Matapos ko na imeeting ang aking team.
Pumunta na muna ako sa aking mesa at sumunod naman sa akin si Mikee.
“Besh!” Tawag nito sa akin na tila ba may gusto itong itanong sa akin.
Tinaasan ko naman ito ng kilay.
“Si Seb ba ang itatanong mo sa akin?”Tanong ko dito.
“Bakit tinanggap mo ang project na ito,alam ko naman na may past kayo noon ni Sebastian.” Sabi pa nito sa mahinahon na tono ng boses na tanging kami lamang ang nakakarinig na magkaibigan.
“Trabaho naman ito at labas ang anuman na personal na nakaraan ko sa nakaraan namin noon ni Seb,at isa pa mukhang gusto talaga ni ma'am Lofea na makuha ang simpatya ni Seb kaya naman tinanggap ko na din.”Sagot ko sa aking kaibigan.
“Sigurado ka na ba d'yan Natalya!? Baka mamaya ay kainin mo ang lahat ng sinasabi mo ngayon sa akin!” Sabi pa nito sa akin.
“Alam mo Besh, bumalik ka na sa upuan at mesa at gawin ang trabaho mo,at h'wag ka ng mag-alala sa akin,dahil kaya ko ang trabahong ito.” Sagot ko dito.
“Sana lamang Besh ay hindi ka umiyak sa huli,dahil sa ginagawa mo na ito.” Paalala pa nito sa akin na alam ko din naman kung bakit ganito ito kung magpaalala sa akin ngayon,dahil halos magpakamatay na ako noon ng aking malaman na ginagago at pinagpustahan lamang ako ng kauna-unahang lalaki na minahal ko at muntik ng pag-alayan ng aking sarili noon.
“Okay lang ako Besh,kaya sige na bumalik ka na muna sa mesa mo para masimulan na natin ang trabaho na ito.” Utos ko pa dito.
“Sige na nga,hindi na kita kukulitin about kay Seb,malaki na ang ipinagbago mo simula ng saktan ka n'ya noon at alam ko na mas malakas ka na ngayon at maging sa physical appearance ay malaki na din ang ipinagbago kasabay ng pagpapalit mo ng surname na ginagamit mo ngayon ang pagbabago din ng sarili mo.” Sabi pa nito sa akin.
Bumalik na nga ito sa kan'yang upuan at tumutok na din sa kan'yang laptop.
Napapaisip din ako dahil sa mga sinasabi ni Mikee ngayon sa akin.
Pilit ko na kasing kinalimutan ang lahat ng mga nangyari noon.
Dahil sa sakit na idinulot nito sa akin.
******************************************
Flashback's 15 years ago
Natalya
Palabas na ako ng campus ng bigla na lamang na may lalaking bumangga sa akin at ang nakakabwisit ay hindi man lang ito humingi man lang pasensya sa akin.
Dire-diretso itong naglakad,gusto ko pa sana itong sundan,kaya lang ay kailangan ko pang pulutin ang mga nahulog kong mga kagamitan.
“Miss, kailangan mo ba ng tulong?”Napatingala ako sa taong nagtatanong sa akin…At nagulat ako dahil ang lalaking nagtatanong sa akin ay walang iba kundi si Sebastian Clyde Fernandez Ferrer ang varsity player ng school nila at isa din sa MVP.
“Miss! Okay ka lang ba? Tulungan na kita.”
“HA!” Ah,eh ,okay lang ako!” Sagot ko dito na nahihiya pa dahil hindi ko alam kung paano ang aking gagawin na pagsagot dito.
“H'wag ka ng mahiya sa akin,ano ba kasi ang nangyari at nahulog ang mga gamit mo?” Tanong pa nito sa akin habang ibinibigay ang mga napulot nitong gamit ko.
“Salamat!” Sabi ko pa dito ng nakangiti.
“Saan ba ang department mo at ihahatid na kita?”
“H'wag na nakakahiya naman sayo kung ihahatid mo pa ako,medyo malayo din ang building ng section B dito!” Sagot ko dito.
“Okay lang wala naman kaming klase ngayon sa first subject ko kaya pwede kitang maihatid,halika na at baka bumuhos na ang ulan!” Sabi pa nito sa akin ng nakangiti.
“Sige ikaw ang bahala pero baka mamaya ay mabully ka din dahil lumalapit ka sa akin!” Paalala ko pa dito dahil sa campus na ito ay madalas akong mabully dahil sa aking physical appearance.
Isa kasi akong matabang babae na may brace at malaking salamin at ang aking damit naman ay halos umabot na ang palda na dapat ay hanggang tuhod lamang ang sa akin ay abot na sa aking paa.
Kung titingnan mo ang aking kabuoan ay isa akong certified na nerd na babae kaya naman marami ng nangbubully sa akin dito sa campus.
Magtatapos na ako ngayon taon sa aking senior high at inaasahan ng aking mga magulang na magkakaroon ako ng mataas na grado na nasisiguro ko naman na aking maibibigay dahil hindi naman sa pagyayabang ay nabiyayaan naman ako ng katalinuhan.
Iyon nga lang ay kinulang sa ganda pero okay, at least may utak naman kaysa naman sa maganda naman wala naman laman ang utak.
Naglakad na nga kami ni Seb papunta sa building kung saan ang room ko.
“Bakit ka ba kasi binubully ng mga studyante dito sa campus at bakit hindi ka din nagsusumbong sa guidance para maparusahan ang mga gumagawa sayo nyan.” Sabi sa akin ni Seb habang naglalakad kami.
“Ginawa ko na iyan at ako lang ang nabaliktad,kaya naman minabuti ko na lamang na hayaan na lamang sila at huling taon ko naman na dito sa campus ngayong taon.” Sagot ko dito.
“Ganoon ba! So saan ka magka-college kung sakali man?” Tanong pang muli nito sa akin hanggang sa makarating kami sa aking room ay tanong lang ito ng tanong ng kung anu-ano sa akin.
“Hindi ko pa sigurado sa ngayon kung saan ako magka-college,siguro ay saka ko na lamang iisipin iyon.” Sagot ko dito.
“Salamat sa paghatid mo sa akin!” Sabi ko dito.
“Okay lang nandyan na kaya ang teacher,pwede kaya akong makisit-in dito kung sakali man?” Tanong pa nito sa akin.
Pumasok na kami sa loob at dinig na dinig ko ang bulungan ng aking mga kaklase dahil sa kasama ko ngayon ang campus crush at varsity player ng aming campus na kinahuhumalingan ng maraming kababaihan,at halos lahat na ata ng babae dito sa campus ay may crush na sa kanya at sa mga kaibigan nito na pawang varsity player din.
"Ano kayang gayuma ang ginamit ng bruha na iyan,para lumapit sa kanya ang ating Sebastian, at hinatid pa talaga dito sa sa atin room!"
"Malamang baka ginayuma n'ya na talaga si Sebastian kaya lumapit sa kanya,alam naman natin na ang mga tipo ni Sebastian ay kagaya ni Quennie."
Maarteng usapan ng aking mga kaklase
Para na akong maiiyak na naman dahil sa mga sinasabi nila sa akin na pinaghihinalaan pa nila akong mangkukulam dahil lamang sa nakita nilang magkasama kami ngayon ni Seb.
Dahil tama naman ang mga ito kung ikukumpara nga naman sya kay Quennie na leader ng cherring squad ng kanilang campus na maganda,sexy at kinikilala sa buong campus dahil ito din ang campus queen,bagay na bagay nga talaga dito ang kanyang pangalan.
Iyon nga lang kung sa talino lang naman ang pagbabasehan ay kayang kaya n'ya itong labanan,dahil aking nababalitaan na halos pasang awa lahat ng grades nito at nakakapasa na lamang din ito dahil sa kapangyarihan din ng pamilya nito.
“Quiet class! At ikaw Mr.Ferrer anong ginagawa mo dito sa aking klase?” Tanong subject teacher namin dito.
“Wala po kasi kaming pasok ngayon sa aking first subject,kaya maari po ba na makisit-in nalang po muna ako dito.” Sagot nito sa teacher namin.
“Sige maghanap ka na ng bakanteng upuan d'yan at please lang h'wag ka masyadong magpacute d'yan,dahil ang mga studyante kong babae ay baka sayo na lamang ang atensyon at hindi na sa leksyon ko!” Sabi ni teacher Lucia Mendez dito.
Naupo na din sa aking upuan at hinayaan na itong maghanap ng mauupuan n'ya.