Fear
Ilang araw ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako kinikibo ni tala, i'm so done understanding her. Kahit anong gawin ko hindi ko siya maintindihan kahit anong pilit ko walang nangyayari, i'm so tired of this.
As usual na sa batis nanaman ako, ito nalang ang pampalipas oras ko, simula nung mag-away kami ni tala, kahit ito iyong dahilan ng pinag-awayan namin.
Ewan ko pero parang adik na ako sa lugar na ito, ayaw ko na nga minsan umalis.
"You again!" Biglang sigaw ng isang lalaki.
Bumungad sa 'kin ang isang familiar na mukha. Bakit ba ang hilig nito sumulpot pag nag eemote ako?
Tumayo ako. "Yeah... hindi ba ako pwede rito?" Seryosong tanong ko. Pinagpagan ko ang dress ko dahil umupo ako sa d**o ng walang sapin.
First of all hindi naman sakanya ito kaya, pwede naman siguro ano?
"Yes, only pretty girls lang." Sabi niya.
So, Anong pinapalabas nito, na ang shonget ko?
Tumango ako. "Ahh, so i'm not welcome here?" Walang ganang sambit ko.
Wala akong gana makipag sagutan sakanya ngayon. Marami akong problema dadagdag pa siya, tsaka bakit ako makikipagtalo e alam ko namang maganda ako duhh.
Tumawa ito na parang baliw. Well hindi parang baliw na talaga siya!
"Did i laugh so loud? By the way i'm not crazy..." aniya.
Huwhat. Nababasa niya ba ang iniisip ko!
Hindi pa rin ito tumitigil sa kakatawa.
"What so funny huh?" Sabi ko.
Hope all is happy just like clean.
Umuwi na ako, baka hinahanap na rin ako nila lola.
"Apo, pwede ba kitang maka-usap?" Pilit na ngiti ni lola.
Tumango ako.
Sabay kami umupo ni lola sa sofa. Para namang ang haba nitong pag-uusapan namin ni lola, need pa talagang umupo.
"Tumawag si mommy mo sa 'kin kanina. Huminga itong malalim bago mag salita. Pano kaya kung tawagan mo si mommy mo para siya na ang mag-sabi sa 'yo."
Hindi kalayuan ay nakita kong nakatayo si tala at parang nakatitig siya sa 'kin.
Hey. Kinakabahan na 'ko.
Tinawagan ko si mama tulad ng sabi ni lola.
"Hello, mom ano po iyong sinasabi ni lola?" Sabi ko ng masiglang boses.
"Anak... astra is dead. I'm so sorry anak." Malungkot na sabi ni mommy.
Unti-unting bumagsak ang luha ko kasabay nang pagbagsak ng cellphone at sarili ko sa sahig.
"God, bakit ako palagi ang gusto niyong saktan. I'm so really tired na po!" Sigaw ko habang humahagulgol sa iyak.
Umiling iling ako. "Hindi naman ako makasalanang tao, bakit niyo po ako sinasaktan... wala naman po akong ginagawa!" Sigaw ko pa.
Nakayakap si lola sa 'kin habang nag wawala ako.
"Calm down... sa tingin mo ba matutuwa si astra kung idadaan mo sa pagdabog iyang hinanakit mo!" Sigaw ni tala.
"Kat, ok lang umiyak pero ang mag dabog hindi." Aniya sa mahinahon na boses.
Yinakap ako ni tala.