Kabanata 126 Helen’s POV Maagang nagsialisan ng bahay ang mga kasama ko sa bahay, si Lee sumama sa Kuya niyang pumunta ng hideout, tumango naman kasi si Bernardo na pwede pumunta si Lee, kasi nga tungkol diin doon sa tumawag kay Lee na mystery caller. Ako lang natira mag-isa rito sa bahay pati ang mga nagbabantay sa labas. Wala naman kaming katulong na stay-in. Kaya ako ang minsanang naglilinis ng bahay. Walis-walis, nagpupunas ng bintana. Mga magagaan lang naman na gawain, kasi ayaw ni Bernardo na papagurin ko ang sarili ko. May tigalaba naman kami. Kaya hindi gaanong hassle. Bago ako maglinis, siyempre nagsuot muna ako ng pambahay at komportableng damit para hindi ako mapagod kaagad. Saka nagtali na rin muna ako ng buhok.

