Chapter 4

1688 Words
"Erica...Baby..." Malabo ang paningin nya pero alam nyang si Erica ang nasa harapan nya. "Bro? Are you okay?" Pag-aalala sa kanya ni Jake. Pinindot nito ang buzzer para tumawag ng tulong. Agad namang may dumating na doctor at nurse to check Kiero. After a few minutes, sinabi ng doctor na okay na daw si Kiero. Pero under monitor pa din siya dahil sa head injury na natamo. "Kiero, how are you feeling?" Worried na tanong ng kaibigan. Paano ba naman ay buong araw itong walang malay simula ng dumating sya sa hospital. Si Jake lang ang kakilala ni Kiero dito sa France. Kung hindi pa tumawag ang Mommy ni Kiero hindi pa nya malalaman ang nangyari. Buti nalang din at may babaeng tumulong sa kaibigan nya at nagtyagang magbantay habang hindi pa sya nakakarating kanina. "Uy, can you say something? What the hell came into your mind?! Nababaliw kana ba?" Jake's voice is full of frustration. "Oo. Baliw na nga yata ako.  I don't know, Jake. Bakit hindi pa ako namatay?" He is also frustrated with what has happened. Akala nya makakasama na nya si Erica. He failed. "Putang*na naman, Kiero! Kelan ka ba matatauhan?! Wag mo naman gawin sa sarili mo ito.  Sobrang nag aalala sayo si Tita. Mayat maya sya tumatawag para alamin ang kalagayan mo. Gusto nyang pumunta dito, pero hindi ko sya pinayagan. Ayokong makita ka nyang ganyan!" Padabog na naupo si Jake sa sofa ng hospital at inihilamos ang mga kamay sa kanyang mukha. "Hindi porket wala na si Erica ay kailangan mo na ding tapusin ang buhay mo, Kiero! For God sake! Mag isip ka nga! Noong huli tayong nagkita ang sabi mo okay kana? Hindi kita kinontact at pinuntahan sa unit mo dahil ang sabi mo gusto mong mapag isa at hanapin ang sarili mo? Anong nangyari?" Dugtong nya. "Akala ko din okay na ako. Hindi pa pala. Sinubukan ko pero hindi ko yata kaya. Sana pinabayaan nyo nalang ako." Pumaling sa kabilang side si Kiero para hindi nya makita si Jake. "Pasalamat ka may injury ka. I really want to punch you hard, as f*ck! Hindi mo na inisip ang mga taong nandyan para sayo. Hindi lang si Erica ang nagmamahal sayo, bro. Marami kami. I hope you're aware of that." Tumayo si Jake at huminga ng malalim. "I need air!" Lumabas ito ng kwarto. Naiwang tulala si Kiero. Hindi man nya gustong umiyak ay kusa pa ding tumutulo ang luha nya. Kailan ba mauubos ang luha nya? Napapagod na kasi sya. Pagod na pagod na. 2 weeks bago makalabas ng hospital si Kiero ay si Jake lang ang kasama nito. Hanggang sa unit nya palaging dumadalaw ang matalik na kaibigan sa kanya. Minsan pa nga ay doon na ito natutulog ng ilang araw para lang samahan si Kiero. Nag aalala din kasi ito na baka mag commit na naman ng suicide ang kaibigan at baka this time matuluyan na. Natatakot syang mangyari iyon. Para na nyang kapatid si Kiero kaya ayaw nyang pabayaan ang kaibigan. "Umuwi kana. I'm okay. Napapabayaan mo na ang restaurant mo ng dahil sa akin." Pag tataboy sa kanya ni Kiero. "No. It's okay." Tanggi ng kaibigan habang nanonood ng TV. "Don't worry. Hindi ko na uulitin yun ginawa ko." Natatawa niyang sagot. "Dapat lang. But sorry, I don't trust you right now, bro." Tumawa din ito. "I thought I need a long break from life." Umiling ito. "How's Mom?" Tumingin ng matalim si Jake sa kaibigan na busy sa pag babalat ng orange. "Buti natanong mo. Tawagan mo sya. May kailangan ka din malaman." Seryoso nyang tugon at bumalik ng tingin sa TV. Tinapos nito ang pagbabalat ng orange at naupo katabi ng kaibigan. "I'll do that later." Aniya habang ngumunguya ng orange. "Bro, do you have any idea kung kailan babalik si Kiero? Miss ko na yung kaibigan kong iyon eh. I miss the old him. Pwede mo bang sabihin sa kanya na bilisan nya? Madaming nag hihintay sa kanya?" Seryoso si Jake. Napakunot ang noo ni Kiero sa sinabi ng kaibigan pero na gets din naman agad nya. Tumigil ito sa pagkain ng orange at tumayo. "Where are you going?" "Susunduin ko si Kiero?" Ngumiti ito. Tipid na ngiti. "Seriously? I will make it straight to the point, bro. Do you still think she's what makes the sunshine? She's not! She's now what makes your eyes tear and cuts bleed. She's the thoughts in your damn head that rip you apart and my goodness, Kiero. I know you love her so much but she's literally killing you. Please wake up and move on!" Napanganga si Kiero sa sinabi ng kaibigan. Reality just slaps him really hard. Yumuko ito at walang imik na pumasok sa kwarto. Matagal na nyang gustong mag move on. Pero talagang hindi nya kaya. Hindi nya magawa. Hindi na din nya gusto ang nang yayari sa kanya. Napapikit ito at nahiga sa kama. Rumihistro sa isip nya ang mukha ni Erica noong araw na mabangga sya at ng magising sya sa hospital. Parehong ekspresyon ng mukha ang nakita nya mula sa dalaga. Malungkot at lumuluha. "Ano ba ang gusto mong mangyari? Sabihin mo naman sa akin dahil hirap na hirap na ako. Gusto kong sumunod sayo pero bakit parang ayaw mo? Bakit ni minsan hindi mo man lang ako dinadalaw sa panaginip ko at sabihin sa akin ang kailangan kong gawin? Please, babe! Anong kailangan kong gawin?" Pagsusumamo nya habang umiiyak. Niyakap nya ang unan. Lumakas ang hangin. Lalong lumamig ang paligid. Nililipad ng hangin ang kurtina sa kanyang bintana. Dahang dahang bumuklat ang notebook na nasa bedside table dahil sa lakas ng hangin. Pinagmasdan nya lang ito hanggang sa tumigil. Lumapit sya kung nasaan ang notebook. Nakasingit sa libro ang larawan nyang kuha sa pilipinas kung saan tumatawa ito. Si Erica ang kumuha ng litratong ito noon. It was their first day in College. Dinampot nya ito at tinitigan. Maya maya pa ay binaliktan nya ang larawan. May nakasulat doon. Sulat kamay iyon ni Erica. I just want you to smile again. I want to see you laugh again like in this picture... I know you were happy once... I just want you to be happy again without me... I will hold you in my heart until I see you again.  Xoxo~ Erica Nanlambot ang tuhod nya. Nanginginig ang mga kamay nya. Ito ba ang sagot sa kanyang mga tanong? Ito ba ang gusto nyang mangyari? Napaupo sya sa sahig at sumandal sa pader. Parang tinutusok ang puso nya. Huminga sya ng malalim at pumikit. Maagang nagising si Kiero. Nag ayos ng sarili. Nagluto ng umagahan. Tulala itong nagkakape ng datnan sya ni Jake. "Wow! Anong meron? Ang dami mo yatang niluto?" Bungad ni Jake. "Namiss ko kumain ng madami. Join me." Tipid itong ngumiti. "Good. Dahil ang laki na ng ipinayat mo. Mas gwapo na ako sayo ngayon." Biro ng kaibigan habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato. "Samahan mo ako mamaya." Yaya ni Kiero sa kaibigan. "Sure! Saan ba?" "Sa Etretat Cliffs." Seryoso nyang sagot sabay higop ng kape. Muntik namang mabilaukan si Jake. Kumunot ang noo nito. "Bakit ganyan ang reaksyon mo?" "Bakit doon? Don't tell me tatalon ka doon?" Medyo natawa si Kiero sa mukha ni Jake. Umiling iling pa ito. "Most difenitely not! Matagal ko ng gustong pumunta doon, hindi lang kami natuloy noon ni Erica dahil masama ang panahon. Hindi narin kami nagkaroon ng chance dahil pabalik na kami noon sa Pilipinas." Sumeryoso ang mukha nya at umiwas ng tingin kay Jake na matalim na ang tingin sa kanya. "Erica again." Umirap ito. "Fine." Pagkatapos kumain, gumayak na ang dalawa papunta sa Etretat. 2 or 3 hours din ang byahe papunta doon, depende kung hindi traffic. Kiero loves taking pictures of beautiful places. Hawak nya ang SLR nya at isa isang kinukuhanan ang bawat umaagaw ng attensyon nya. This is by far one of the most beautiful places he has ever visited. Pumikit sya at dinama ang malakas na simoy ng hangin. Kitang kita nya ang buong Etretat Town mula sa cliff. Bumaba sila ng cliff at nagtungo sa Town. Kumain saglit saka sila muling nagikot ikot. Habang kinukuhanan nya ang isang lugar may nakita syang babae na nakatalikod. Kung hindi sya nagkakamali si Erica yun. "Hey! Saan ka pupunta?!" Galit na sigaw ni Jake. Sumunod ito sa kaibigan Tumakbo palapit si Kiero kung saan nya nakita ang dalaga pero kahit saan sya pumunta hindi nya ito makita. "Ikaw ba talaga yon? Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito!" Sigaw nya. "Bro. Stop it! Umuwi na tayo." Naiinis nyang sabi pero naaawa din sya sa kaibigan. Inakay nya ito pabalik kung saan nakapark ang kanyang kotse. Magdamag nakakulong ng kwarto si Kiero. Same routine. Inuubos nya yung dalawang bote ng beer. His phone rang. "Mom?" "Kamusta, anak?" "Same." Matipid nyang sagot. "This is about your dad. Alam kong hindi kayo magkasundong dalawa, but you need to go back here, anak. Malala na ang sakit ng daddy mo. Gusto ka nyang makita." Nanlaki ang mga mata nya sa narinig. Oo hindi sila mag kasundo sa lahat ng bagay pero mukhang kailangan na nga nya yata talagang umuwi para pagbigyan ang ama. "Okay. Magpapabook ako ngayon ng ticket pauwi." "Salamat, anak." Tumawag agad si Kiero sa kaibigan para tulungan syang magpabook ng ticket pabalik ng pilipinas sa lalong madaling panahon. Hindi man sya handang bumalik. Pero parang may parte sa puso nyang gustong muling makita ang Pilipinas. "Bro. Ingat ka ha? Ikamusta mo ako kay Tita at Tito." Tinapik sya ni Jake sa balikat. "Maraming salamat sa lahat ha? I owe you a lot! Makakabawi din ako." Ngumiti ito sa kaibigan. "Bumalik ka lang sa dati, okay na ako dun. Tsaka bro... Nice haircut. Buti naisipan mo ding magpagupit at mag-ahit ng balbas at bigote.  Akala ko nga gagawa kana din ng arko. Ipag gagawa na sana kita ng tungkod." Biro ni Jake sa kanyang kaibigan. Tipid na ngiti lang ang sinagot ni Kiero saka hinawakan ang mga gamit. "Pag balik ko dapat may ipapakilala ka na sa akingchics ha?" Ani ni Jake na tumatawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD