2_In Another Life...Since 1867

416 Words
[Conselia's POV:] Mahal ko si Josefio ngunit tutol dito ang aming mga magulang... "Ikaw ba'y wala na sa iyong katinoan Conselia?" "Anong ba ang iyong nais ipabatid Clara?" "Nais ko lamang ipaintindi sayo na ang lalake iyon ay isang Carderal ang mahigpit na kalaban ng ating angkan sa kalakalan sa silangan kung kaya't ano ang iyong na isipan upang magpaakyat ng ligaw sa isang Carderal?" Sya ang aking Tiya na pinagsasabihan ako habang iniinsulto ng aking ina si Josefio, "Lumisan na ang iyong bisita Conselia, At Hindi ko nais na sya'y bumalik pa dito sa ating tahanan" "Ngunit ina sya ang aking minamahal" "ISANG KAHIHIYAN ANG IYONG GINAWA NGUNIT NA GAGAWA MO PANG SABIHIN IYAN SA AKIN? NI HINDI MO ALAM ANG GUMALANG KAYA'T PAPAANO KA NAKASISIGURADO NA PAGMAMAHAL NGA ANG IYONG NARARAMDAMAN!?" Galit na galit ang aking ina sa aking ginawa at ako ay napaisip sa kanyang sinambit ano nga ba naman ang aking na lalaman sa pagmamahal kung ako'y na sisiyahan at humahanga lamang sa kanyang mga odra ginagawa, Ilang linggo pa ang lumipas at nagkita kaming muli ng aking mahal na si Josefio sa dati naming tagpuan ngunit sa pagkakataon na ito ay tila Gabi na at napakadilim sa paligid, Isang lalake ang nakikita ko sa dilim kaya mas minabuti ko ng lumapit sa kanya at hindi nga nagkamali ang aking hinala si Josefio nga iyon ngunit ng makalapit ako sa kanya ay puno sya ng dugo sa kanyang damit at may mga pangil sa kanyang bibig na tila ba isang mabangis na nilalang, "Conselia aking mahal" Hindi ako makasambit ng kahit isang salita ng makita ko ang kanyang wangis na luha na lamang ako at tumakbo papalayo dahil hindi iyon ang lalake na aking minahal, Hindi sya ang aking Josefio, "Conselia saan ka nang galing sa dis oras ng gabi?" Tanong ng aking ina, "Nakipagtagpo ako sa aking dating kasintahan" "HINDI BA'T SINA...tama ba ang aking na dinig dating kasintahan ang iyong sinambit?" "Tama ina, ngayon maari nyo nang gawin ang nais nyo ipakasal nyo na ako sa kung sino man ang inyong nais" "Kung ganun bukas na bukas din ay ipatatawag ko ang heniral ng kabilang bayan upang ipagkasundo ka sa kanyang binatang anak" "Kung iyan ang iyong nais hindi ako tututol, Ina nais ko na munang magpahinga sa aking silid" "Sige hija magpahinga ka na muna" Hindi ko lubos maisip na ang lalakeng aking minahal ay isang halimaw,Hindi ko na naisin na mapabilang sa kanyang angkan hindi kahit kailan man..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD