Chapter 8: Pervert Lover?

2677 Words
Feeling ko tuloy, medyo nailang sa akin si Blake dahil sa pag-amin ko kagabi. Naiintindihan ko naman siya dahil alam 'kong nawindang siya. Nandito ako sa hallway ng hospital at nakita ko na kaagad si Blake. "Hi Nurse Blake! Good morning!" Nakangiti 'kong sabi. Napatingin na lang siya sa akin at parang nahihiya siya. Actually, simula kagabi ay parang nahihiya na talaga siya sa akin. "G-Good morning, Dr. Luther." Oohhh... Parang naiilang siya sa akin. 'Wag namang ganyan Blake. Cute ka pa naman lalo kapag nahihiya ka. "Hmmm... Blake, is it ok if we talk for a moment. I just want to clarify some sort of things." Tumango na lang siya sa akin at pumunta na kaming dalawa sa office ko. Actually, walang naka-schedule na operation ngayon sa akin. I sigh... "Blake, bakit parang naiilang ka na sa akin? What's wrong? May nagawa ba akong mali?" Sincere 'kong tanong. He bit his lip... "Actually, nahihiya ako sa'yo. It's the first time that someone confessed his feelings for me. I'm not used to that..." Napangiti na lang ako. Lalo siyang nagiging cute sa paningin ko kapag ganyan siya. You're so cute, Blake! "You don't have to be shy..." Hinawakan ko na ang kamay niya at halatang nagulat pa siya dahil sa ginawa ko. "I like you, Blake. I really do... Hindi mo kailangang mahiya sa akin. We can be friends like what we are before, right? Gusto ko lang na mas makilala pa kita." Huminga na lang ako ng malalim... "Alam ko na nabigla kita dahil sa pag-amin ko kagabi and I apologize for that. I just want you to know how sincere I am..." Tumingin na siya sa akin. I know that he can feel that I'm sincere. He started smiling. Ang sweet niya ngumiti! Ang lalim ng dimples! "Hmmm... Matanong lang kita, possible ba na magustuhan mo rin ako? Is there a chance? Hmmm... You don't have to answer kung hindi ka comfortable," sincere 'kong sabi. "Honestly, nagagwapuhan ako sa'yo at alam ko na mabuti 'kang tao. It's enough reason for me to like you but it's different from love, ok? Siguro, it will take time for me. Alam mo naman na may gusto ako kay Yani diba?" Ngumiti na lang ako... Sige lang Blake. 'Wag 'kang mag-alala dahil balang araw, ako naman ang kababaliwan mo. Alam ko na kaya 'kong gawin 'yun hahahah. It's enough for me to know that he likes me also. Enough na 'yun para gumawa ako ng hakbang para lalong mapalapit sa kanya. "Hmmm... If you may, pwede ba na ligawan kita?" Seryoso 'kong tanong. Parang nagulat pa siya dahil sa tanong ko. Suddenly, he laughed a little. "You don't have to do that. I'm not a girl, ok?" Natatawa niyang sabi. "But I like you; and I think, I need to formally court you..." Hinawakan na lang niya ang balikat ko at ngumiti siya. "I admire you for being so sweet and sincere. Again, I'm not a girl or gay. I'm just bisexual like you, ok? You don't have to court me. Hindi ako sanay sa mga ganyang bagay," nakangiti niyang sabi. Then what should I do? Ayaw niya na ligawan ko siya. Sabagay, manly naman siya tingnan. Mukha ngang ayaw niya ng sinusuyo siya. Kaya ba nagustuhan mo si Yani kasi play boy siya? Don't worry, ako naman ang mamahalin mo hahahahah. "Hmmm... How about a date? Ok lang ba na mag-date tayo?" He smiled again so sweet... "I'm fine with that. Kaso, wala pa akong sweldo. Siguro, after na lang ng pay day?" Alanganin niyang sabi. Natawa na lang ako ng mahina dahil sa sinabi niya. He's too formal and practical! I like that! "Ako ang nag-yaya na makipag-date diba? It's obvious that it's my treat! Blake, don't worry... Ako ang gagastos palagi para sa ating dalawa," nakangiti 'kong sabi. He sigh... "Luther, hindi nga ako babae. Kahit na bisexual ako, lalake pa rin ako, ok? I still have a man's pride..." Nginitian ko na lang siya. Halata ngang hindi pa siya sanay sa isang relationship kasi wala pa siyang idea. I really admire you for what you are. You are turning me on, Nurse Blake. "Ok, next time ako ang ilibre mo kung 'yan ang gusto mo; but this time, it's my treat, ok?" Tumango na lang siya. Grabe, ang cute talaga niya. Hindi siya katulad ni Cyril pero nagugustuhan ko siya. He's precious for what he is. "Hmmm... Alam mo, after so many years, ngayon lang ulit ako nagkagusto sa isang tao." "Really? How come? Siguro masyado 'kang choosy hahahah." Napakamot na lang ako sa ulo ko. Well, totoo naman talaga na masyado nga akong choosy. Hindi kasi ako basta-basta pumapatol na lang. "Hmmm... Nakilala ko na si Dwayne, 'yung first love mo. Ipapakilala din kita kay Cyril, siya 'yung huling tao na minahal ko..." "Oh, friends pa rin kayo? Ang cute naman! Sige, excited na akong makilala siya," sabi ni Blake. "Actually, he is married also to a guy; to my bestfriend." "Oh, that is so sad... Mabuti na lang at hindi kami mag-bestfriend ni Kiel," natatawa niyang sabi. "Actually, I'm really happy for both of them. Bestfriend ko naman si Eros at minahal ko si Cyril. Sure ako na hindi niya sasaktan si Cyril dahil kilala ko silang pareho..." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko... "Ang bait mo naman. I like that..." Ayan na! Hahahah sign na 'yan na magkakagusto na rin siya sa akin. I just need a one big move para mahulog siya sa akin. I will do my best. Ayoko nang masawi ulit! "Honestly, Cyril is so cute and adorable, just like you! Parehas din kayong mabait pero mas lalake 'kang tignan kaysa sa kanya. Sure ako na magkakasundo kayo." "How about your bestfriend?" Haahhaha si Eros? Ano nga ba si Eros? Hahahaha hindi ko siya kayang i-describe gamit ang isang salita lang. "Hmmm... Gwapings din 'yun kaya lang, masyado siyang seryoso at masungit. Don't worry, mabait naman siya. 'Wag mo lang babanggain hahahah." "Ok, I'm looking forward to meet them. Hmmm... Luther, mukhang napahaba ang usapan natin. Balik na muna ako sa trabaho," sabi niya. "Ok, ingat cute nurse!" Ngumiti na lang siya at umalis na siya. Sana siya na nga 'yung para sa akin. Inayos ko na lang ang documents ng mga pasyente ko dito sa office. Maya-maya ay bigla na lang bumukas ang pintuan kaya nabigla ako. "Good morning hottie doctor!" What in the heck! Nandito na naman si manyak! Bakit bigla-bigla na lang siyang sumusulpot? "Do you know how to knock?" Bigla niyang kinatok ang pinto ng tatlong beses. Takte... Ibang klase ka talaga! "Anong kailangan mo?" Seryoso 'kong tanong. Lumapit na siya sa akin at tinukod pa niya ang mga kamay niya sa lamesa ko. He is looking directly into my eyes. "I need you, my doctor..." Yuck! Akala mo ba natutuwa ako sa mga ganyang banat mo? "I'm not your doctor, ok?" "Yes, you are! Magpapa-check up lang sana ako sa'yo..." I'm just glaring at him... Hindi ko talaga gusto na makita 'yang pagmumukha mo! Kung nakakamatay lang ang titig, baka double dead ka na! "Mukha namang ayaw mo akong maging pasyente..." Yuck! Ano 'to? Bakit nagpapaawa na siya sa akin? Kadiri hahahah! "Sige na, I'm sorry to ruin again your day, hottie doctor. Aalis na lang ako. Kawawa naman ako. Tinanggihan ng isang magaling na doctor ang hot na pasyenteng kagaya ko..." Tumalikod na siya at nagsimula na siyang maglakad palayo. Teka nga, na-offend ko ba siya? Actually, wala pa naman siyang ginagawang masama. "Hmmm... Wait," sabi ko. Bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti. Kinilabutan tuloy ako bigla dahil sa ngiti niya! Umupo na agad siya sa lamesa ko. "Thanks hottie doctor! Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matitiis hahahah!" Takte! Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Umaarte lang talaga siya kanina! "Pwede ba, kung gusto mong magpa-check up, sa upuan ka umupo at 'wag sa lamesa ko!" Inis 'kong sabi. "Why? I'm more comfortable to sit at your table. Diba, priority naman ng mga doctor ang comfort ng pasyente?" Ok, may point naman siya. Talagang hinahanapan niya ako ng butas para masunod ang gusto niya and I really hate it! Nilapit na naman niya ang mukha niya sa akin! Ano ba? "I think, I'll be more comfortable if you will sit on me," sabi niya sabay lip bite. Bastos ka talaga! Magsasalita na sana ako pero bigla niyang nilapat ang daliri niya sa mga labi ko! "Hep hep! I'm just kidding, ok? 