Nakaasar! Ang swerte swerte sa Gaga na si Marie! Hayys!
"Girl, wag kang masyadong ma inggit sa'kin" tumawa pa sya habang ngumunguya ng fries.
"Ba't naman ako ma iinggit sayo e yung crush mong si Kent ako ang gusto" ganti ko sa kanya sabay ngisi.
"HOY WAG NAMAN GANYAN" sigaw niya. Tumawa ako kase ang sagwa nya mag pout.
"Girl, I dare you" si Marie habang ngumingisi at patagong tinuturo yung mga gwapo na transferee na kumakain. Actually, dalawa sila.
Umirap ako sa kanya.
"Ayoko,"
Alam ko na kung ano ang ipapagawa niya sa'kin. Pupuntahan ko yung lalaki at itatanong ko kung ano ang pangalan, number at kung single pa ba.
Ang landi no'? Ewan ko ba sa, kaibigan kong 'to ang landi at sobrang hilig sa gwapo, e' hindi naman maganda!
Chozz, maganda naman kase si Marie kaya nga sa game na'to siya parati yung nananalo.
Last year pa namin nadiskubre 'tong laro na ito, hindi ko yun makakalimutan kase wala siyang pera nung time na yun kase war sila ng parents niya, nandito rin kami sa canteen noong mga panahon na 'yon para syang batang naiiyak dahil gutom na gutom na, parang tanga, syempre ilelebre ko sya kaso may naisip akong kademonyohan. May lalakeng gwapo na kumakain mag isa, sinabi ko kay Marie na dapat lapitan, at tanungin niya yung lalaki kung single ba, syempre joke lang 'yon pero ang gaga- Pumunta talaga sa lalaking 'yon at nagtanong Kaya ayun, dun nag start ang laro namin.
"Sige na, para ka namang just now." pilit niya pa.
"Kung irereject ka, may iba na naman akong dare sayo or ililibre mo ako ng milktea" hamon niya pa.
Umirap ako sakanya at tumayo papunta doon sa dalawang lalaking kumakain.
"Hey" panimula ko. Tumingin naman silang dalawa sa'kin at ngumiti. Napansin kong mas gwapo yung may dimple kaya siya yung kinausap ko.
"Ang guwapo mo. Single ka ba?" Hindi naman sobrang landi ng boses ko pero sa itinuro ni Marie sa'kin noon kailangan daw pabebe, kaya medyo pinapabebe ko yung boses ko.
"Yes miss, I'm his boyfriend" agad namang nanlaki ang mga mata ko nang nagsalita yung katabi niya.
Pootaaaaah?
Anuedaw?
Ang gwapo nilang dalawa! Jusmiyo!
Hindi ako fan ng BL pero sa nakita ko ngayon, ewan ko ba pero kinikilig ako!
Pero teka napahiya ako doon ha.
"Ay hehe. Sorry. By the way ang cute nyo dalawa! Sana magtagal kayo. K bye" agad akong umalis at bumalik sa mesa namin ni Marie at ang gaga tawang tawa!
"Bili ka na ng milktea" inabot ko sa kanya ang pera.
Siguro pag naglalaro kami neto araw-araw mauubos yung pera ko. Parati kase akong naririject!
"Oyyy! Hindi pa! May dare pa ako diba"
"Ano ba yan, Marie! Huwag na!"
"Alam ko namang ikakatuwa mo 'tong dare ko eh" pilya nyang ngisi.
"Sure ka na ikakatuwa ko yan?"
"Oo naman"
"Sige nga, ano yung dare?"
"Ligawan mo si Sir Adi. 1 month"