Clean
Bumalik na kami sa bahay ni lola, tiyak na hinahanap na kami.
"Tala, anong sasabihin natin kay lola niyan?" Seyosong tanong ko.
Kahit ang mga bra at panty lang namin ang basa, pagsinuot naman namin 'yung damit edi damay na.
"Basta, ako bahala." Walang alangang sabi nito.
"Saan kayo, at bakit basa kayo?" Bungad samin ni lola.
Ayan na nga ba ang sinasabe ko.
"Uhm, binasa po kami nung mga bata kanina hahahaha, buti nalang po mabait kami kaya pinatawad namin sila..." sumulyap ito kaunti sa 'kin.
Umiling ako. "Ang totoo po, naligo kami sa batis." Kung si lola sinungaling pwes ako hindi.
Ramdam ko sa mata ni tala ang dismaya.
Lumingon lingon ito. "Ayon... hindi ba't sabi ko sainyo huwag kayong maligo kung saan saan, hindi niyo alam na may nagmamay-ari ng mga pinagliliguan niyo."
Rinig kong humalakhak si tala. "Lola, ok lang naman sa 'kin 'yon, sige na nga po magbibihis na kami." Aniya at inaya na ako.
Joke ba 'yon tala?
"Anong ok lang sayo?" Tanong ko sakanya nang makaalis kami sa harapan ni lola.
Feel ko loko loko lang ni tala, pero bakit nakaka curious naman?
"Sinabi ko lang 'yon para wala ng masabi si lola, natutuyo na kaya tayo." Aniya at pumasok sa cr. "Ako nalang ma una ha." Sabi pa niya.
Tapos na kami ni tala mag bihis, wala naman na kaming gawa rito sa bahay mababagot nanaman hays.
Pano kaya kung puntahan ko si tala at makipag chikahan?
Tumayo na agad ako at dumiretso sa kwarto ni tala, wala akong nadatnang tala sa silid.
Umalis si tala?
"Si tala?" Sulpot ni lola na ikinagulat ko.
Tumango ako. "Grabe naman po, lola parang mas maaga pa ata akong mawawala sa mundo kesa sa 'yo e."
"Pasensya na, 'yung pinsan mong 'yon ang inutusan kong mamalengke kaya wala siya diyan." Aniya at umalis.
Wala palang ayaan ha, mapuntahan nga ulit 'yung batis kanina.
Ang sarap palang tumulala sa lugar na ito, parang nakakawala ng pagod.
"Anong ginagawa mo sa batis na ito!" Rinig kong tono ng isang lalaki.
Liningon ko ito para makita kung sino ang tila ba ayaw akong nandito sa batis.
"Kalmahan mo, I'm not destroying nature, mabait kaya ako." Baka nagalit siya dahil akala niya sinisira ko ang kalikasan.
"Miss. Hindi mo ba alam na delikado dito, hapon na!" He's shouting.
"E, bakit naninigaw!" Sigaw ko rin dito.
Kaloka 'to, pogi pa naman tsk.
"Oh, i'm sorry bakit ka kase na sa labas padilim na." Mahinahong sabi nito.
"Gusto ko lang." Sabi ko.
"Umuwi kana delikado!" Sabi niya at aambang maglakad pero pinigil ko.
"Wait, lumingon ito. Crush mo 'ko no...aambang maglakad uli ito nang pigilan ko uli. Ito naman joke lang, ano ba pangalan mo?" Tanong ko.
"Sino kaba?" Simpleng sagot nito.
Nakakadismaya ka!
Aambang maglakad na sana ako nang magsalita ito.
"Sandale, agad kong liningon ito. Crush mo 'ko no... just kidding, call me clean."
What the f may bawi siya ah!!!
"Ah, sige." Simpleng sabi ko.
"Hindi pwedeng ikaw lang nakakaalam ng pangalan ko miss." He giggles.
Tumango ako. "Fine, I'm katrina but you can call me kat if you want." Sabi ko.
"How about mine.?" Aniya ng seryoso.
"Akala ko, sa omegle lang 'to nangyayari, meron din palang in real life..." biro ko at tumawang peke.
Jusko, ang harot naman ng lalaking 'to.
"Are you done talking, kase aalis na 'ko?" Seryosong tanong nito.
"why are you leaving without taking back your joke?" Seryosong sabi ko.
"I'm not joking, i'm serious." Aniya at umalis.
What the heck...isn't he really not joking?