'Wag 'kang ma-high blood Dr. Luther dahil ako ang pasyente dito," natatawa niyang sabi. Napatitig na lang ako ng masama sa kanya. Hindi ko talaga alam kung anong trip niya. I don't really know what he want from me either! "Sige na, hottie doctor. You may start checking me. You can start checking my heart first!" "Tanga, blood pressure muna. Wala naman akong pake sa puso mo," inis 'kong sabi. "Burn..." Bulong niya sabay tawa. "Itaas mo 'yung sleeve mo," sabi ko. "Ikaw na lang, please... 'Yan naman ang una mong tinitigan sa akin doon sa elevator diba?" Nahiya tuloy ako bigla. Nahanapan na naman niya ako ng butas! Kaunti na lang talaga, napupuno na ako sa kanya! Tinaas ko na lang ang sleeve niya at tumambad na naman ang muscles niya sa braso. Nag-flex siya bigla tapos kinindatan niya ako. "May mucles din ako, ok? Magpapa-check up ka ba o pagtitripan mo lang ako?" Inis 'kong tanong. "Oh... Sorry na, ang cute mo naman kasi kapag naiinis ka." I rolled my eyes. Kinabit ko na ang sphygmomanometer. Sinimulan ko na ang check up sa kanya. "120/80 ok naman..." Sabi ko. "Eh ikaw doc? Ano kaya ang blood pressure mo? Laging mainit ang dugo mo sa akin eh," sabi niya. Bigla 'kong piniga ng piniga ang rubber ball ng sphygmomanometer kaya humigpit na ang nasa braso niya. "Hey doctor! You're hurting me! Are you a sadist? Well, I love it..." Nainis na talaga ako. Baka mamaya maputukan pa siya ng ugat kapag lalo 'kong hinigpitan. Tinigil ko na lang ang ginagawa ko. "Anong blood type mo?" Tanong ko. "Your ideal type..." Tinitigan ko na lang siya ulit ng masama! Kailan ka ba titino? "Joke lang, AB ang blood type ko..." Sinuot ko na ang stethoscope. Magsasalita na sana siya ulit nung tinapat ko 'yun sa puso niya pero inunahan ko na siya. "Kung babanat ka ulit, tumahimik ka na, ok? Gasgas na 'yan," inis 'kong sabi. "Oh... Kilala mo na talaga ako? Nakakakilig naman!" "Mukhang hindi ako ang doctor na kailangan mo. Go to Dr. Dennis, psychiatrist siya. Nagsisimula ka na kasing mag-ilusyon," sabi ko. "Yeah... Baliw naman kasi talaga ako. Baliw sa'yo..." Aaarrrgghhh! Ang sarap talaga niyang ilibing ng buhay! Binilisan ko na ang check up at ok naman siya. Kinuhaan ko na lang siya ng blood sample. So far, healthy naman pala itong si manyak. Mukha nga lang may STD hahahahah. Pero ang hinala ko talaga, may problema sa pag-iisip! Hahahah! "Makakaalis ka na po," sabi ko. "Huh? Ganun lang 'yun? Ang bilis naman ng check up!" Sabi niya. "Oo tapos na po, umalis ka na..." Nagpa-cute siya bigla. Kaasar! Ang panget tignan! Kahit gwapo siya, hindi umuubra sa akin ang charm niya! "Can I stay here for a bit longer, my hottie doctor?" Nagpapa-cute niyang sabi. What in the heck! Sabi ko na nga ba, may pinaplano talaga siya! Kinuha ko na lang ang sandata ng mga doctor sa desk ko at itinutok ko na sa kanya. "Nakikita mo ba itong scalpel? It can open your chest! Umalis ka na kung ayaw mong ma-autopsy ng wala sa oras!" Nginitian lang niya ako... Grabe! Galit na ako pero hindi man lang siya natakot sa akin! Baliw talaga siya! "Oh , interesting! Simulan mo ang paghiwa sa abs ko..." Bigla niyang itinaas ang shirt niya! Takte! Ang dami nga ng abs niya! Grabe, 8 pack ah! 'Yung sa akin 6 lang! Ngayon, napagtanto ko na talaga na pang f*ck boy nga ang katawan niya! "Come on doctor! Make me bleed," seductive niyang sabi. Hinawakan niya bigla ang kamay ko na may scalpel at itinutok niya sa abs niya. Nanginig tuloy bigla ang kamay ko dahil sa ginawa niya! "Hey! Baka masugatan talaga kita! Stop it! Para 'kang timang!" Sabi ko. Binitawan na niya ang kamay ko at sinauli ko na lang ang scalpel. "I saw it coming... Kita mo, nag-aalala ka para sa akin. I can feel how kind you are." Sino ba naman ang doctor na papatay ng pasyente niya? Grabe na talaga siya kung mag-ilusyon! Nakataas pa rin ang damit niya. Ano ba talagang trip mo? "Pwede ba? Ibaba mo na 'yang damit mo, ok? May abs din ako!" Inis 'kong sabi. Parang na-excite siya bigla dahil sa sinabi ko at bigla na naman siyang lumapit sa akin! Kinilabutan na tuloy ako bigla! "Really, may abs ka rin? Balot ka kasi palagi ng lab coat. Patingin nga ako!" "You're so delusional!" I shouted. "No, I'm not! Ang cute naman ng bottom ko, may abs hahahah!" Nagpantig na ang tenga ko dahil sa sinabi niya at nandidilim na yata ang paningin ko! "Pwede ba? Hindi nga ako bottom! Bakit ba ang kulit mo? Lumayas ka na nga dito!" Sigaw ko. "Not until I cool you down..." Hinawakan niya bigla ang collar ng damit ko at nilapit niya ang mukha ko sa mukha niya kaya napaiwas ako bigla ng tingin. "Look at you... May malisya ka sa akin. Natatakot 'kang mahalikan ko." Tinanggal ko bigla ang pagkakahawak niya sa collar ko at sasapakin ko na sana siya sa mukha pero nasalo niya bigla ang kamao ko. Galit na galit na ako sa kanya pero chill lang siya! Hindi ko talaga siya maintindihan! Wala naman siyang mapapala sa akin! "Tigilan mo na sabi ako! Tama na! Hindi na ako natutuwa sa'yo!" Galit na galit 'kong sabi. "So you mean... Once in your life, natuwa ka rin sa akin? Haahahah how nice?" Tutuhurin ko na sana ang pagkalalake niya pero nasalag na naman niya kaagad gamit ang binti niya. Nag-aral ba ng martial arts ang lalakeng manyak na 'to? "Hindi ka makakawala sa akin..." Natakot na ako dahil sa sinabi niya. Kinakabahan na ako... Honestly, wala talaga akong laban sa kanya. "Tama na! Balak mo ba akong gahasain? Rapist ka ba?" Puputok na yata ang mga ugat sa leeg ko dahil sa sobrang galit! "Hey... Easy... Ano 'yan? Suggestion? Pwede rin naman kung gusto mo..." Bigla niya akong ihiniga sa lamesa ko! Nalaglag na ang ibang documents. Kinakabahan na ako at para bang maiiyak na ako! Tang*na! Mukhang wala na talaga akong magagawa! Isinusumpa ko ang buong pagkatao ng manyakis na 'to! Bigla na niya akong pinatungan at itinaas niya ang mga kamay ko. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya napiwas na lang ako ng tingin. Ang bango pala niya... Medyo mabigat siya... Wala na talaga akong kawala sa kanya. Bababuyin niya ba ako sa sarili 'kong office? Feeling ko, maluluha na ako. Wala man lang akong kalaban-laban sa kanya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko kaya tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan. "You see... I'm not a rapist, my hottie doctor. I just want your heart..." Nabigla ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko na talaga siya maintindihan. "Please, look at me..." Alanganin akong tumitig sa kanya. Hindi ko alam ang pinaplano niya pero kabadong-kabado talaga ako. "I can also be a gentleman if you want; sabi nga nila, maginoo pero sobrang bastos..." Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naluluha na talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ko. "You know, masarap akong magmahal and I think, ikaw ang perfect person para paglaanan ko ng pagmamahal..." Tumitig na lang ako sa mga mata niya. Bakit ganito? Kitang-kita ko ang sincerity sa mga mata niya. He sigh... "If you really want me to release you, just say please..." Hindi ko alam kung anong trip niya pero mukha namang tutupad siya sa usapan. Gusto ko nang makawala. "Please..." Alanganin 'kong sabi. He smiled at me... "Good boy... You're so cute my hottie doctor..." Nilapit na naman niya sa mukha ko ang mga labi niya kaya napapikit na ako bigla. Hahalikan ba niya ako? I can feel his lips kissing my nose. Napadilat na lang ako bigla. Sa ilong lang pala niya ako gustong halikan. "Balang araw, mamahalin mo rin ako. Mark my word, Dr. Luther Velasco. Balang araw, kababaliwan mo ako..." Binitawan na niya ang mga kamay ko at inayos niya ang suot 'kong damit. "Pawis na pawis ka ah..." Kumuha siya ng panyo sa bulsa at pinunasan niya ako. Hindi na ako makagalaw. Natulala na yata ako. "It's so nice having this moment with you, my hottie doctor..." Umalis na siya sa pagkakapatong sa akin at inayos niya pa ang buhok ko. "See you again..." Sabi niya sabay kindat. Umalis na siya at naiwan na lang akong nakahiga dito sa lamesa ng office ko. Natulala na ako dahil sa nangyari. I don't really get what kind of person he is. Hindi ko alam kung masama ba talaga siya o hindi. Sobra akong natakot sa ginawa niya pero wala naman siyang ginawang masama sa akin. Hindi naman niya ako sinaktan pero sobra akong kinabahan ng ganito. He is a guy with extreme personality...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD