Kabanata 128 Cindy’s POV Kanina ko pa kinokontak si Lumier, dahil nababagot ako sa bahay, at wala naman kaming ginagawang misyon. Kaya magpapasama sana ako sa kanyang gumala. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakausap. Humahapdi na ang daliri ko sa kapipindot ng telepono. The number you dialed is busy at the moment please---. ‘Di ko pinatapos ang inglesirang babaeng sumasagot sa akin sa telepono. Hays! Ano namang gagawin ko ngayon, hmm, wait, I’ll try Lala. Kaagad kong kinontak si Lala, ilang ring pa rin ay wala pa ring sumasagot. Kung kanina ay kay Lumier na tawag ay may sumasagot na babaeng inglesira, kay Lala naman, wala talaga. Deretso toot toot toot, nakakainis! Inis kong isinilid ang aking phone sa loob ng aking bulsa. Saka nag-iisip kung sa

