak niya!
Hindi na ako makapagsalita. Feeling ko, kapag nagsalita pa ako ay gagawa lang siya ng move para pagtripan ako.
"Oh... Nag-uusap na pala kayo. How was it? Ok, na ba kayong dalawa?"
Nandito na pala ulit si Blake...
"I told your friend that I like you," biglaan 'kong sabi.
Halatang gulat na gulat si Blake dahil sa sinabi ko. Tumingin ako kay manyak at parang wala lang sa kanya.
"A-Are you serious?" He asked.
I nodded and then I smiled at him...
Napakagat na lang si Blake sa labi niya at parang nahiya siya bigla. Wala sa oras ang pag-amin ko pero kailangan ko nang bakuran si Blake.
"It's so challenging, I love it..."
Napatingin tuloy kami kay Yani dahil sa sinabi niya. He smirked and then he drink wine.
Grabe... Mukhang may pinaplanong hindi maganda itong si manyak! Kung ano man ang balak niya, hindi siya uubra sa akin!
I like Blake but he likes Yani; and that idiot likes me? What in the heck!
Ang gulo ng mundo!
What kind of love triangle is this?