Kabanata 125 Harvey’s POV ‘Di ako mapakali sa higaan hanggang hindi ko nalalaman kung sino ang kanyang kausap kanina. Iba kasi talaga ang tawa ni Lee, na parang ang saya-saya niya sa mismong kausap niya. Bumangon ako sa kama saka sumilip muli sa bintana, pero wala na si Lee sa kanyang puwesto kanina. Baka pumasok na ng bahay. Lumabas ako ng silid para makausap siya, nang nakita ko nga siyang nakipag-usap muna siya kay mama. Nakikipag-usap siya pero may ngiti pa rin ito sa kanyang labi, pero hindi naman iyon napansin ni mama dahil nga sa parang ang lalim ng kanyang inisiip. Naghintay lang ako sa kanya rito na dumaan sa silid ko bago siya makapasok sa kanyang silid. “Lee,” “Oh, Kuya? Bakit po?”

