11_In Another Life...Since 1867

345 Words
In 1867.... [Josefio's POV] "Hilena ito ang mainit na kape para sa iyong sikmurang hindi pa kumakain" Sabi ko at iniabot sa kanya ang kape habang sya ay patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro, "Paumanhin ngunit hindi ako umiinom ng kape" "Ahh kung ganun ano pala ang nagpapainit ng iyong sikmura tuwing ganitong wala pang pagkain na nakahain?" "Mainit na gatas o kung minsan ay sapat na sakin ang mainit na tubig" Back In 2019 Nakatunganga lang ako dahil sa mga pagkakatulad ng pangyayari noon sa 1867 at ngayong 2019 ngunit hindi maaari ito,nakita ko na si Hilena kanina kaya bakit ang mga gawi at kilos ni Hilena ay nakuha ng Symon na dating buhay ng kapatid kong si Simon? Sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan ang painting ni Hilena sa isang secret room ng book store, "Anong iniisip mo at kanina ka pa nakatitig dyan?" "Rina sa palagay mo ba pwedeng magkahiwalay ang physical na katawan sa katauhan ng isang partikular na tao?" "Sa palagay ko posible nga yun kaya nakadipende na sayo kung sino ang pipiliin mo? Yun bang physical na pagkatao nya o yung Katauhan nya saan nga ba sa dalawang yun ang minahal mo at nandito ka pa sa mundo?" Mabibigat na tanong ni Rina sakin na hanggang sa pagtulog ko pagkagabi ay hindi ko masagot,Ano nga naman ba kase ang minahal ko Kay Hilena? Ang physical na anyo nya? o ang pagkatao nya? Lumipas pa ang araw na yun,Kinabukasan... "Sir Jake na enrolled ko na po kayo sa Carderal University kasama mo na rin yung sa isang section sina Simon at Hilena mo" "Sige Gino salamat" "Sabihin mo lang kung may ipapagawa ka pa sakin" "Sa ngayon wala na siguro" Ilang araw pa ang lumipas at nagsimula na nga ang unang araw ng klase magkasabay pumasok sina Hilena at Simon kasama si Tomas ang pumatay kay Simon at asawa ni Conselia, Habang naglalakad isang babae ang nakasalubong ko, "Hi handsome" "Do i know you?" "Not yet, I'm Kitty and you?" "I'm Jake,nice meeting you Kitty" "So pwede akong sumabay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD