
Childhood sweetheart sila Carmen at Victor. Magkaibigan ang mga magulang nila noong nasa kolehiyo pa lamang ang mga ito. Kaya naging magkaibigan din sila hanggang sa lumalaki ay unti-unti nilang natuklasan ang kanilang damdamin sa isa't isa. Kaya parehong boto ang pamilya nila sa kanilang dalawa at walang problema. Masaya at puno ng pagmamahalan. Kaya marami silang plano pagkatapos ng pag-aaral isa na roon ang pagpapamasal.
Subalit, sa isang insidente ay nagkahiwalay ang kanilang mga landas. Gayunpaman ay itinuloy nila pareho ang kanilang mga pag-aaral hanggang sa makatapos. Pagkalipas ng ilang taon ay nagkrus ulit ang kanilang mga buhay. Pareho ng matured, propesyonal na rin at higit sa lahat ay mayroon ng kasintahan si Carmen.
Pero hindi pumayag si Victor na hindi sila ang magkabalikan na dalawa. Kahit agawin daw siya nito sa kanyang nobyo ay gagawin nito. Dahil pinagpipilitan nitong may mga pangako sila sa isa't isa at nagkahiwalay lamang ng hindi nila kagustuhan pareho. Lalo pa no'ng nalaman ng binata ang lihim ni Carmen na may kaugnayan sa kanya.
Magtagumpay kaya si Victor na agawin si Carmen kay Jansen? Kahit ito naman talaga ang mahal na ni Carmen. Pumayag naman kaya si Jansen na maagaw sa kanya ang babaeng iniibig at matagal ng pinagpapantasyahan?

