JANE POV
Matapos ang napaka corny na inspirational message ni Apollo ay nagkaroon ng kaunting katahimikan bago ito muling basagin ng pari na muling nag salita.
"You may now kiss the bride!"
Imbes na kay Apollo, napatingin ako sa pari, nagulat ako, ito na pala yung moment na mag hahalikan kaming dalawa ni Apollo sa unang pagkakataon. Virgin pa ang labi ko, no boyfriend since birth ako, inosente ako sa ganitong klase ng bagay.
Tinanggal ni Apollo ang belo sa ulo ko at walang pag aalinlangan na hinalikan ako sa aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dulot ng ginawa niya. Hindi gumalaw ang mga labi ko, sa halip ay naging statwa ako sa kinatatayuan ko. Isinayaw niya ang labi niya sa labi ko at naramdaman ko ang kanyang pananabik- ang isang bagay na hindi ko maramdaman.
Nang ihiwalay niya ang labi niya sa labi ko ay nag palakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. Pinilit kong labanan ang lungkot ngunit pumatak ang luha sa mga mata ko habang nakangiti ako. I can't believe na natuloy na ang napaka masalimuot na kasal na ito.
Nagka subuan kami ng cake, kumain sa mahal na reception at ngayon na palubog na ang araw sa kalangitan ay papunta na kami sa aming honeymoon na gaganapin sa malaking condo niya sa Bonifacio Global City. Siya ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Suot ko pa rin ang long white gown ko at naka belo pa rin ako sa mga sandaling ito. And until this very moment, I still can't believe that I am now married.
Tahimik ako sa biyahe namin, wala akong gustong sabihin sa kanya dahil sinusumpa ko na siya sa utak ko.
"Bakit ang tahimik mo ha? Kinasal na tayong dalawa, binigay ko na ang 30 million sa pamilya mo, kanina ko pa napapansin ang naka busangot mong mukha."
Sa tono pa lang ng pananalita niya ay nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba. At kahit na ayaw ko siyang kausapin ay kaylangan kong sumagot at magpakumbaba.
"Sorry, pagod din kasi ako nitong mga nag daang araw. Malapit na ang swimming competition sa school kaya pinag hahandaan ko ito."
Nilapag niya ang kamay niya sa legs ko at alam kong may malisya na ito.
"Ako ang bahala sayo, hindi ko papabayaan ang team natin lalo na ka. Ikaw ang magiging MVP ng inyong team at mag uuwi ng gintong medalya sa competition. Ngunit sa ngayon, ikaw muna ang sisisirin ko sa honeymoon natin. Ihanda mo na ang sarili mo dahil kukuhain ko na ang isang bagay na iniingat ingatan mo."
Habang sinasabi niya ito ay patuloy lamang siya sa ginagawa niyang paghahawak sa legs ko. Naiinis ako, I want to remove his hand pero naririnig ko kaagad yung boses ng mama ko at nakikita ko ang mukha ng papa kong tututol sa ginagawa ko.
"Submit yourself to your husband," ito yung katagang naririnig ko sa utak ko.
Ito ang unang beses na pupunta ako sa condo unit niya. Maganda ang Bonifacio Global City, ilang beses na akong nakapunta dito along with my friends before. Madalas kaming tumambay sa Market Market to eat some food at tumambay. But I have never been in his condo. Alam kong saksakan siya ng yaman pero kahit gaano pa kaganda ang condo niya, magiging impyerno pa rin ang tingin ko dito.
"Salamat Sir Apollo, sobrang mahalaga ang competition na ito sa akin, pati na rin ang pag aaral ko. Dalawang taon pa ay gagraduate na ako sa college."
"Ga graduate ka at pagkatapos nito ay magiging asawa kita. Isipin mo, magiging maganda ang kinabukasan ng magiging anak natin."
Loko itong lalaki na 'to! Mukhang balak niya kaagad akong buntisin, sinira na niya ang debut ko, pati ba naman ang pag aaral ko ay balak niya pa ring wasakin? Grabe! Sukdulan na ang kasamaan niya.
"Anak? Pero, wala yata ito sa usapan niyo ng mga magulang ko. Ang sabi mo ay hihintayin mong maka graduate ako sa pag aaral ko-"
"Promises are made to be broken! At ako, wala akong isang salita, kaya ko pa rin mapasunod ang mga magulang mo sa lahat ng gusto ko. I am in my 40's at gusto ko nang magkaroon ng anak, anong gusto mong mangyari ha? Kahit naman maka graduate ka, hindi pa rin kita papayagan na mag trabaho dahil gusto kong maging nanay ka ng mga magiging anak ko."
"Pero pangarap ng mga magulang ko na makapag tapos ako ng aking pag aaral."
"SHUT UP!"
Sa dalawang salitang ito na lumabas sa kanyang bibig, napatahimik ako sa kinalalagyan ko. Hindi pa kami nakakarating sa condo niya subalit nag umpisa nang maging impyerno ang buhay ko.
"I do not want you to say anything. You should follow as I say. Sa pamamahay natin, ako ang lalaki at ako lang ang bukod tanging masunod. Wala kang karapatan na mag salita ng kahit na ano at diktahan ako sa mga gusto kong gawin."
Yumuko ako, gusto kong iwasan ang matalim niyang tingin.
"Pasensya na Sir Apollo."
"Just call me by my first name! Mag asawa na tayo ngayon, tawagin mo yan sa akin kapag nasa school tayong dalawa."
I no longer reply to him. Naging tahimik kami sa aming biyahe hanggang sa makarating kami sa condo unit niya sa BGC na napaka ganda. Itim ang puti ang nag labang kulay sa loob, parang ugali niya at ang hitsura niya kaya bagay ang ganitong kombinasyon.
Napatingin ako sa dingding at nakita ko na marami siyang mga pictures na nakasabit. Bukod dito ay wala nang iba pang mga taong nakalagay. Ang hiwaga talaga ang pagkatao ng lalaking ito, wala ba siyang friend or family? Sabagay, sino ba ang tatagal sa ganitong klase ng pag uugali niya? Ako nga, wala pang isang araw na kasama siya sa pamamahay na ito ay sukang suka na ako kaagad.
Sinandal niya akong bigla sa pintuan at muling hinalikan ang aking labi. Napahawak ako sa pintuan at muling napadilat ang aking mga mata. Subalit ang hindi ko inaasahan na ginawa niya ay ang biglang pagdakma ng mga kamay niya sa dalawa kong boobs.