JANE POV
Sa harapan ng altar, sa harapan ng maraming tao ay lumitaw ako galing sa likuran ng pintuan. Bilang lang sa mga kamay ang dumalo sa kasal na ito. Maliban sa mga magulang ko, wala na akong iba pang imbitado. Kahit isang kaibigan ay hindi ko inimbitahan dahil labag sa loob ko ang kasal na ito.
Ngayong araw sana ang ika 18 na kaarawan ko, ngunit imbes na red gown ang isusuot ko para sa akong debut ay suot ko ang mamahaling puting wedding gown na binigay ni Apollo- ang lalaking doble sa edad ko, nasa 40's na siya at bukod dito ay wala na kaming alam pa sa kanya. Naka lock ang kanyang social media account at wala rin siyang binabanggit na nakarelasyon niya kaya malakas ang kutob ko na maraming tinatago ang lalaking ito.
Hindi ko siya gusto kahit na siya pa ang pinaka gwapong lalako na nakita ko sa ganitong edad. Half pinoy at Half American siya at nagkataon na siya pa ang isa sa mga professor ko sa school at trainer ko sa swimming. Lihim lang ang magiging kasal na ito sapagkat bawal ang professor at student relationship. Bukod sa mae expelled ako ay matatanggal din siya sa kanyang tungkulin.
Malaki kasi ang naging utang ng pamilya ko sa kanya at ako ang ipapambayad nila kaya masakit para sa akin ang nangyari. Hawak niya sa leeg ang buong pamilya ko, lalo na ako na nililigawan ni Dennis na kaklase ko. At ang mas masakit pa, ultimate crush pa siya ng lahat ng kababaihan sa school namin lalo na si Tezza na matalik kong kaibigan na ubod ng talino sa klase namin at mas magaling na swimmer kaysa sa akin.
Masaya si Apollo na ngayon ko lang nakitang ngumiti sa buong buhay niya. Ngunit sa school, ubod siya ng sungit. Kung ano ang kina gwapo niya ay siyang kinasama ng ugali niya pero sa kabila nito ay marami pa ring nag bubulag bulagan sa kanya. Subalit mabilis na nag laho ang ngiti sa kanyang labi at napalitan ito ng pagiging seryoso. Natural na sa kanyang mag damot ng ngiti
Galing siya sa mayamang angkan at ang lolo niya ang may ari ng aming school. Bukod sa pagiging guro ay may lending company pa siya- dito nanghiram ng lubos ang pamilya ko noong kasagsagan ng pandemic hanggang sa maisangla na rin namin ang aming lupa.
Kaunting hakbang pa ay magsisimula na ang bangungot ko sa aking buhay. Ang maikasal kami, mag sumpaan, isang malaking kalokohan lang ang lahat ng ito pero wala akong magawa. Mas mahal ko ang mga magulang ko at handa kong gawin ang lahat para sa kanila. Subalit sukdulan na ito, labag na sa loob ko ang ginagawa nila ngunit pinag babantaan nila ako na hihinto ako sa pag aaral kung hindi ko susundin ang gusto nila.
Kumakabog ang dibdib ko sa kaba pero pinipilit ko pa ring ngumiti. Bago ako maipako sa sumpang kasal na ito ay lumapit ang mama ko sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit subalit tumindig ang mga balahibo ko sa mga binigkas ng labi niya.
"Baka naman gusto mong lawakan ang iyong ngiti? Wag mong ipahalata na hindi mo gusto ang kasal na ito. Tandaan mo, negosyo natin ang nakasalalay sa kasal niyo at wala kang karapatan na sumimangot."
Matapos ng nakakatakot niyang sinabi niya tumigil na siya sa pagyakap sa akin. Lumapit ang papa ko at yumakap din siya ng mahigpit. Wala akong narinig sa kanyang mga labi maliban sa congratulations dahil daw sa ikakasal na ako.
Hinatid na ako ng papa ko kay Apollo. Bumaba siya sa maikling hagdan at iniabot ang kanyang kamay. Mala prince charming man ang hitsura niya sa puting coat pero sa kabila nito ay nagtatago ang mala demonyong lalaki na mag bibigay sa akin ng isang mala impyernong buhay.
Nilakihan ko ang ngiti ko, binigay ko ang kaliwa kong kamay sa kanya at hinalikan niya nito. Tiningnan niya ako ng malagkit pagkatapos nang ginawa niya.
"Sa lahat talaga ng mga binibining nakita ko, sayo lang ako bukod tanging nabighani. Halika ka, simulan na natin ang ating pag iisang dibdib."
Kahit na ano pang mga mabulaklak na salita ang lumabas sa kanyang bibig ay hindi pa rin ako madadala. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala na niya ako sa altar. Bago mag salita ang pari ay nag bigay pa kami ng inspiration message sa isa't isa. Binabasa ko pa lang sa isipan ko ang laman ng inspirational message na nakaloob sa sobre ay nasusuka na ako.
"Bago ko nakilala si Apollo, palagi kong sinasabi sa sarili ko na sana ay matagpuan ko ang prince charming ng buhay ko. Ang lalaking gwapo, makisig, maganda ang katawan, at hinahangaan ng lahat. Ang lalaking napaka perpekto na may dalisay na puso. Noong una, akala ko ay wala akong makikilalang lalaking ganito subalit nang dumating ka sa buhay ko Apollo, naniwala na ako na sadyang mabait ang tadhana at ibinigay niya ang lalaking hinahanap ko. Kaya Apollo, pinapangako ko na magiging isang mabuting asawa mo ako at tayo ay magsasama sa hirap at ginhawa. Sa hirap at sarap, at sa sakit man o sa kalusugan. At tanging kamatayan lamang ang makakapag hiwalay sa ating dalawa!"
Sukang suka ako sa mga sinabi ko sa kanya. Todo ang puri ng mensaheng ito na mama ko ang gumawa. Diring diri ako sa bawat mabulaklak na mga salitang sinabi ko sa kanya. Kabaliktaran nito ang nilalaman ng puso ko na nais kong sabihin sa harapan ng lalaking ito.
Matapos kong magsalita ay siya naman ang sumunod.
"Sa pagtingin sa iyo ngayon, nakikita ko hindi lang ang taong pakakasalan ko, kundi ang taong gusto kong makasama sa pagtanda. Nakikita ko ang isang hinaharap na puno ng tawanan, pinagsasaluhang mga pangarap, at isang pag-ibig na lalo lamang lumalakas sa paglipas ng panahon. Nangangako akong pahalagahan ang bawat sandali, upang suportahan ang iyong mga pangarap, at maging iyong sandigan, ang iyong kabiyak sa buhay. Nangangako akong mamahalin ka nang walang pasubali at habang buhay na magiging mabuting asawa sayo."