Chapter 3

989 Words
Iminulat nya ang mga mata nya at tumayo para uminom ulit ng tubig saka bumalik sa kama. "This is only a temporary separation right, my princess? Can you wait for me again? I've changed because of you, Erica. Can you help me to do that again? I miss you so much. Please hug me kahit ngayong gabi lang." Sambit nya with teary eyes at saka pumikit hanggang sa tuluyan na syang nakatulog. He started his day with a smile. Gusto nyang subukang magbago. Bumaliks sa dati noong kasama pa nya si Erica. Mahirap. Pipilitin nyang kayanin kahit sobrang sakit. He knows the love of his life is always watching him. He knows she will help him to change again and move on. Inayos nya ang sarili nya, nagbihis ng maganda at lumabas ng bahay. Masaya syang naglilibot sa kung saan saan. Lahat ng tingnan nya puro good memories nila ni Erica ang nakikita nya. Pain is still there but finally, he can smile genuinely again. He is hoping that one day this sad journey of his life will be back into what it's supposed to be. A cheerful life like they were together. Naglalakad ito papunta sa restaurant na madalas nilang puntahan ni Erica, ang Restaurant Lasserre. Papasok ito sa Entrance ng may makabangga itong babae. "I'm sorry" Aniya at ngumiti saka umalis ang babae. Tumango lang si Kiero napansin nyang nalalag yung libro sa bag ng babaeng nakabangga nya kaya agad nya itong pinulot. Too late dahil nakasakay agad ng Taxi yung babae bago pa man sya makatakbo. Inorder ni Kiero ang mga paborito nilang kainin ni Erica. Habang nag hihintay ng order, binasa nya ang title ng librong napulot nya. "The Everafter". Saglit nyang binasa ang likod ng libro. "Here's your order, sir" Kumakain sya mag-isa, saglit syang nalungkot dahil huli syang kumain dito ay kasama nya si Erica. Pinipilit pa sya noong tikman ang pasta na inorder nya pero ayaw nya dahil sa amoy nito. Iyon ang kinakain nya ngayon. After nyang kumain kinausap sya ng waiter at may binigay sa kanyang gitara. "She left this for you, she said that we will only give this to you once you went here alone." He's so confused. Tinanggap nya ang gitara at umalis na. "Why are you treating me like this? Wala kana but I feel like you're still by my side." Tangi nyang nasambit ng makalabas ng restaurant. Malungkot syang umuwi sa unit nya. Bakit sa tuwing sinusubukan nyang kalimutan ang dalaga ay mas lalo naman nya itong naalala. Tinitigan nya ang gitarang nasa harapan nya. Noon pa gustong matuto ni Kiero mag aral ng gitara pero wala syang oras para dito. Gusto nyang gawan ng kanta ang dalaga at kantahin ito sa araw ng kasal nila pero hindi na nya ito magagawa. Hindi na mangyayari iyon. Pumatak ang luha nya at sinabunutan ang sariling umupo sa sofa. Tumunog ang cellphone nya na nasa ibabaw ng mesa sa harapan nya. "Mom." Wala nyang ganang sagot. "I miss you anak, kailan mo ba ulit ako dadalawin dito?" Malambing na sagot ng kanyang ina. Napapikit si Kiero. Kelan nya ba huling nakita ang ina? Simula ng mawala si Erica ay nawalan na din sya ng gana sa lahat ng bagay. Kahit ang bestfriend nyang si Jake ay bihira nalang nyang kausapin, mapa tawag, text o chat. Ganun din ang mga pinsan nyang noon ay kinukulit sya para pabalikin ng pilipinas. Wala na rin syang komunikasyon sa kanyang ama. "I'm sorry, Mom." *Sigh* "Kamusta?" "No. Ikaw ang kamusta anak?" "I'm trying to be fine." "You'll be okay, anak. Nandito lang ang mommy mo." Kahit anong pigil ni Kiero ay kusang tumulo ang mga luha nya. Akala nya ubos na ang mga ito. Hindi pa pala. Yumuko sya at hinilot hilot ang noo. "Ang hirap, Mom. It's been 2 years... Dalawang taon kong sinusubukang kalimutan sya pero hindi ko magawa. Mahal na mahal ko sya." Umiyak na itong tuluyan. "Shhhh... Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo anak. You are not yet willing to say goobye. But I know you can someday." "Thanks, Mom. I miss you." Humihikbi nyang sagot. Kahit papaano ay gumaan ng kaunti ang loob ni Kiero ng marinig ang boses ng ina. Tama ang kanyang ina, hindi pa sya willing pakawalan si Erica. Hindi nya pa kaya. Ayaw nya. Hindi nya nga alam kung kaya pa nya uling magmahal. Siguro ay hindi na. Isa lang ang babaeng minahal at mamahalin nya. Nagising sya sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kanyang kwarto. Exactly 10 am when he checked the time in his phone. Bumangon ito at nagpunta sa kusina. Uminom ng gatas at naupo sa sofa. Tinititigan na naman nya ang gitara na nasa harapan nya. "You are useless now." Sambit niya dito. Half of his heart is now in heaven. Dinampot nya yung picture frame sa mesa. Hinipo nya ang larawan ng dalaga. "I know you're waiting for me, baby. Can I follow you now? I know you miss me too." Hinalikan nya ito at niyakap saka pumikit. "Erica..." Tulalang naglalakad si Kiero sa tabi ng busy highway. Wala siya sa sarili. Seryoso siya sa sinabi niya. Mas okay siguro kung susunod sya? Wala ng kwenta ang buhay nya. Wala ng direksyon. He doesn't deserve to be happy. He can't be happy. He can't. Huminga ito ng malalim. Pumikit at nagsimulang maglakad papunta sa kalsada. He can't think of anything right now. All he wants is to kill himself right now. "Stop it!" Nagsimulang umalingaw-ngaw ang mga busina ng mga sasakyan at sigawan ng mga tao. Nakaramdam sya ng pananakit at pamamanhid ng katawan. Bumagsak sya sa sahig at ngumiti. "I'm sorry, baby that it took me so long. Wait for me." Pabulong nyang sabi. Tumingin sya sa langit at itinaas ang kamay. "I'm almost there" Mukha ni Erica ang nakikita nya. Malungkot na mukha ng dalaga. Nawalan na sya ng malay pagkatapos noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD