Namatay ang lahat ng ilaw kasabay ng pangalawang putok. Sa loob ng ilang segundo, pulang ilaw lamang mula sa emergency light sa hallway ang tumama sa katawan ni Damian habang nakadagan siya kay Lexi, isang braso ang nakatakip sa ulo nito at ang isa ay nakahawak sa baril. Naamoy ni Lexi ang usok mula sa basag na salamin at ang malamig na pabango ng lalaking muling ginawang panangga ang buong katawan sa kanya. Sa kabilang silid ay umiiyak si Noah. Narinig din nila ang mabilis na utos ni Gabriel sa mga bantay, ngunit mas malakas sa pandinig ni Lexi ang t***k ng puso ni Damian sa ibabaw niya—mabilis, mabigat, at hindi tulad ng lagi nitong kalmadong kilos. “Nasaktan ka ba?” mahinang tanong ni Damian. Hindi ito gumalaw hanggang makasiguro nitong walang isa pang bala. Umiling si Lexi, kaya maing

