Kabanata 127 Ella’s POV Tinawagan ko kaagad si Lumier para makipagkita sa kanya ngayong araw, actually…alam na talaga niyang magkikita kami, pero hindi niya alam kung saan kami maghihintayan. Mas pinili kong sa malapit lang sa place niya ako maghintay, para naman hindi na siya mag-aksaya ng oras na magmaneho ng mahabang biyahe. “Shocks, kanina ka pa ba rito?” “’Di naman, mga minutes lang.” Nahiya naman siya ayon sa kanyang ikinikilos. “Ano ka ba, para namang hindi tayo magkatrabaho niyan, e.” “Kasi naman, nakakailang at ikaw pa talaga ang naghintay, imbes na ako ang lalaki.” “May ganyang side ka pala?” “Bakit? Ano ba ang tingin mo sa akin?” “Hmm, seryoso.” “Oh? Seryoso naman talaga ako.” Nagkamot naman ak

