Chapter 22

1001 Words
Walang pasok ngayon si Kathleen ,kaya naglinis siya ng buong condo.Tinulungan siya ni Topher sa paglilinis.Ang usapan nila ngayon maggegeneral cleaning sila sa unit ni Kathleen at nextweek off sa unit naman ni Topher. Hanggang tanghali sila naglinis ng buong unit.Pagod na pagod sila sa kanilang ginawa.Hindi na sila nakapagluto kasi tinamad na sila dahil sa pagod. "loves padeliver na lang tayo ng pagkain."sabi ni Kathleen. "sige ...anong gusto mo ?"tanong naman nito. "bahala ka na."tinamad na siyang magisip.Nakaupo lang siya sa sofa at namamahinga. "tatawag na ako ha..hintayin mo lang diyan..punta muna ako sa unit..maliligo lang ako at ang lagkit ko na."sabi nito at lumabas na ng pinto. Pagkaalis ni Topher ay naligo na din ng mabilis si Kathleen ,baka kasi dumating agad ang delivery. Saktong nakabihis na si Kathleen ng dumating ang delivery.Binayadan niya iyon at pagkatapos ay inihanda na sa dining. Nang maihanda niya iyon ay umupo na siya at hinintay na lang si Topher.Hindi na inilock ni Kathleen ang pinto dahil alam naman niya na papasok pa si Topher. Ilang saglit lang naman at dumating na din ito. "wow....fresh mo ah...."bungad agad ni Topher. "Tse!!!!kumain na tayo ,ang tagal mo ha gutom na ako.."maktol ni Kathleen kay sa lalaki. "sorry naman..."sabi nito .At kumain na sila. Pagkatapos nila kumain at magligpit ay pumasok na si kathleen sa kwarto niya. Umupo siya sa upuan sa harap ng salamin at tinanggal ang towel sa buhok niya.Nagsusuklay siya ng sumilip si Topher sa nakaawang na pinto.Nang nakita niya si Kathleen na nagsusuklay dumeretso siya sa kama at humiga. "pahiga ha."sabi nito. "busog ka pa ha,,,humiga ka na agad." "ang sakit ng likod ko eh..."at inilapat ng ayos ang likod sa kama . "anong gagawin ko?" "imassage mo...." "pagod din ako ha..di lang ikaw..." Kinuha ni Topher ang remote at binuksan ang tv. "tara manood ng movie."yaya ni Topher "wala naman akong movie...meron ka ba?" "wala din..."natawa niyang sabi. "sira ka talaga..wala ka din naman pala eh".at natawa na din siya. "akala ko lang kasi meron ka." Tapos na si Kathleen magsuklay at maglagay ng kung ano ano sa katawan. "loves selfie tayo,pang profile natin ."sabi ni Kathleen . Kinuha niya ang phone niya at lumapit kay Topher. "bumangon ka diyan dali.."sabi niYa dito. Bumangon naman si Topher at umanggulo sa camera. Nakailang shots at pacute sila dun hanggang sa may magustuhan na sila at iprofile na nila iyon. Si Kathleen na din ang nagpalit ng profile pic ni Topher. Habang nagcecellphone si Kathleen ay nakayakap sa kanya si Topher. Maya maya ay binitawan na din ni Kathleen ang phone. Gumanti siya sa yakap ni Topher.Pahigpit ng pahigpit ang yakapan nila .Ramdam na nila ang init ng katawan ng isa't isa. Hanggang sa gumagapang na ang mga kamay ni Topher sa ibat ibang bahagi ng katawan ni Kathleen.Hinalikan niya ito sa mga labi,sa leeg at kung saan saan pa. Tinanggal ni Topher unti unti ang mga saplot ni Kathleen at ganon din siya .Pareho na silang walang saplot. Ingay ng tv lamang ang maririnig sa kwartong iyon.Sarap na sarap si Kathleen sa lahat ng ginagawa ni Topher,kaya hindi siya nagpakita ng anumang pagtutol dito. "l-loves hindi pa ako ready mabuntis.."bulong ni Kathleen. "akong bahala."sabi nito at itinuloy ang ginagawa. Pagkatapos ng ilang minuto ay pareho silang napagod lalo sa kanilang ginawa.Nahiga silang magkatabi at nagkumot. Nanood pa silang tv at maya maya ay nakatulog na si Kathleen.Ng mapansin ni Topher na tulog na si Kathleen ay pinatay na niya ang tv. Yinakap niya si Kathleen at tumulog na din. Nagising si Kathleen na madilim na pala.Simula tanghali siYang tulog .Napasarap ang tulog niya dala marahil ng pagod. Nakaramdam si kathleen ng sakit sa pang ibaba niya.Naaalala niya ang nangyari sa knila ni Topher.. Si Topher ang lalaking nakavirgin sa kanya ,at hindi niya iyon pinagsisihan dahil mahal na mahal niya ito. Naramdaman niya na niyakap siya si Topher. "loves,,i love you ..."bulong nito sa kanya . "i love you too loves..."sagot naman Kathleen "loves.....pwedeng isa pa...."paglalambing nito Napakagat labi na lang si Kathleen.Hindi iyon pansin ni Topher kasi madilim. Gumanti si Kathleen ng yakap kay Topher.Siya na din ang unang humalik sa mga labi nito.Dahil sa ginawa ni Kathleen ay nasundan muli ang ginawa nila kaninang tanghali. "Loves di ka nauuhaw ?"tanong ni Kathleen pagkatapos nila. "gusto mong tubig ?"tanong ni Topher. "oo eh...at saka gutom na din...anong oras na ?" Tiningnan ni Topher ang phone niya.9pm na. "wait lang ha...kuha lang ako tubig saka padeliver na lang ako."sabi niya at bumangon na siya. Binuksan niya flashlight ng phone niya at hinanap ang boxer niya. Nang makita niya iyon ay isinuot na niya ito. Pagkasuot niya ay binuksan niya na ang ilaw.Tiningnan niya si Kathleen at nagtaklob ito ng kumot. Nakangiting lumabas ng kwarto si Topher.Bumalik din naman ito at iniwan ang tubig sa tabi na table. "Loves order lang ako pagkain ha...ito na tubig mo."at pinilit pa nitong alisin ang talukbong na kumot ngunit pinipigilan ni Kathleen. "oo,,,lumabas ka na...at magbibihis na ako."" "bat di ka magbihis ng andito ako..."natatawa niyang sabi. "isa.....lumabas ka na sabi..."kunwari nagtaray na siya. "oo na my loves....."Lumabas na din si Topher. Pagkalabas ni Topher ay bumangon na si Kathleen.Uminom muna siya ng tubig bago pumasok sa cr. Naligo siya at nagbihis.Naabutan niya si Topher na nililigpit ang mga damit niya na nakakalat sa sahig. "ang kalat mo...parang kang ahas...kung san iniwan ang pinagbihisan..."pang aasar nito kay Kathleen. Namula naman ang mukha ni Kathleen. "Bahala ka diyan ,ligpitin mo yan...palitan mo cover ang kama...."Tumingin siya sa kama at may nakita siyang dugo. Napatingin siya kay Topher at alam niyang nakita niya din ito. Nilapitan siya ni Topher at niyakap. "Kathleen,mahal na mahal kita..at wag ka sanang matakot kung may mabuo man sa ginawa natin..pero alam ko wala pa.."paniniguro nito. "Topher,hindi naman ako natatakot at hindi din ako nagsisisi dahil mahal kita ..."balik nito dito "ay wait yung delivery pala..."pag-iiba ni Topher Tumakbo palabas ng kwarto si Topher.Si Kathleen na ang nagtapos ng ginagawa ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD