Argument
Umuwi na ako dahil padilim na, sabi rin kase kanina nung lalaking pogi delikado raw.
Umalis na rin nga 'yon hindi manlang binabawe iyong joke niya, hindi ko naman alam na seryoso 'yong lalaki na 'yon.
"Bakit ka umalis?" Bungad sa 'kin ni tala na parang may galit.
Ano nanaman dito, ahh baka hindi ko kase siya niyaya, kase naman hindi niya ako inaya bahala siya.
"You know. Pumunta uli ako sa batis ang ganda kase, kaya mainggit ka." Pagmamayabang ko sakanya.
Wala itong sinabe at umalis agad sa harapan ko, sinundan naman ito ng mga mata ko.
"Pst.." pang gagambala sa 'kin.
Agad sinundan ng mga mata ko ang tunog na iyon at nagulat ako sa nakita ko, anong ginagawa niya rito!
Lumingon lingon muna ako bago lumapit sakanya, na ko baka makita nila tala.
"What are you doing here!" Pasigaw kong sabi ngunit tama lang sakanyang pandinig.
"Wala lang, bawal ba pumunta rito?" Simpleng sabi nito.
Aba, talagang dinala niya sa pamamahay ni lola ang kakapalan ng mukha niya!
"Yes. Hindi naman kita boyfriend so hindi ka welcome here!" Pagsusungit ko.
Matagal ito bago magsalita.
"So, can i court you?" Sabi pa niya.
This man is annoying!
Umiling ako. "Ulol, 'wag ako." Sabi ko at iniwan siya.
Hanep iyon ha, ako pa talaga napiling pag tripan sabagay.
Dumiretso ako sa kusina para kumain, nagutom ako kakatingin sa batis.
"Gutom?.... gala ka kase." Nagulat ako nang magsalita si tala sa harapan ko.
"Sorry na, next time isasama na kita." Sabi ko at nginisian siya.
Napa atras ako sa ibinato niyang baso sa sahig. Dahilan ng pagkulo nang dugo ko, bakit siya ganyan?
"what's wrong with you, lola just banned us earlier, then you're being stupid. Hindi ka marunong sumunod sa kung anong sinasabe ng katanda tanda sayo!" Sigaw niya.
Really tala?
Tumango tango ako. "Alam mo kung nagagalit ka dahil hindi kita sinama–" hindi ko natuloy ang pagsasalita ko dahil inunahan niya na.
Umiling ito. "I'm not mad just because you didn't ask me to go out with you, i'm mad because you're stupid!" Sigaw niya at linisan ang mabubog na kusina.
She say that i'm stupid?
Hindi kona makilala si tala, dahil lang sa ganon nagalit na siya, no hindi naman siya ganyan dati e.
Is she the one i like?
What's wrong with you tala ko, hindi ko na nakikita sayo 'yung totoong ikaw. Akala ko mapagpasensya ka anong nangyari?