Chapter 3: New Love?

1566 Words
Pauwi na ako, inaayos ko lang ang mga gamit ko dito sa office. I'm really tired because of this job. Araw-araw akong pagod. I think, I need to unwind. Siguro, susulitin ko na lang ang day off ko. Bumaba na ako sa parking lot at sumakay na ako sa kotse. I'm an independent person but I'm still living with my parents. Ayaw din kasi nila na mapalayo dahil only child ako. Nag-drive na ako palabas ng hospital. Napansin ko na may naghihintay ng masasakyan. Napangiti na lang ako. Hininto ko ang kotse sa harap niya at ibinaba ko ang bintana. "Sabay ka na sa akin," sabi ko. He looks so shy... "Hmmmm... Nakakahiya, doc." I smiled... Mahiyain talaga itong si Nurse Blake. Baka nahihiya lang siya kasi hindi pa kami close. "Dali na, ihahatid na kita..." Yumuko na siya tapos pumasok siya sa kotse ko. Tinanong ko na lang kung saan siya nakatira. Malapit lang naman daw ang condo na tinutuluyan niya. "Hmmm... Dr. Luther, pasensya na at naabala pa kita. Kakasimula ko pa lang kasi sa trabaho kaya wala pa akong napupundar." I smiled... "It's ok, magkaibigan naman tayo diba? Please, don't be shy and just call me Luther. Wala naman tayo sa hospital," sabi ko. He smiled at me... "You're kind..." Mahina niyang bulong pero narinig ko. Pansin ko na napangiti siya... Grabe, ang cute talaga ng dimples niya kaya halatang-halata kapag ngumingiti siya. He is too silent... Pansin ko na pagkatapos pumunta nila Dwayne sa office ko, naging mahiyain na siya. Baka may sinabi si Kiel at Dwayne? I'm too curious... May nagawa kaya ako na hindi maganda para mailang siya sa akin? Baka naman nahihiya siya sa kagwapuhan ko? Hahahah. "Hmmm... Kwento ka naman tungkol sa buhay mo. Gusto kitang makilala," sabi ko. He looked at me... "My parents are both living in Australia. Nagpaiwan ako dahil mas gusto ko dito sa Pinas. Only child ako. Maykaya naman kami pero after ng graduation, gusto ko na maging independent kaya 'di na ako tumatanggap ng pera galing sa parents ko. We're in good terms naman. Bumibisita ako sa kanila kapag Christmas. Bilang lang sa daliri ang friends ko at kasama ka na doon..." Oh... So sweet hahahah. Ramdam ko naman na sincere siya at may tinatagong kabaliwan. Siguro, hindi pa siya sanay na kasama ako. I'm just looking at him... Ang cute talaga niya. Ang gwapo niya. Kaasar, ngayon na lang ulit ako nagwapuhan sa lalake bukod sa sarili ko hahahah. "Hey! Don't stare at me. Baka mabangga tayo niyan," natatawa niyang sabi. "Oh sorry! Napansin ko lang kasi, may hawig ka kay Alexander Stewart," seryoso 'kong sabi. He laughed a little... "Yeah, marami nga ang nagsasabi niyan," sabi niya. "But you're more handsome. Ang ganda ng jawline mo," sabi ko. "Thanks, baka mamaya crush mo na ako niyan ahhaahha." Sabi ko na nga, may kabaliwan ka ring tinatago. Hindi ako nagpapatalo sa mga ganyang banat, cute nurse! Hahaahh. "Bakit? Bawal ba na maging crush kita, Blake?" Seryoso 'kong tanong. Kitang-kita ko na nagulat siya tapos umiwas siya ng tingin. Pansin ko na namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Uy, bakit natahimik ka? Kinilig ka ba, Blake? Hahahahha," natatawa 'kong tanong. "Bakit? Bawal ba na kiligin ako?" Mahina niyang bulong. "Anong sabi mo?" "Wala, sabi ko 'wag 'kang mag-ilusyon! Masyado 'kang gwapong-gwapo sa sarili mo," natatawa niyang sabi. "Bakit, gwapo naman talaga ako diba?" Nakangiti 'kong tanong. Sinuntok niya ako ng mahina sa braso at natawa siya ng mahina. Feeling ko, may chance ako sa lalakeng 'to. Mas madali siyang pakiligin kaysa kay Cyril noon. Humanda ka cutie... Kapag nagustuhan ko ang attitude mo, magiging akin ka hahahah. "Ikaw naman, magkwento ka naman tungkol sa sarili mo," sabi niya. "Hmmmm... Only child din ako. Nakatira ako sa parents ko dahil ayaw nila na mapalayo ako at masyado silang sweet hahahah. Medyo marami akong friends pero lagi akong busy sa trabaho," sabi ko. "Oh... I see..." Hinatid ko na siya sa isang building. Mukhang maykaya nga sila sa buhay. Noong high school pa raw siya nakatira sa condo niya. "Pasok ka muna sa unit ko," sabi niya. Sumunod na lang ako sa kanya. Maganda dito sa building. Pagpasok ko sa unit niya ay malawak pala tapos malinis sa loob. "Naks! Organized lahat ng mga gamit at malinis ah," sabi ko. "Hahahaha burara ako sa mga gamit dati. Nag-mature lang talaga ako," natatawa niyang sabi. Tumingin na lang ako sa mga pictures niya. Hinawakan ko ang isang picture frame. Natuwa ako ng sobra. "Hey! Sobrang cute mo noong bata ka pa dito sa picture!" Sabi ko. Napatingin ako sa kanya at nagulat tuloy ako. Naka-boxers lang siya bigla. Naks! May abs siya. Grabe, bigla na lang naghuhubad hahahah. "Bakit? Cute din naman ako ngayon diba? Crush mo nga ako eh," sabi niya sabay tawa. "Hey! Wala akong sinabing ganyan hahahah. Magdamit ka nga! Baka lamigin ka," sabi ko. "Sensya na, sanay ako na ganito lang ang suot dito. Why? Don't you feel comfortable? Nakaka-insecure ba ang abs ko?" Natatawa niyang tanong. I raised my eyebrow... "May abs din ako! Gusto mong makita?" Tanong ko sabay ngiti ng nakakaloko. Tinawanan na lang niya ako. Mukhang nagiging komportable na rin siya sa akin. Tinignan ko na lang ang iba pa niyang pictures na naka-display. May nakita ako na batang kasama niya na may suot na salamin. "Sino itong isang cute na kasama mo?" Tanong ko. "Hmmm... Si Dwayne 'yan. We're classmates when I was in grade 4." Naks! Matagal na rin pala silang magkakilala ni Dwayne. "Ok lang ba kung dito ka na mag-dinner? Marunong ako magluto." Tumango na lang ako at nginitian ko na siya. Pumunta na siya sa kusina at mukhang nagsisimula na siyang magluto. "Luther, buksan mo 'yung wifi! Please accept my friend request," sabi niya. Tinignan ko ang phone ko at nakita ko nga ang friend request niya. Ang pogi rin ng mga pictures niya. Lumapit na siya sa akin at may dala pa siyang sandok at phone. Nakasuot pa siya ng apron kahit naka-boxers lang siya. Ang hot... "Hey, bakit 'di mo pa i-accept ang friend request ko?" Tanong niya. May pumasok bigla na kalokohan sa isip ko hahahah. "Kasi, hindi ko matanggap na hanggang friends lang tayo," sabi ko sabay kindat. Natawa siya bigla tapos muntik niya pa akong hampasin ng sandok. "Tigilan mo nga ako! Ang dami mong alam! Ang landi mo hahahahah!" Natawa na lang din ako tapos bumalik na siya sa kusina para magluto. Sinundan ko na lang siya sa kusina at mukhang masarap ang niluluto niya. "Mukhang masarap ang niluluto ng bebeko ah," natatawa 'kong sabi. "Tumigil ka nga! Ginaya mo pa ang call sign nila Dwayne hahahah." Mabango 'yung niluluto niyang sinigang na hipon. Mukhang magaling siya magluto. "Mahilig ka magluto?" Tanong ko. "Yeah... Kapag may time ako, nagluluto talaga ako." Napatingin ako sa mga gamit niya dito sa kusina. I saw a blender. I looked at his ref and there are fruits. "Gusto mo, gawa ako ng shake?" "Sige, bahala ka diyan," sabi niya. Napangiti na lang ako habang hawak ang saging. Naalala ko noong ginawan ko ng milk shake si Cyril hahahah. Pagkatapos magluto ay hinanda na ni Blake ang mga pagkain. Sinalin ko na rin ang banana shake sa mga baso. Kumain na kaming dalawa at masarap nga ang luto niyang sinigang na hipon. Kain lang ako ng kain. "Ang sarap ng luto mong sinigang, Blake," sabi ko. "Halata nga... Sarap na sarap ka sa talong ko eh," natatawa niyang sabi. Hahahahah... 'Wag mo akong simulan ng ganyan, Blake. Hindi mo ako kilala kung paano ako mang-trip hahahah. Habang kumakain ay tinikman na niya ang banana shake. "Masarap pala itong banana shake mo, Luther..." Ngumiti na ako ng nakakaloko... "Oo, masarap talaga ang banana ko..." Kumunot na lang ang noo niya tapos inom siya ng inom. Mukhang nagustuhan nga niya. "Marami 'kang gatas na nilagay?" Tanong niya. "Yeah... Actually, may secret ingredient talaga 'yan," natatawa 'kong sabi. "Huh? Ano naman?" Tanong niya habang nakakunot ang noo. "Modtakels... hahahahah." Naubo siya bigla dahil sa sinabi ko. Hinimas ko na lang ang likod niya hahahahah. Na-gets pala niya. "Ano? Mukhang sarap na sarap ka sa modtakels ah," natatawa 'kong sabi. Ubo lang siya ng ubo kaya natatawa talaga ako sa kanya. Si Cyril lang talaga ang kilala ko na sobrang inosente. Baka hindi na siya inosente ngayon dahil kay Eros hahahah. "Alam mo, may kilala ako na hindi ma-gets kung ano ang modtakels," natatawa 'kong sabi. "May kilala naman ako na mas manyakis pa kaysa sa'yo..." Talaga ba? Hahahaha. Siguro, hindi ko muna dapat harutin ng ganito si Blake dahil kakakilala ko lang sa kanya. Ramdam ko naman na kaya niyang sakyan ang mga trip ko hahahah. "Pagpasensyahan mo na ako, Blake. Ganito talaga kalakas ang trip ko minsan," sabi ko. "Ayos lang, minsan din naman malakas ang trip ko." "Ipapakilala kita sa friends ko sa susunod. Sure ako na makakasundo mo sila," sabi ko. "Ako rin, sure ako na makakasundo mo ang mga kaibigan ko. Kasundo mo na nga agad sila Dwayne eh," sabi niya. May naalala tuloy ako bigla tungkol kila Dwayne. What if I ask him about that kind of relationship? Is it ok for him? Hindi masasagot ang tanong ko kung hindi ko sisimulan. "Hmmm... Blake, ayos lang naman ba sa'yo ang relationship ni Kiel at Dwayne?" Tanong ko. "Yeah... Kaibigan ko sila eh," sabi niya. "Ikaw naman, ayos lang ba sa'yo na pumasok sa relationship na kagaya ng sa kanila?" Tanong ko sabay ngiti. Naubo na naman siya bigla. Namumula na si Blake kakaubo. Pinainom ko na lang siya ng banana shake ko haahhah. "Tigilan mo na nga ako sa mga kalokohan mo, Luther. Ang lakas mo mang-trip eh ahahhah." Sige lang, mukhang umiiwas ka pa sa tanong ko. Mukhang hindi pa siya komportable. Kikilalanin kita, Blake. Ngayon na lang kasi ulit ako nakakilala ng tao na gusto 'kong kilalanin. This time, I will never lose. Feeling ko naman ay mabuti 'kang tao. I can feel that you're sweet and sincere. Ito na kaya ang hinihintay ko? I don't know... I think, I should try again for one more time. Baka this time, ito na talaga ang perfect moment para sa akin. Ito na kaya ang tamang oras para buksan ko ulit ang puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD