bc

YOU'RE MINE MISS REPORTER SUNGIT

book_age18+
1.5K
FOLLOW
17.4K
READ
billionaire
HE
second chance
badboy
powerful
heir/heiress
bxg
lighthearted
scary
loser
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Si Natalya Marie ay isang magaling na reporter sa kanyang henerasyon at sa kanilang departamento.Kaya naman s'ya ang pinadala ng boss n'ya para mag cover ng isang report kung saan ay kinailangan n'yang pakisamahan ang ex boyfriend n'ya na nanakit at bumubully sa kanya noong nasa pag-aaral pa s'ya.Kinailangan n'ya kasing alamin ang lahat sa buhay ng isang Sebastian Clyde Fernandez Ferrer na isang batikan na multi millionaire at isa sa mga bachelor ng henerasyon nya na kinakikiligan ng maraming kababaihan.Ginawa lamang s'ya nito at ng mga barkada nito na isang laruan.Dahil nagawa ng mga ito na pagpustahan s'ya.Dati kasing maitim at matabang babae si Natalya kaya naman sa kanilang school ay tampulan s'ya ng tukso kaya naman ng manligaw sa kanya noon si Sebastian or Seb sa mga taong malalapit dito ay agad itong nahumaling sa aking kagwapuhan nito na inakala n'yang totoo ang pagmamahal nito sa kanya.Paano kaya pakikisamahan ni Natalya ang ex boyfriend n'ya na naging unang pag-ibig n'ya na s'ya ding naging kabiguan nito.Paano n'ya mapagtagumpayan ang trabahong iniatang sa kanya ng Boss nya na hindi n'ya kayang biguin.Dahil noong nagsisimula pa lamang s'ya sa larangan ng pagiging reporter ay ito ang unang taong naniniwala sa kakayahan n'ya.Ating tunghayan ang nakakatawa at nakaka inspired na pagmamahalan ng ating mga bida na sana ay inyong muling magustuhan.Manaig pa kayang muli ang pag-ibig?Kung ang puso ay nabalot na ng poot at nais na lamang ay makaganti sa nagawa nitong pananakit sa kanya

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"ALAM MO! Kung hindi lang dahil sa aking Boss ay malabong gawin ko ang trabahong ito!"Inis na singhal ko kay Seb. "I'm sorry! Natalya kasalanan ko ang lahat,,kung bakit nandito tayo at bihag ng mga armadong grupo na ito....Huwag ka mag-alala dahil alam kong hinanap na tayo ng mga tauhan ko kaya naman sana ay h'wag ka ng magalit sa akin at halika dito...Dahil baka mamaya may lumapit sa'yo d'yan."Paliwanag nito sa akin at talagang pinapalapit pa ako sa kan'ya.Ang lakas ng sapak ng isang ito at hindi man lang talaga ako nito nakikilala hanggang ngayon. Sabagay paano ako nitong makikilala kung ang dating ex-girlfriend nito na kanyang niloko noon na chubby at panget ,ngayon ay dyosa at kinikilalang reporter na sa buong bansa. “Nakakainis ka talaga!?”Sigaw ko pa dito at naupo na lamang sa isang tabi. “Alam kong ikaw yan Chub's,nagpalit ka man ng apelyido..Dahil sa iyong ama na kinuha ka ay alam kong ikaw iyan ang babaeng minsan ay naging akin na ginago at sinaktan ko lamang.” Wika pa nito sa akin na ikinalingon kong muli dito. “Pwede ba Mr.Sebastian Fernandez Ferrer….Hindi ito ang oras para sa drama at anong pinagsasabi mo na kilala muna ako at sino si Chub's?!”Maang-maangan na tanong ko pa dito,kahit ang totoo ay iniiba ko lamang ang usapan..Dahil ayaw ko ng maalala ang mga panahon na iyon na halos pinagmukha akong tanga nito at ng mga barkada n'ya. Muntik pa akong magpakamatay noon ng dahil sa ginawa sa akin na panloloko nito na nagawa nitong pagpustahan at paglaruan lamang ako. “Chub's,alam kong alam kung ano ang sinasabi ko sa'yo ngayon at please lang h'wag ka ng magpanggap na hindi ikaw iyan…..Dahil alam ko ang amoy mo maging ang pagkilos at ang mga parte ng katawan mo na iyan na bagama't lumiit na ay tandang-tanda ko pa din ang bawat parte! Kaya naman h'wag kang magkakaila sa akin na may malaking nunal ka sa iyong dibdib!” Paliwanag nito sa akin na agad pa akong napalapit dito dahil sa huling sinabi nito. “B'wisit ka talagang lalaki ka at kailangan pa talaga na ipangalandakan mo dito noh! Paano nalang kung may makarinig sa'yo!” Inis na wika ko dito at pinaghahampas ang balikat nito. “Ehh!Di lumapit ka din sa akin!” Sabi nito sabay hapit ng aking bewang para mas maglapit ang aming katawan. “Bitawan mo ako Gabriel!” Utos ko dito at ngumisi lamang ito. “Paano kung ayaw ko, may magagawa ka ba para makaalis?” Tanong nito sa akin. “Ah ganoon!” Sabi ko pa dito ng may pilyang ngiti sa aking mga labi. “Araaayyyyy! Bakit mo naman tinuhod ang junior ko,paano pa tayo makakabuo nito!” Nagtatalon ito habang hawak ang kanyang junjun na tinatawanan ko lamang. Kanina kasi ay dapat pupunta kami nito sa isa sa mga planta nito dito sa Batangas ng bigla na lamang kami na tambangan ng mga armadong lalaki. Kaya naman nandito kami ngayon sa isang tila abandoned house kung saan ay ikinulong kami sa isang kwarto. Kanina ay mga tali ang mga kamay at paa namin na natanggal din naman agad ni Seb,dahil ewan ko ba sa lalaking ito at magaling sa mga ganitong bagay..Ang iniisip na lamang namin ngayon ay kung paano kami lalabas sa silid na ito ay at sana ay makaisip na ang mokong na ito. Nang matanggal kasi nito ang aking tali kanina ay bumalik din agad ito sa kan'yang kinauupuan kaya nga sinabi nito sa akin na lumapit ako ng kusa sa kanya. “Amazona ka na din ba ngayon? Grabe ka Chub's ang sama ata ng tama ni junjun ko dahil sa ginawa mo!” Wika pa nito na tinaasan ko lamang ng kilay habang nakalagay ang aking mga braso sa harapan. “Kung binitawan mo agad ako kanina ay hindi mangyayari sa'yo yan…..At pwede ba h'wag mo akong matawag-tawag na Chub's d'yan at matagal ng wala ang matabang babae na panget iyon na niloko at pinaglaruan ninyo ng mga kaibigan mo at alam mo ba! Tulad ng sinabi ko kanina na kung hindi lamang dahil sa aking Boss ay malabong gawin ko ang trabahong ito na alamin ang lahat ng tungkol sa'yo…Dahil para sa akin ay matagal ka ng patay Sebastian mula ng sirain at ipahiya mo ako sa buong campus na naging dahilan para lalo akong mabully na naging sanhi din ng pagtigil ko sa pag-aaral.” Mahabang litanya ko dito na hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. Magsasalita pa sana ito ng biglang bumukas ang pinto at nagulat pa ang mga armadong lalaki ng makita kami na nakatayo at wala ng mga tali. “Paanong nakawala kayo?” Tanong pa nito na parang ewan at agad na inutusan ang mga kasamahan n'ya na hawakan kami at dahil ayaw ko ng muling magpahawak sa kanila ay nanlaban at nagpumiglas ako na balewala din dahil muli ay nagawa nilang itali at igapos ang aking mga kamay at paa. “Itali n'yo ng maayos ang mga iyan at pagkawala pang muli ang mga iyan ay kayo na ang igagapos ko d'yan!”Utos nito sa tono ng boses na pasigaw. “H'wag n'yo na kaming pahirapan ano ba ang mga kailangan nyo?Kung pera ay magbibigay ako,kahit magkanu,,,palayain nyo lamang kami!”Sabi ni Gabriel sa mga ito,ngunit tila bingi ang mga ito at ni isa ay walang sumagot sa tanong ni Seb sa kanila. Habang si Sebastian naman ay patuloy pa din sa panlalaban sa mga ito. “Aahh! Ungol nito na aking ikinasigaw dahil halos sumuka na ito ng dugo sa mga pinsalang natamo mula sa pagkakabugbog. “Tama na Seb,please tumigil ka na sa panlalaban sa kanila….Dahil sa dami nila ay malabong makatakas pa tayo dito!” Umiiyak na sabi ko dito,dahil nakakaawa na ang hitsura nito ngayon na putok na ang bibig ang mga mata nito ay hindi na maimulat. “Hayop kayo! Kapag nakalabas kami dito ay lintik lang ang walang ganti “ Sabi pa ni Seb sa mga ito na kahit hirap na itong magsalita. “Iyon ay kung makakalabas ka pa dito ng buhay Ferrer!” Sabi ng mga ito at nagtawanan pa. “Makinig ka dito sa magandang kasintahan mo! Makinis at maganda pa naman.” Nakangisi na sabi pa ng isa sa mga lalaki dito na lumapit pa sa akin. Nang hawakan ako nito ay agad kong tinabig. “Ang arte mo!”Sabay sampal nito sa akin. “Tigilan mo iyan Tor,dahil kapag nalaman ni Boss na hinahawakan mo si Miss reporter ay tiyak na mauuna ka pa d'yan kay Ferrer sa impyerno!” Sabi dito ng isa sa mga kasamahan nito. “Pasalamat ka Miss.Sungit dahil bawal ka namin galawin,kahit takam na takam na ako sayo!” Sabi pa nito na medyo nilapit pa ng bibig sa akin..Kaya naman amoy na amoy ko ang mabahong hininga nito. “Lumabas na tayo at mukhang ang Ferrer na iyan ay magtatanda na sa ginawa natin sa kanya!”Utos ng pinaka leader ng mga ito. Nang makalabas ang mga ito ay pinilit kong makalapit kay Seb. “Seb, please kumapit ka at h'wag mamatay,kung ayaw mo na pagpyestahan ng mga ulopong na iyon ang katawan ko!” Pananakot ko pa dito. “Masamang damo ito Miss reporter SUNGIT kaya naman h'wag ka mag-alala ng sobra dahil malayo ito sa bituka!” Sagot nito sa akin na nagawa pa na sabihin ang madalas na tawag nito sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook