[Symon's POV]
Pagpasok namin sa Love of Carderal ang nag iisang book store dito,Isang picture frame ang kumuha sa atensyon namin ni Hale litrato yun ng isang lalake na gawa sa painting, Nagtanong si Hale sa babae na mukhang manager ng book store at dinugtungan ko ang tanong nya kaya ito ang sinagot sakin ng babae,
"Oo nga sa government nga ito pero isang Carderal kase ang nagtayo ng community dito kaya sa kanya ipinangalan ang nag iisang paaralan na sya din ang nagtayo pati ang book store na ito kung saan nakakagay ang lahat ng mga alaala ng nakaraan nya maging ang mga painting na sya ang may likha pati na mga liham na sulat nya para sa mga taong mahal nya"
"Wow ang sweet siguro ni Carderal"
Singit ni Hale na pumalakpak pa,
"Ano bang maitutulong ko sa inyo?"
Tanong ng babae samin dahil may brief introduction na rin naman sya,
"Pero po bang malaman kung sino si Carderal?"
Tanong ko kaya pinaupo nya at kumuha ng ilang mga libro na halatang luma na at inilapag sa table namin at umupo din dun,
"Ito ang ilan sa mga mga kwento nya sa isang manunulat,Pero hindi nakapaloob dyan kung sino sya at kung anong klaseng tao sya"
"Kung ganun pwede nyo po bang ikwento kung sino sya?"
Tanong ko sa babae sakto namang nagring yung phone ni Hale kaya lumabas muna sya para sagutin yun
"Ang kaibigan mo pamilyar sakin ang itsura nya"
"Dati po kase syang model baka po nakita nyo sya sa magazine"
Pagbalik ni Hale sa loob nagpaalam din sya agad sakin dahil may pupuntahan daw sila ni Timothy,
"Sige na ho aleng.."
"Rina"
"Aleng Rina magkwento na po kayo tungkol Kay Carderal"
"Ang totoo nyan hijo ang Carderal ay apilyido nya lang dahil ang pangalan nya ay Josefio Carderal isang magiting ngunit tahimik na lalake, Noong 1860's sya na buhay, Namatay ang kanyang Ama isang heneral sa kanilang bahay at sya ang pinagbintangan na gumawa nun dahil sa pagtatalo nila matapos umakyat ng ligaw ni Josefio kay Conselia Francisco kaya naman lumayo sya kasama ang Tiya at Kapit kapatidan nito,Pero isang trahedya ang nangyari dahil nalaman ng mga pulis..