[Josefio's POV]
Nakita ako ni Hilena ngunit salungat sa ginawa noon ni Conselia hindi sya tumakbo palayo bagkus ay hinaplos nya ang aking mukha at nagwika ng..
"Totoo nga na may mga nilalang na tulad nyo"
"Hindi mo dapat ako makita ng ganito"
Sabi ko at akmang buburahin na ang mga alaala nya pero nagwika sya,
"Hindi ako nakararamdam ng takot o pandidiri sayo sa katunay ay na mamangha ako na may nilalang akong nakilala na tulad mo Josefio"
Yun ang unang beses na binigkas nya ang aking ngalan Kung kaya't nakapagdesisyon akong hayaan na lamang sya,Pero higit pa dun ang kinahinatnan ng lahat sapagkat naging malapit kame sa isa't isa,Ilang buwan pa ang lumipas na masaya ang lahat,Habang nasa gubat ako at hinihintay ang pagdating ni Hilena naramdaman kong parating si Simon,
"Ohh bakit ikaw ang narito? Na saan si Hilena?"
"Mas nais mo na bang kasama ang babaeng yun kaisa sa iyong kaibigan?"
"Hindi naman iyon ang nais kong ipabatid ngunit ngayon kase ang ..."
"Oras ng inyong pagtatagpo tama ba?"
"Ganun nga"
"Lumisan sya sapagkat punasusundo sya ng kanyang asawa"
"Asawa?meroong asawa si Hilena?"
"Ilang buwan ka ng nakikipagtagpo sa kanya ngunit ni minsan hindi nya man lamang na sambit sa iyo na sya'y kasal na't may asawa?"
"Hindi kailan man,nakapang hihinayang sapagkat ako'y umiibig na sa kanya"
"Bakit ba tila laging sa malayo ang tingin mo sa pag ibig?"
"Ano ang iyong sinasabit Simon?"
"Noong mga bata tayo hindi kita nais maging kapatid sapagkat hindi ko matanggap na niloko ng iyong ama ang aking ina ngunit hindi na iyon ang sitwasyon matapos ang lahat ng pinagdaanan natin na magkasama"
"Ngunit hindi mo pa rin ako tinatanggap bilang iyong kapatid"
"Huwag ka ng umasa na matatanggap kita bilang kapatid Josefio"
"Ngunit hindi ba't ikaw na rin ang nagsambit na marami na tayong pinagdaanang magkasama kung ganoon bakit hindi mo ako matanggap bilang kapatid mo?"
"Sapagkat...."
Nagsimulang umagos ang mga luha sa mata ni Simon kaya't niyakap ko na lamang sya ng mahigpit,