Katatapos lang namin mag-lunch ni Nurse Blake. Actually, I enjoyed having a time with him. Mukha siyang mabait at masaya kasama.
I have an appointment this afternoon. May annual check up 'yung pasyente at ang balita ko ay bulag siya.
Tinitignan ko na lang ang records dito sa office ko at maya-maya ay may kumatok na. I think, that's my patient.
Pumasok naman kaagad sila sa loob at tumambad sa akin ang dalawang lalake. One of them is blind but both of them are good-looking.
"Good afternoon..."
"Good afternoon din, Dr. Luther," sabay nilang bati.
"Have a seat," sabi ko.
Tinignan ko na lang ang medical records at galing pala sa Canada ang pasyente ko. Mukhang may doctor din siya sa mata.
"You're Dwayne Jansen Roca?" I asked.
"Yes doc," sabi nung bulag.
Tumingin naman ako sa kasama niyang lalake at nakangiti lang ito.
"You are?" I asked.
"Kiel Forcadela," he said.
Pagkatapos ng check up ko kay Dwayne ay hindi namin naiwasan na magkwentuhan. Actually, halos lahat ng mga naging pasyente ko ay nakikipag-kwentuhan sa akin.
I smiled... Parang may napansin ako. Laging nakahawak ang kamay ni Kiel kay Dwayne. Ramdam ko na may something sa kanila.
"Are you bestfriends or a couple?"
Halatang nagulat sila dahil sa tanong ko. Tsaka ko lang na-realize na napaka-pakealamero ko pala hahahahh.
"We're lovers," Kiel said while smiling.
"Oh! It's so cool! Mukhang matagal na kayo ah," sabi ko.
"Yeah... Actually, we love each other since we were little," he said.
"I'm very thankful that Kiel still loves me kahit nabulag ako," Dwayne said.
"Syempre! Love na love kaya kita, bebeko!" Sabi ni Kiel kay Dwayne.
Oh... Ang sweet naman. Bebeko pala ang tawagan nila. Medyo jologs pero ang sweet nila, nakakainggit.
Parang gusto ko tuloy bigla magkaroon ng syota ng wala sa oras hahahaha. Actually, hindi pa talaga ako nagkakaroon ng relationship kahit babae man o lalake.
Kahit talaga ang mga gwapong kagaya ko ay minamalas din sa love life hahahahha ang yabang ko.
"How about you, Dr. Luther? Do you have a girlfriend?" Dwayne asked.
"How I wish..." Sabi ko na lang sabay tawa ng mahina.
"Actually, you look really good! Parang may kahawig ka doc. Parang pinaghalong Jake Ejercito and Shawn Mendes," sabi ni Kiel.
Natawa na lang ako...
"Yeah, marami nga ang nakakapansin niyan," sabi ko.
"Talaga Kiel? So, pogi pala itong si Dr. Luther?" Tanong ni Dwayne.
"Oo, pero mas pogi ako," seryosong sabi ni Kiel.
Hahaahhah ok, medyo seloso pala itong si Kiel. Actually, natutuwa ako na makipag-usap sa kanila.
"Hindi ako naniniwala na hindi ka pa nagkaroon ng love life, doc!" Dwayne said cheerfully.
"Ganun talaga eh... I'm just a side character from someone's love story. Never akong naging bida," sabi ko.
Nalungkot tuloy ako bigla pero ngumiti si Dwayne. It's true, third wheel lang naman kasi talaga ako sa love story ni Eros and Cyril.
"You know what, Dr. Luther? I'm a secret writer. I believe that everyone has their own fairy tale. Malay mo, malapit nang magbukas ang chapter or love story na para sa'yo..."
How I wish... Sana nga magkaroon din ako ng love story. Seriously, I'm quite jealous everytime that I see couples like them.
Gwapo naman ako! Mabait ako! May pera naman ako! Matangkad din ako! Daks naman ako! Hahaahah ano pa ba ang kulang?
"Malay mo doc, hindi pala prinsesa ang nakalaan para sa'yo, kung hindi isang prinsipe," sabi ni Kiel sabay tawa.
Kung alam niyo lang hahahah. Minsan, prinsipe rin ang gusto ko.
Bigla na lang may kumatok sa pinto at pumasok na bigla si Nurse Blake. Ok, siya na ba ang prinsipe? Hahahah.
Parang nagulat pa si Kiel nang makita niya si Nurse Blake. Wait, what's happening in here? It looks like they know each other.
"Hey! Dito ka pala nagtatrabaho, Blake?" Tanong ni Kiel.
"Yeah! Hi Kiel and Dwayne! I'm glad to see both of you in here!" Sabi ni Nurse Blake.
"Mukhang siya na 'yung prinsipe na sinasabi ni Kiel, Dr. Luther ahahahh," sabi bigla ni Dwayne.
Nagtaka tuloy bigla si Nurse Blake at nahiya naman ako. Natahimik tuloy kami pareho ni Nurse Blake.
"Ehem! Magkakilala pala kayong tatlo?" Tanong ko.
"Yeah! They are my friends when I was in high school," sabi ni Nurse Blake.
"Oh... I see..."
"Hmmm... Dr. Luther, may pinapabigay pala na files si Dr. Robles kaya ako napadaan dito," sabi ni Nurse Blake.
Nilapag niya na lang ang documents sa table ko at nakangiti lang siya. This guy is really cute. Straight kaya siya?
"Doc, may dala pala kami ni Kiel para sa'yo," sabi ni Dwayne.
Kinuha ni Kiel ang dala nilang paper bag at may lamang cake. Mukhang masarap.
"Oh, thank you so much!" Sabi ko.
"How about me, Dwayne? Ganyan ah, kinalimutan mo na ako," sabi naman ni Nurse Blake.
"Sorry ah... We did not expect that you're also here," sabi ni Kiel.
"You may come in our house. My mom will bake a cake for you!" Nakangiting sabi ni Dwayne.
Oh... Mommy pala ni Dwayne ang nag-bake ng cake. Ang thoughtful naman. Binigyan pa nila ako, kakakilala ko lang sa kanila.
"Hmmm... Share na tayo dito, Nurse Blake kung ok lang sa'yo," nakangiti 'kong sabi.
Alanganin siyang ngumiti sa akin...
"Hindi ba nakakahiya?" Alanganin niyang tanong.
"We're friends, right?"
Ngumiti na siya sa akin. Mukhang mahiyain itong si Nurse Blake pagdating sa mga ganitong bagay.
"Oh siya, mauna na kami. We really have to go," sabi ni Kiel.
"Yeah... Magkainan na kayo! Este, kainin niyo na pala 'yung cake na binigay ko hahahahah," sabi ni Dwayne.
Lumapit si Kiel kay Nurse Blake at bumulong siya bigla.
"Pre, bagay na bagay kayo! Doctor and nurse? Hahahah aaayyyiiie!" Bulong ni Kiel kay Blake kaya hindi ko narinig.
Namula bigla ang mukha ni Blake at natahimik siya. Ano kaya ang binulong ni Kiel?
Umalis na silang dalawa at naiwan na lang kami ni Nurse Blake dito sa office. He can't look at me directly into my eyes. Mukhang nahihiya siya sa akin.
"It's not bad if we take a short break. Halika, kainin natin itong cake. It looks so yummy," I said.
"Of course it is... Dwayne's mother is the best baker," he said.
Ang ganda ng box nitong cake. There is also a fork in here. Mukhang isa lang talaga ang plastic fork.
"Hmmm... Kukuha na lang ako ng fork sa canteen para sa akin," sabi ni Blake.
Aalis na sana siya pero pinigil ko ang kamay niya. Napatingin siya sa hawak ko kaya binitawan ko siya.
"No, malayo ang cafeteria. Here, taste it first..." Sabi ko sabay abot ng tinidor.
"But they gave that to you..."
I smiled... Bakit mukhang nahihiya na siya sa akin? Hindi ko maintindihan.
"It doesn't matter! Come on, I know you want it," nakangiti 'kong sabi.
Tinikman na niya ang cake at mukhang gustong-gusto niya. Ako ang naghahawak ng cake.
"Hey! Subuan mo naman ako," natatawa 'kong sabi.
Parang nabigla siya...
"Are you sure?" Alanganin niyang tanong.
"Yeah... Sure naman ako na wala 'kang virus. Don't worry, malinis naman ako. Dali na! Subuan mo ako," nakangiti 'kong sabi.
Sinubuan na niya ako at tinitigan ko siya sa mga mata. Ang ganda talaga ng brown eyes ni Nurse Blake.
Umiwas siya ng tingin sa akin at ramdam ko na nahihiya siya.
He's so cute right now!
"It taste so good! Feed me more!" Sabi ko sa kanya.
Ang sarap ng dark chocolate cake. Sinubuan niya ako ulit at tinititigan ko lang siya. Pansin ko na namumula ang mukha niya tapos nanginginig pa ang kamay niya.
"Are you ok, Nurse Blake? Nanginginig ang kamay mo," sabi ko.
"I'm fine..." Mahina niyang sabi.
Ngumiti na lang ako. Baka talagang mahiyain lang siya. Pero ang weird, hindi naman siya ganito nung kumain kami sa cafeteria.
Nilapag ko na lang ang cake sa table at kinuha ko ang tinidor sa kamay niya. Ako na ang kumuha ng cake ahahah! Ang sarap talaga ng cake!
Tumusok ako ulit ng cake at itinapat ko sa bibig niya.
"Say aahhhh," nakangiti 'kong sabi.
Parang alanganin siya pero ngumanga na siya at sinubo na niya ang cake. Ang cute niya sumubo! Hahahahah.
Double meaning ba? Hahahahahah.
Nagustuhan ko talaga ang cake na bigay nila Dwayne sinubuan ko ulit si Nurse Blake. Huling subo na ito ng cake.
Nalagyan ko ng icing ang gilid ng labi niya. Pupunasan na niya sana ang gilid ng labi niya pero pinigil ko ang kamay niya.
"Ako na, baka ikalat mo lang," sabi ko.
Pinunasan ko na ang gilid ng labi niya gamit ang mga daliri ko.
"Sorry, walang tissue..." Sabi ko.
Sinipsip ko bigla ang icing sa kamay ko. Ubos na kasi ang cake. Napansin ko naman na namula siya bigla.
"Sorry, ang sarap kasi!" Sabi ko sabay tawa ng mahina.
He bit his lower lip. It looks like he is really shy and uncomfortable.
"Pakisabi na lang kila Dwayne, nagustuhan ko 'yung cake. Baka pwede na mag-order ako sa mommy niya ng cake?"
"O-Ok, I-I'll tell them. Thank you for the food. I have to go," nahihiya niyang sabi.
Lumabas na siya ng pinto at mukhang natataranta siya. What have I done?
Kumunot na lang ang noo ko pero maya-maya ay napangiti na naman ako ng wala sa oras. Gwapo siya pero medyo mahiyain.
This guy is really cute. I want to know him more. Ngayon na lang ulit ako nakakita ng cute na kagaya niya maliban kay Cyril.
I smiled...
Is he straight? I think, I need to find out the answer for that question. Mukhang ramdam ko naman na may chance bumigay itong si Nurse Blake.
Tignan natin kung magugustuhan ba kita. I never hold back for someone that I want. Gusto kitang kilalanin.
You've catched my attention...
Cute nurse...