JANE POV
Habang nagluluto ako ng adobo at nagsasaing ng kanin ay sumasagi sa isipan ko yung mga gamit ko sa bahay. Because everything seems to happen so fast, lahat ng mga gamit ko ay nasa bahay pa rin. Yung school uniform ko, mga pambahay na damit at maging yung mga pang alis.
Ang make up ko, luma kong laptop and everything. How am I suppose to go to school kung nandoon ang lahat ng gamit ko? I know they are not as expensive kagaya ng mga damit ni Apollo but they are still my belongings. Bukod sa tshirt at short ko ngayon ay wala na akong ibang maisusuot. Alangan naman na yung bridal gown ko ang gamitin ko, mag mumukha akong tanga.
Inabot ako ng mahigit 40 minutes sa pagluluto ko ng adobo pero naging mabilis lang ang pagsaing ko ng kanin. Nakakapanibago kasi ang lugar na ginagalawan ko. Pakiramdam ko rin ay minamanman niya ang bawat kilos ko kahit na mahimbing pa siyang natutulog sa kama.
Abala ako sa paghalo ng niluluto kong adobo nang may maramdaman akong yumakap sa likuran ko at lumamas sa boobs ko.
"I want to eat! What is taking you so long?" tanong niya mula sa likuran ko.
Grabe, sa huling silip ko ay may ilang minuto pa bago mag 4 am ng umaga subalit ang taong ito, talagang gising kaagad.
"Luto na ang pagkain, sorry akala ko kasi ay-"
"Ipagtimpla mo ako ng mainit na kape!" pag uutos niya.
Ni hindi man lang nga niya ako pinatapos sa aking pagsasalita at may inutos na siya kaagad. Ano ba ako rito? Asawa niya o yaya! Nakaka gigil, sira na kaagad ang araw ko kahit na umaga pa lang. Letcheng buhay na ito, maaga akong binigyan ng ganito katinding mga pagsubok. Nag iisang anak na nga ako at ganito pa ang naging pasakit ko sa buhay.
Ang sama na ng loob ko sa kanila, sana ay naisip nila ang mararamdaman ko pero pera ang mas mahalaga kay mama at papa. Bakit pa nila ako binuhay kung ganito rin ang naghihintay para sa akin? Sa takot ko sa pinag uutos ni Apollo ay kaagad ko itong sinunod.
Nagtimpla ako ng kape para sa kanya at nag hain na ako ng pagkain para sa aming dalawa. Kakain din ako, hindi pwede na siya lang ang titikim ng luto ko. Habang nag hihintay ako sa kanya ay kumuha ako ng kutsara at tinikman ko yung niluto kong adobo. Natakam ako sa luto ko- napangiti ako sa sarap, I expect nothing more. Ang sarap ng lasa nito. Feeling ko nga ay mas masarap pa ang niluto kong ito kaysa sa luto ng mama ko.
Baka nga kapag natikman ito ni Apollo ay matakam din siya at muling ngumiti kagaya ng saglitan na ngiti niya kahapon. Ang damot niyang ngumiti, ang ganda pa naman ng mga labi niya at mga ngipin, baka nga mas lalo siyang maging gwapo kung masilayan ko ang ngiti niya.
Nang mag bukas ang banyo, nakita ko siya na nakatapis na ng twalya. Wala siyang damit at kaliligo niya lang. At habang siya ay naglalakad, nakikita ko yung abs niya na bakat sa kanyang dibdib. Ang gwapo niya talaga at ang lakas ng dating.
Ang hirap alisin ng mga makasalanang mga mata ko sa mapang akit niyang katawan. Sexy hot boy pero nang umupo siya sa harapan ko, ang lamig ng tingin niya sa akin. Kasing lamig ng hangin galing sa aircon na yumayakap sa aking katawan.
Humigop siya ng mainit na kape. He saw me looking at me but it seems he does not care at all. Para nga siyang robot na walang pakiramdam. Nang magsimula siyang kumain ng adobo, napatingin ako sa kanya. I am expecting na meron siyang sasabihin. Ngunit hanggang sa matapos siya sa kanyang pagkain ay wala akong narinig na kahit isang salita man lang galing sa bibig niya. Naging tahimik siya, ang tanging naririnig ko lamang ay ang tunog ng kutsara at tinidor noong kumakain siya.
Nakaka inis, ang sarap ng pagkaluto ko sa adobo at gumising ako ng maaga para mailuto ito ngunit kahit anong salita ay wala akong natanggap sa kanya. Ang sarap hatakin ng dila niya mula sa loob ng kanyang bibig. I hate being with a guy like him eating my cook in front of me.
Nawalan din tuloy ako ng ganang kumain dahil sa ginawa niyang ito. Subalit bago ko siya paalisin ay naglakas loob akong magsalita. Kung iniisip niya na igapos ako sa kama at manatili dito sa loob ng kanyang condo ay nagkakamali siya. Tao ako at hindi hayop na tinatali, may sarili akong pag iisip at gala rin akong tao. I am still a teenager girl who wants to live my life without restrictions. Pero magsasalita ako ng may pag galang sa kanya para hindi mag init ang ulo niya.
"Wala na pala akong susuoting mga damit, kung pwede sana ay umuwi muna ako sa mga magulang ko upang hakutin ko ang mga gamit ko. Hindi ako tatakas subalit pwede kang sumama para bantayan ako."
Sumandal siya sa upuan niya at tiningnan ako ng walang emosyon sa kanyang mukha.
"Ako ang bahalang kumuha ng mga gamit mo sa bahay niyo. As a matter of fact, I already did that before we came here. I know you are not going to escape but I still don't want you to go outside. I am a selfish person," lumiyad siya, "Kapag sa akin, gusto ko sa akin lang at wala akong kaagaw. Kaya ikaw, you are part of my possession and you are mine alone. Nilawayan na kita kaya ako ang bukod tangin may karapatan sayo. Anyone who cross the line will taste my wrath kaya wag mo akong susubukan!"
Nabahag ang buntot ko at umurong ang dila ko. Those words are like a knife piercing my heart. I cannot take this anymore but I feel so trapped. And again, I blame my parents as they are the one who put me into this kind of situation. Ipinahamak nila ang sarili nilang anak.