Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang liwanag, ang naalala ko lang kagabi ay hinila ako ng dilim.
Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko, nahimatay ba 'ko? Humiga ako at tumitig sa dingding.
Ilang minuto lang ay may kumatok sa may pintuan kaya tumayo ako at pinag buksan ang kumakatok.
"Hi Nathalie!" bungad ni aesira, ang aga naman niya rito.
"Goodmorning, may need ka ba at ang aga mo rito?" Tanong ko at sinenyasan siyang pumasok.
"yeah, actually pinagpatawag ka ni dean sa office niya," Sagot niya at umupo sa kama.
"Anong gagawin?" Tanong ko habang kumukuha ng damit sa maleta ko, hindi ko pa pala 'to naayos dahil hindi ko rin alam.
"it's your first day," Saad niya, Napataas naman ako ng kilay.
"first day of what?" Tanong ko.
"School?" Patanong din niyang sagot.
"I thought papa brought me here to have a vacation," Saad ko, hindi pala bakasyon ang pinunta ko rito kundi pag-aaral.
"I don't know, the only thing I know is kailangan mo ng mag bihis dahil ayaw ni dean ng late," Saad niya kaya tumango ako at nagmadali ng pumasok nang Cr at ginawa ang lahat ng ritwal ko.
Hindi ko alam kung nasaan at kung anong ang gagawin ko rito, Wala man lang akong alam dahil wala man lang nabanggit si papa ng kung ano man tungkol dito.
Ang tanging alam ko lang ay alamin at maki sabay sa mga nangyayari sa paligid ko, kailangan kong maging handa sa mga malalaman ko. Binigay ni mama itong susi na ito upang ako mismo ang makaalam, hayst.
"Matagal ka pa ba nath?" Rinig kong sigaw ni aesira.
"Yeah, saglit na lang," Saad ko at inayos ang mga ginamit kong hairdryer, gusto kong pinapatuyo muna ang buhok ko dahil ang bilis sumakit ng ulo ko kapag basa ang buhok ko.
Pagka tapos ko mag-ayos ay tumingin muna ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko, sana kayanin ko kung anong meron at kung ano ang totoo.
Lumabas na 'ko ng CR at nakita ko si aesira naka-upo pa rin sa kama ko, kung paano siya umupo kanina gano'n pa rin ang pwesto niya ngayon. hindi ba siya nangawit?
"Tara na?" Tanong niya.
"Wait," Kinuha ko ang bag ko at sinuot na ang sapatos ko. alangan naman mag lakad akong walang suot na sapatos.
Nasuot ko na ang sapatos ko at inaya na siya lumabas.
"Wait," Saad niya kaya napa hinto ako.
Pumikit siya at hinawakan ang kamay ko, Nanlaki ang mata ko ng nasa harapan na kami ng pinto na kulay ginto.
"H-How?" Nauutal na tanong ko dahil sa pagka bigla sa ginawa niya.
"Soon, malalaman mo rin," Saad niya at kinindatan ako.
Hinila na niya 'ko papasok sa loob at bumungad sa'min 'yong nakita naming matandang babae kagabi na hindi mo maitatago na maganda pa rin sa edad niya.
"Goodmorning dean!" Bati ni aesira at yumuko, kaya yumuko rin ako at bumati.
"This is the key of your locker, nariyan na ang mga uniform mo," Saad niya kaya tumango ako kahit na hindi ko naiintindihan kung bakit nandito ako.
"You're here to know the truth," Saad niya kaya nalito ako, anong totoo?
"Soon you'll know everything," Saad niya at bigla na lang nag laho, napa tingin naman ako kay aesira na ngumunguya ng hindi ko alam kung anong kinakain niya.
"Tara na, punta na tayo sa locker mo at magpalit na. Baka ma late pa tayo," Tumango ako at sinundan siya sa paglalakad.
Pinagmasdan ko ang dinadaanan namin, ang daming student. Ang gaganda at ang g-gwapo parang hindi sila totoo, parang nananaginip lang ako.
"We're here," Saad ni aesira kaya tumingin naman ako sa pinto at binuksan niya 'yon. Napanganga ako dahil ang laki nitong locker room na 'to, parang library na may first floor, second floor at third floor. Hindi ko alam kung hanggang ilang floor basta ang laki at ang taas.
"Anong number ng locker mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa susi na inabot ni dean sa'kin kanina.
"0106," Saad ko, kaya pumikit na naman siya at hinawakan ang kamay ko.
Ginawa na naman niya 'yong ginawa niya kanina, nasa harapan na kami ng locker ko. Mula sa taas tumingin ako sa baba nanlaki ng todo ang mata ko ng marealize ko na nasa 7th floor kami.
Napatingin ako kay aesira pero nagkibit balikat lang siya, binuksan ko na ang locker ko at ang daming laman no'n.
Mga papel, libro, damit at kung ano-ano pa.
"Late ka na sa mga pinag-aralan namin kaya nag request ako na kung p'wedi ay bigyan ka ng copy para maka habol ka man lang kahit kaunti," Saad niya kaya napatango na lang ako, grabeng pag-aaralan naman 'to parang lagpas 1000 copy ang meron ako ngayon.
Mamaya ko na iisipin kung paano ko 'yon mapag-aaralan, kinuha ko na ang uniform ko.
Kulay maroon, black and white ang theme nila. Hindi na masama, fave color ko pa naman ang maroon.
"Saan ako magpapalit?" Tanong ko kay aesira.
Tinuro naman niya ang isang pinto na kulay pula.
Nagsimula na 'kong mag lakad at pumasok na roon, nag bihis na rin. Lumabas na 'ko ng pag tapos ko mag bihis.
"Aesira," Tawag ko sakanya dahil naka talikod siya.
"O TO THE M TO THE G NATHALIEE!" Tili niya kaya nagulat naman ako.
"H-Hindi b-ba bagay?" Nahihiyang tanong ko, 'yong uniform kasi nila rito ang ganda medyo maiksi nga lang 'yong palda pero hindi naman siya sobrang iksi parang above the knee lang.
"NOOO, ANG GANDA MO KAYA HIHI," Saad niya kaya napa ngiti naman ako, wala lang parang sobrang close na kasi namin sa inaasal niya parang hindi kami kahapon nagkakilala.
"Thankyou," Naka ngiting saad ko.
"Tara na, baka ma late tayo," Saad niya kaya tumango na 'ko, gano'n pa rin ang ginawa niya pumikit at humawak sa kamay ko tapos ay nasa baba na kami.
"Ang ganda mo, bagay na bagay sayo 'yang uniform natin," Saad niya habang nag lalakad kami, pinatitinginan naman ako ng nadadaanan namin.
"M-May ginawa ba 'kong masama sakanila?" tanong ko dahil 'yong iba ang sama ng tingin sa'kin 'yong iba naman naka ngiti, may iba naman wala lang poker face ganern.
"Hayaan mo sila, inggit lang 'yan kasi ang ganda mo HAHAHAHAHA," Saad niya kaya tumawa ako, bolera pala siya.
Nagpatuloy na kami sa pag lalakad, ilang minuto lang na pag lalakad ay huminto siya sa isang pinto ito na siguro 'yong room namin.
Kumatok na siya at pinagbuksan naman kami ng isang lalaki, siya siguro ang professor namin.
"Is she the new student?" Tanong niya kay aesira kaya tumango ito at nag lakad na dahil pupunta na ata siya sa upuan niya.
"Introduce yourself," Maikling saad niya kaya tumango ako at pumanta sa gitna para makita nila akong lahat.
"I am Nathalie Gomez, turning 18 soon," Maikling pagpapakilala ko, mukhang hindi naman sila interesado kung hahabaan ko pa.
Tumingin naman sa'kin ang professor namin, naramdaman ata niyang wala na 'kong sasabihin ay pina-upo na niya 'ko. Buti naman bored na 'ko dito e nangangawit na rin.
Pina-upo ako ni aesira sa tabi niya, may limang row at bawat row ay may sampung upuan bale ang pwesto namin ay gan'to
Evanora-Zilla-Reverie-Aesira-Ako-Lucian-Vonstein-Caelum-Evander-Aeron
Nasa right ko si aesira at nasa left ko naman si Cian, naka hoodie na naman siya ng itim para siyang walang pake lagi kaya siguro takot sila sakanya.
Paano ko nasabing takot sila sakanya? Dahil sa bawat niya sumusunod silang lahat, I guess he is the leader in their group.